BuCor, magkakaroon ng major overhaul sa lahat ng mga kawani ng New Bilibid Prisons

Magkakaroon ng major overhaul sa lahat ng kawani at empleyado ng Bureau of Corrections (BuCor) upang maiwaksi ang mga maling gawain sa New Bilibid Prisons (NBP) na kinasasangkutan ng mga prison guards ng NBP sa maximum security compound Ayon kay BuCor Chief Director General Gregorio Catapang na nakatakdang sumailalim ang nasa 700 kawani ng BuCor… Continue reading BuCor, magkakaroon ng major overhaul sa lahat ng mga kawani ng New Bilibid Prisons

Telcos, nanawagan sa pamahalaan na palawigin pa ang Sim Card Registration

Nanawagan ang mga telecommunications companies na PLDT-Smart at Globe Telecomunications sa pamahalaan na palawigin pa ang Sim Card Resigration na nakatakdang magtapos sa April 26. Ayon kay PLDT-Smart Communications Vice President Cathy Yang na ito’y hindi lang daan sa kanilang kumpanya na mas matapos nila ang kabuuan ng kanilang customer population kung hindi para bigyang… Continue reading Telcos, nanawagan sa pamahalaan na palawigin pa ang Sim Card Registration

Presidential Communications Office, nagbago ng official logo

Simula ngayong araw ay gagamit na ng bagong logo ang Presidential Communications Office (PCO). Sa disensyo ng bagong logong gagamitin ng PCO, makikita dito ang araw na matatagpuan din sa watawat ng Pilipinas. Makikita rin ang tatlong bituin na magsisilbing representasyon o simbolo ngLuzon, Visayas, at Mindanao. Kasama rin sa bagong logo ang pluma o… Continue reading Presidential Communications Office, nagbago ng official logo

Higit 3,000 residente, nakinabang sa libreng X-ray test ng Caloocan LGU

Aabot sa higit 3,000 residente ang nakatanggap ng libreng x-ray mula sa Caloocan City government bilang bahagi ng pinaigting na anti-tuberculosis campaign sa lungsod. Pinangunahan ng Caloocan City Health Department (CHD) ang naturang kampanya sa pamamagitan ng pagset up ng mobile clinic, at pagiikot sa mga barangay. Mula sa kabuuang 3,052 residenteng nasuri, natukoy na… Continue reading Higit 3,000 residente, nakinabang sa libreng X-ray test ng Caloocan LGU

Operasyon ng transmission lines ng NGCP, nananatiling normal sa kabila ng pagtama ng bagyong Amang

Walang naitalang pinsala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission lines at mga pasilidad nito sa bansa. Ito sa kabila pa ng mga pag-ulan na dulot ng bagyong Amang. Mula kaninang madaling araw, wala pang natatanggap na ulat ang NGCP na may naitalang pinsala sa mga pasilidad. Gayunman, nananatiling nakaalerto ng kumpanya… Continue reading Operasyon ng transmission lines ng NGCP, nananatiling normal sa kabila ng pagtama ng bagyong Amang

Higit 1,000 electronic land titles, ipinamahagi ng DAR sa Masbate

Aabot sa 1,048 agrarian reform beneficiaries sa Masbate ang nakatanggap ng electronic land titles mula sa Department of Agrarian Reform (DAR). Pinangunahan ni DAR Secretary Conrado Estrella III ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan ang pamamahagi ng e-titles na ginanap sa Magallanes Coliseum, Masbate City. Ayon sa DAR, katumbas ito ng higit sa 2,130… Continue reading Higit 1,000 electronic land titles, ipinamahagi ng DAR sa Masbate

Pinakamalaking pinondohang farm-to-market road, pinasinayaan ang pagsisimula ng konstruksyon

Pinangunahan ni Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan ang ground breaking ceremony para sa Farm-to-Market Road project sa bayan ng Oras, Eastern Samar. Malaki ang pasasalamat ng mambabatas na masimulan ang naturang proyekto na siya ring farm to market road na may pinakamalaking pondo. Aniya, tumulong ang 4Ps party-list na maglaan ng ₱100-million… Continue reading Pinakamalaking pinondohang farm-to-market road, pinasinayaan ang pagsisimula ng konstruksyon

Panukalang Trabaho Para sa Bayan, tutugon sa problema ng job-skills mismatch sa bansa — Sen. Joel Villanueva

Pinunto ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na makakatulong ang panukalang Trabaho Para sa Bayan (Senate bill 2035) para matugunan ang job-skills mismatch na nararanasan lalo na ng mga fresh graduates ngayon. Ayon kay Villanueva, ang naturang panukala na nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng Senado, ay layong pasiglahin ang national at local economic growth… Continue reading Panukalang Trabaho Para sa Bayan, tutugon sa problema ng job-skills mismatch sa bansa — Sen. Joel Villanueva

Review ng K-to-12 program, dapat iprayoridad ng mga ahensya ng gobyerno — Sen. Poe

Ipinanawagan ni Senador Grace Poe ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagtugon sa kakulangan ng kahandaan ng mga Pinoy graduates na nakakaapekto sa kanilang paghahanap ng trabaho. Ito ay bilang reaksyon sa inilabas na situational report ng Commission on Human Rights (CHR) na hirap makahanap ng trabaho ang mga nagsipagtapos nitong panahon… Continue reading Review ng K-to-12 program, dapat iprayoridad ng mga ahensya ng gobyerno — Sen. Poe

Senior Citizens Party-list solon, pinapurihan ang paglalabas ng halos ₱43-B health insurance ng mga senior

Malaki ang pasasalamat ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes sa Marcos Jr. administration, sa pagbibigay halaga sa mga nakatatanda. Kasunod ito ng paglalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng ₱42.931-billion health insurance premiums na pakikinabangan ng nasa 8.5 million enrolled senior citizens. Aniya anomang halaga na ilaan para sa kalusugan ng mga… Continue reading Senior Citizens Party-list solon, pinapurihan ang paglalabas ng halos ₱43-B health insurance ng mga senior