Ilang lugar sa NCR, Cavite na sineserbisyuhan ng Maynilad, makakaranas ng water interruption

Simula mamayang gabi hanggang March 24, hihina o mawawalan ng serbisyo ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at probinsya ng Cavite. Sa abiso na inilabas ng Maynilad, ilan sa mga maapektuhan na lungsod sa National Capital Region (NCR) ay ang Las Piñas, Muntinlupa, at Parañaque. Ilan naman sa mga apektado sa Cavite ay… Continue reading Ilang lugar sa NCR, Cavite na sineserbisyuhan ng Maynilad, makakaranas ng water interruption

Maintenance Medicine Program ng QC LGU para sa mga senior, aarangkada na

Ilulunsad ng Quezon City LGU ang Maintenance Medicine Program para sa mga senior citizen na nangangailan ng serbisyong medikal. Isasagawa ito sa March 24 sa Brgy. White Plains Covered Court mula 8AM-12PM. Ipapamahagi ang mga libreng gamot para sa mga senior citizen na may hypertension, diabetes, at high cholesterol. Handog naman ng Quezon City Health… Continue reading Maintenance Medicine Program ng QC LGU para sa mga senior, aarangkada na

Administratibong kaso vs. 13 tauhan ng CIDG sa umano’y ‘hulidap’ incident, ipinag-utos ni Gen. Azurin

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang pagsulong ng administratibong kaso laban sa 13 pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) NCR na sangkot sa kwestyonableng raid sa Parañaque noong nakaraang linggo. Ito’y kahit na binawi na ng mga Chinese na biktima umano ng “hulidap” ang kanilang unang… Continue reading Administratibong kaso vs. 13 tauhan ng CIDG sa umano’y ‘hulidap’ incident, ipinag-utos ni Gen. Azurin

DND, umaasa sa karagdagang EDCA projects

Inaasahan ng Department of National Defense (DND) na ikukunsidera ng Estados Unidos ang karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) projects sa bansa. Ito ang inihayag ni DND Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa groundbreaking Ceremony ng Basa Airbase Runway Rehabilitation Project sa Pampanga kahapon. Ang rehabilitasyon ng 2.5 kilometrong basa Airbase runway… Continue reading DND, umaasa sa karagdagang EDCA projects

Arrest warrant ng ICC vs. Russian Pres. Putin, nagpapahiwatig na di makakalusot ang anumang crimes against humanity — Sen. Hontiveros

Binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros na ang inilabas na Warrant of Arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Russian President Vladimir Putin ay isang malakas na mensahe sa global community na hindi papalampasin ang war crimes, genocide, at crimes against humanity. Sa kabila ng paggiit ng Moscow na walang bisa ang Warrant of Arrest… Continue reading Arrest warrant ng ICC vs. Russian Pres. Putin, nagpapahiwatig na di makakalusot ang anumang crimes against humanity — Sen. Hontiveros

Plano na palitan ng mga babaeng pulis ang mga Desk officers sa Police Stations sa MM, welcome sa mga senadora

Posibleng maging solusyon sa under-reporting at under recording ng mga kaso, lalo na sa kaso ng gender-based violence, ang pagtatalaga ng mga babaeng pulis bilang mga Desk officer. Ito ang pahayag ni Senador Grace Poe matapos sabihin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Edgar Okubo na nais niyang palitan ng… Continue reading Plano na palitan ng mga babaeng pulis ang mga Desk officers sa Police Stations sa MM, welcome sa mga senadora

Party-list solon, tiniyak sa PUV drivers na di malulugi sa ipatutupad na diskwento sa pamasahe

Pinawi ni Drivers United for Mass Progress and Equal Right-Philippine Taxi Drivers Association (DUMPER–PTDA) Party List Representative Claudine Diana Bautista-Lim ang pangamba ng mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers na mawalan ng kita dahil sa itinutulak na “fare discounts” para sa mga pasahero. Ito’y matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang… Continue reading Party-list solon, tiniyak sa PUV drivers na di malulugi sa ipatutupad na diskwento sa pamasahe

NIA, sinimulan na ang konstruksyon ng pinakamalaking irrigation project sa Capiz

Sinimulan na ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagtatayo ng ₱664.75-milyon Bayuyan Small Reservoir Irrigation Project (Bayuyan SRIP) sa Barangay Bayuyan, President Roxas, Capiz. Pinangunahan ni NIA Acting Administrator Engr. Eddie Guillen ang Groundbreaking at Capsule-Laying Ceremony ng proyekto na isa sa itinuturing na pinaka-malaking irrigation project ng NIA sa lalawigan. Ayon kay Admin Guillen,… Continue reading NIA, sinimulan na ang konstruksyon ng pinakamalaking irrigation project sa Capiz

Police Station Desk officers sa Metro Manila, papalitan ng mga babaeng pulis — NCRPO Okubo

Simula sa mga susunod na araw mga babaeng pulis na ang makikita bilang desk officer sa mga Police Station sa Metro Manila. Ito ay matapos mapatunayan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Police Major General Edgar Okubo na mas may malasakit ang mga babaeng pulis kaysa sa mga lalaking pulis. Ayon kay… Continue reading Police Station Desk officers sa Metro Manila, papalitan ng mga babaeng pulis — NCRPO Okubo

Sen. Dela Rosa, di nag-aalala sa kaso niya sa ICC sa kabila ng utos nitong arestuhin si Russian Vladimir Putin

Hindi nangangamba si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa kaugnay ng kasong kinakaharap niya sa International Criminal Court (ICC). Ito ay matapos maglabas ang ICC ng Warrant of Arrest laban kay Russian President Vladimir Putin. Giit ni Dela Rosa, malabong maipatupad ang Warrant of Arrest na ito laban kay Putin dahil hindi tiyak kung sino ang… Continue reading Sen. Dela Rosa, di nag-aalala sa kaso niya sa ICC sa kabila ng utos nitong arestuhin si Russian Vladimir Putin