Fuel subsidy sa mga tsuper at operator, dapat nang ibigay – Sen. Poe

Nanawagan si Senate Committee on Public Services chairperson Senadora Grace Poe na dapat nang ipamahagi sa mga drayber at operator ang fuel subsidy na inilaan ng pamahalaan. Ayon kay Poe, dapat nang agad na maglabas ng kautusan ang Department of Transportation (DOTr) sa pamamahagi ng fuel subsidy lalo’t sa ilalim ng 2023 National Budget ay… Continue reading Fuel subsidy sa mga tsuper at operator, dapat nang ibigay – Sen. Poe

Lungsod ng Taguig, napasalamat sa COMELEC sa pagkilala nito sa pagsama ng sampung EMBO barangay sa gaganaping BSKE sa Oktubre

Malugod na nag pasalamat ang Taguig City Government sa pagsama ng Commission on Elections (COMELEC) sa sampung EMBO barangays na mapasama ito sa darating na BSKE elections sa darating na Oktubre. Sa inilabas na statement ng Taguig City, nagpapasalamat ito sa komisyon sa pagkilala nito sa naging desisyon ng korte na maisama na ang sampung… Continue reading Lungsod ng Taguig, napasalamat sa COMELEC sa pagkilala nito sa pagsama ng sampung EMBO barangay sa gaganaping BSKE sa Oktubre

Inisyal na planong pagsasagawa ng oil exploration sa WPS, kinumpirma ng DOE

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na may mga inisyal nang plano para sa pagsasagawa ng mga exploration sa mga islang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ang desisyon na ito ay matapos na banggitin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikalawang State… Continue reading Inisyal na planong pagsasagawa ng oil exploration sa WPS, kinumpirma ng DOE

4K benepisyaryo sa Pangasinan, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD

Nasa 1,000 benepisyaryo ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation mula sa Urbiztondo, Pangasinan ang nakatanggap ng 3,000 tulong pinansyal mula sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development. Personal na pinangunahan ni Sen. Imee Marcos ang ginawang distribusyon sa Urbiztondo Sports Complex nitong August 21, 2023, katuwang ang lokal na pamahalaan na… Continue reading 4K benepisyaryo sa Pangasinan, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD

Makati at Taguig LGU, inatasan ng DILG na tulungan ang COMELEC sa BSKE

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod ng Makati at Taguig na tulungan ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa inilabas na direktiba ng DILG, partikular na pinatutukan ng ahensya ang 10 barangay na ipinalilipat ng Korte… Continue reading Makati at Taguig LGU, inatasan ng DILG na tulungan ang COMELEC sa BSKE

BuCor Director General, nagbigay ng kautusan sa mga PDL

Binigyan lamang ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ngayong araw ang mga persons deprived of liberty (PDL) para baklasin ang kanilang mga kubol mula sa iba’t ibang penal farms sa bansa. Ayon kay Catapang, layon ng kanyang pagpapabaklas ng kubol ay para maipatuloy malinis ang loob ng mga piitan… Continue reading BuCor Director General, nagbigay ng kautusan sa mga PDL

Produksyon ng mais, lalong pinaparami ng DA-XI sa Davao Oriental

Ang Department of Agriculture-XI (DA-XI), sa pamamagitan ng kaniyang Corn Banner Program at sa pakipagtulungan ng Research and Development Division, ay naglunsad ng genetically-modified (GM) hybrid yellow corn production derby crop-cutting sa Tagugpo, sa bayan ng Lupon, Davao Oriental Province. Ang naturang activity ay naglalayong tukuyin ang pinaka-magandang binhi na makapagbibigay ng mataas na bulto… Continue reading Produksyon ng mais, lalong pinaparami ng DA-XI sa Davao Oriental

Lalaban hanggang sa huli ang Gilas Pilipinas – Gilas Ambassador Arwind Santos

Isinagawa ang press conference para sa Trophy Tour ng 2023 FIBA Basketball World Cup ngayon araw. Ililibot ang naturang trophy sa mga pangunahing lugar sa Ilocos Norte, gaya sa Kapurpurawan Rock Formation sa bayan ng Burgos. Ayon kay Gilas Ambassador Arwind Santos, lalaban hanggang sa huli ang Gilas Pilipinas. Aniya, na hindi maitatanggi ang lakas… Continue reading Lalaban hanggang sa huli ang Gilas Pilipinas – Gilas Ambassador Arwind Santos

Daan-daang examinees ng CSE mula Iligan at karatig-bayan, dumagsa sa araw ng pagsusulit

Dumagsa ngayong araw ang daan-daang examinees ng Civil Service Examination o Career Service Examination (CSE) mula sa lungsod ng Iligan City at karatig-bayan dito sa Northern Mindanao. Alas sais pa lang ng umaga, pumila na ang mga kukuha ng examination. Mahaba ang pila papasok sa isa sa mga naitalagang examination centers, ang Iligan City National… Continue reading Daan-daang examinees ng CSE mula Iligan at karatig-bayan, dumagsa sa araw ng pagsusulit

Pagkakaroon ng disaster food bank sa kada probinsya, lusot na sa Kamara

Pinagtibay ng mababang kapulungan ng kongreso ang panukala para sa pagtatayo ng food bank at pag-iimbak ng mga relief goods sa bawat probinsya at highly urbanized city sa bansa. Layon ng House Bill 8463 na makapagpatayo ng Disaster Food Bank and Stockpile sa buong bansa para sa mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga magiging… Continue reading Pagkakaroon ng disaster food bank sa kada probinsya, lusot na sa Kamara