QCRTC, naglabas ng TRO para pigilan ang pag-imprenta sa plastic license cards

Naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban sa Department of Transportation (DOTr) sa pagpapa-iimprenta nito ng mga plastic driver’s license card sa kinontratang Banner Plasticard, Inc. Ito’y makaraang maghain ng reklamo at humiling ng TRO sa QCRTC ang Allcard, Incorporated laban sa Banner Plasticard, Inc., na kinontrata ng… Continue reading QCRTC, naglabas ng TRO para pigilan ang pag-imprenta sa plastic license cards

Dating DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., itinalaga ni Pangulong Marcos, bilang Special Envoy of the President to the People’s Republic of China for Special Concerns

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. bilang Special Envoy of the President to the Republic of China for Special Concerns. “It’s to boost bilateral relations between the two countries.” —Secretary Garafil. Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Secretary (PCO) Cheloy Velicaria – Garafil ngayong hapon. Bago… Continue reading Dating DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., itinalaga ni Pangulong Marcos, bilang Special Envoy of the President to the People’s Republic of China for Special Concerns

BSKE sa Taguig, tututukan ng DILG at COMELEC

Nakikipagtulungan na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Election (COMELEC) para ihanda ang mga bagong barangay ng Taguig City para sa darating na barangay elections sa Oktubre 30, 2023. Alinsunod sa pinal na desisyon ang Korte Suprema, bahagi na ng Taguig City ang Fort Bonifacio Military Reservation at hindi na… Continue reading BSKE sa Taguig, tututukan ng DILG at COMELEC

Kamara, tuluyan nang tinanggal si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr.

Matapos ang dalawang beses na suspensyon ay tuluyan nang pinatalsik ng Kamara bilang miyembro nito si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr. Nasa 265 na mambabatas ang bumoto pabor at tatlong abstention para pagtibayin ang rekomendasyon ng House Committee on Ethics sa ilalim ng Committee Report 717 para patawan ng parusang ‘expulsion’ si… Continue reading Kamara, tuluyan nang tinanggal si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr.

Chief of Police ng Navotas na nasibak dahil sa kaso ng mistaken identity, dumipensa sa alegasyon ng cover up

Hinihintay na lamang ni Navotas City Police Chief, P/Col. Allan Umipig ang opisyal na direktibang magmumula sa Northern Police District (NPD). Ito’y para matiyak ang maayos na turnover matapos siyang i-relieve ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, P/BGen. Jose Melencio Nartatez dahil sa kaso ng 17 anyos na si Jemboy Baltazar na biktima… Continue reading Chief of Police ng Navotas na nasibak dahil sa kaso ng mistaken identity, dumipensa sa alegasyon ng cover up

MIAA Acting General Manager at Assistant nito, tuluyan nang sinibak sa puwesto ng Ombudsman

Tuluyan nang pinatalsik sa puwesto ng Office of the Ombudsman sina Manila International Airport Authority (MIAA) Acting General Manager Cesar Chiong at ang kaniyang Acting Assistant na si Irene Montalbo. Ang dalawang opisyal ay nauna nang pinatawan ng suspension order ng Ombudsman noong Mayo ngayong taon. Nagbaba ng kautusan ang Ombudsman, matapos mapatunayang guilty ang… Continue reading MIAA Acting General Manager at Assistant nito, tuluyan nang sinibak sa puwesto ng Ombudsman

DHSUD Davao, nagbabala sa publiko na bawal bumili ng lupa sa area na pagtatayuan ng Regional Government Center

Mayroong area Siyudad ng Dabaw na pagmamay-ari ng iba’t ibang government agencies sa ilalim ng Proclamation No. 1354, na nlagdaan ni Former President Rodrigo Duterte, kung saan itatayo ang Regional Government Center (RGC). Makikita ito sa Barangay Bago Oshiro, Davao City at pagtatayuan sa hinaharap ng RGC sa Davao City. Ang Department of Human Settlements… Continue reading DHSUD Davao, nagbabala sa publiko na bawal bumili ng lupa sa area na pagtatayuan ng Regional Government Center

162 mga benepisyaryo ng repormang agraryo sa Zamboanga Sibugay, nakatanggap ng mga titulo ng lupa

Umabot sa 162 mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng tatlong island municipalities ng Zamboanga Sibugay ang nakatanggap ng kani-kanilang mga titulo o Certificate of Land Ownership Award (CLOA) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR)-Zamboanga Sibugay Provincial Office. Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa mga bayan ng Mabuhay, Olutanga at Talusan sa lalawigan ng Zamboanga… Continue reading 162 mga benepisyaryo ng repormang agraryo sa Zamboanga Sibugay, nakatanggap ng mga titulo ng lupa

Pagsalin sa titulo ng liderato sa katutubong Blaan, isinagawa sa Saranggani Province

“Intelihenteng liderato ng mga leader sa kumunidad,” ito ang hinimok ni Bong Fulung Fredo Pandian Basino na nahirang kamakailan bilang Barangay Tribal Chieftain (District 1) ng Barangay Sapu Masla sa bayan ng Malapatan, Sarangani Province. Naipasa sa kaniya ang titulo sa isang seremonya na pinamagatang “Installation, Investiture, and Recognition Ceremony of Bong Fulung Mngawe Banwe… Continue reading Pagsalin sa titulo ng liderato sa katutubong Blaan, isinagawa sa Saranggani Province

Kampo at mga kagamitang pandigma ng CTG, nadiskubre sa Sagada, Mountain Province

Ayon sa impormasyon na inilabas ng PNP Mountain Province PIO, nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang abandonadong ‘encampment’ o kampo ng pinaghihinalaang Communist Terrorist Group (CTG) sa Mount Ampucao, Brgy. Balugan, Sagada, Mountain Province, habang sila’y nagsasagawa ng reconnaissance at combat patrol operation sa lugar sa araw ng Martes, August 15, 2023.… Continue reading Kampo at mga kagamitang pandigma ng CTG, nadiskubre sa Sagada, Mountain Province