Seven Falls sa Lake Sebu, paboritong tourist destination na ngayon sa South Cotabato Province

Ang Seven Falls na nasa Lake Sebu, South Cotabato ay isa nang paboritong destinasyon ng mga turista at mga residenteng lokal na naghahanap ng makabuluhang karanasang kasama ang kalikasan. Dahil sa dumaraming bilang ng mga bisita, ang South Cotabato Economic Enterprise Management Office (SCEEMO) ay nakipag-koordinasyon sa Arts, Culture, Tourism, and Sports (ACTS) Promotion Office… Continue reading Seven Falls sa Lake Sebu, paboritong tourist destination na ngayon sa South Cotabato Province

Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat, umabot na sa P1.77-B, ayon sa DepEd

Lumobo pa ang halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon na dulot ng pananalasa ng mga nagdaang Bagyong #EgayPH at #FalconPH, pati na habagat. Batay sa pinakahuling situation report ng Department of Education (DepEd), umabot na sa P1.77 bilyon ang halaga ng pinsala kung saan nasa 479 na mga paaralan ang naapektuhan mula sa iba’t… Continue reading Halaga ng pinsala sa sektor ng edukasyon dulot ng pananalasa ng Bagyong Egay at habagat, umabot na sa P1.77-B, ayon sa DepEd

Bayan ng Jolo, idineklara nang ASG-free

Idineklara na bilang Abu Sayyaf Group (ASG) free ang bayan ng Jolo, Sulu sa Peace and Order at Public Safety Cluster Meeting ng mga miyembro nito sa plenary na isinagawa sa Day Care Building ngayong hapon. Ito ay sa pamamagitan ni Vice Mayor Ezzeddin Soud Tan bilang presiding officer base sa motion na i-adopt ng… Continue reading Bayan ng Jolo, idineklara nang ASG-free

Kaso laban sa itinuturong gunman sa Percy Lapid slay case na si Joel Escorial, hiniling sa Las Piñas RTC na ibaba ang sa Homicide mula sa dating Murder

Hiniling ng kampo ng self-confessed gunman sa Percy Lapid slay case na si Joel Escorial sa Las Piñas City Regional Trial Court na maibaba sa Homicide ang kasong Murder na isinampa laban sa kaniya. Ito’y matapos maghain ng motion to plea bargain ang kampo ni Escorial kasabay ng isinagawang pagdinig kaugnay sa nasabing kaso ngayong… Continue reading Kaso laban sa itinuturong gunman sa Percy Lapid slay case na si Joel Escorial, hiniling sa Las Piñas RTC na ibaba ang sa Homicide mula sa dating Murder

VP Sara, kinilala ang talento at potensyal ng mga kabataan na makagawa ng mga positibong pagbabago ngayong “Linggo ng Kabataan 2023”

Kinilala ni Vice President Sara Z. Duterte ang talento at potensyal ng mga kabataan na makagawa ng mga positibong pagbabago sa bansa ngayong ipinagdiriwang ang “Linggo ng Kabataan 2023.” Sa isang mensahe sinabi ni VP Sara na dapat kilalanin ang kakayahan ng mga kabataan na makagawa pagbabago lalo na aspeto ng pangangalaga sa kalikasan. Kaugnay… Continue reading VP Sara, kinilala ang talento at potensyal ng mga kabataan na makagawa ng mga positibong pagbabago ngayong “Linggo ng Kabataan 2023”

Foreign POGOS, pinaalalahanan na mag-apply muli ng lisensya bago mag- September 15

Muling ipinaalala ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco sa mga overseas POGO operators na sigurihing makapag-re-apply ng kanilang lisensya bago ang September 15. Matatandaan simula August 1 ay inilagay ng PAGCOR sa probationary status ang lahat ng POGO. Sa kasalukuyan nasa kulang 30 na lang aniya ang overseas gaming licensees nila. Sa panig naman ng service… Continue reading Foreign POGOS, pinaalalahanan na mag-apply muli ng lisensya bago mag- September 15

73 dating rebelde sa Antique, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

📸 Spearhead Troopers

Higit P2-B na utang ng isang POGO sa PAGCOR, hindi na mababayaran

Aminado si PAGCOR Chairman Al Tengco na malabo nang masingil pa ang nasa P2.2 billion na utang ng isang overseas POGO company noon pang nakaraang administrasyon na bigla na lang umalis ng bansa noong panahon ng pandemya. Tugon ito ng opisyal sa interpelasyon ni Minority Leader Marcelino Libanan sa budget briefing ng House Committee on… Continue reading Higit P2-B na utang ng isang POGO sa PAGCOR, hindi na mababayaran

Panukalang taas-singil sa pamasahe sa mga pampublikong dyip, pag-aaralan ng LTFRB

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, kinikilala ng ahensya ang karapatan ng mga operator at tsuper na nais maghain ng panukala hinggil sa dagdag-singil sa pamasahe. Pag-aaralan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng ilang transport group na taas-pasahe. Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, kinikilala ng ahensya… Continue reading Panukalang taas-singil sa pamasahe sa mga pampublikong dyip, pag-aaralan ng LTFRB

PRO 6, nagpaabot ng simpatiya sa mga pulis na biktima ng engkwentro sa Negros Occidental

Binisita ni Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Sidney Villaflor ang lamay ni P/Corporal Jaime Nuñez, ang pulis na napatay sa engkwentro kontra New People’s Army sa Calatrava, Negros Occidental. Sa pagbisita ng opisyal, ginawad ni Villaflor sa namatay na pulis ang Medalya ng Kasanayan (posthumous award) at tulong pinansyal na P100,000 para sa… Continue reading PRO 6, nagpaabot ng simpatiya sa mga pulis na biktima ng engkwentro sa Negros Occidental