Kaso ng leptospirosis at dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

Umabot na sa 48 ang kaso ng Leptospirosis sa lungsod Quezon mula Enero hanggang Hulyo 22 ngayong taon. Mas mataas ito ng 10 o 26.32% na kaso kumpara noong nakalipas na taon. Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nakapagtala ang District 6 at District 1 ng pinakamataas na kaso na may… Continue reading Kaso ng leptospirosis at dengue sa Quezon City, patuloy na tumataas

Patuloy na pagbaha sa Metro Manila, nais ipabusisi sa Senado

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang resolusyong naglalayong imbestigahan ang patuloy at paulit-ulit na problema ng pagbaha sa Metro Manila at ilan pang mga lugar sa bansa. Sa isinulong na Senate Resolution 693 ni Villanueva, layong makabuo ng isang panukalang batas na makapagpapabuti ng urban drainage system at maprotektahan ang Metro Manila… Continue reading Patuloy na pagbaha sa Metro Manila, nais ipabusisi sa Senado

Higit 1,400 pamilya, inilikas sa Barangay Bagong Silangan dahil sa pagtaas ng tubig baha

Abot sa 1,406 na pamilya o katumbas na 4,592 indibidwal ang sapilitang inilikas sa barangay Bagong Silangan simula kagabi. Isinagawa ang forced evacuation ng pamahalaang lungsod ng Quezon ng tumaas ang tubig baha sa Marikina River. Ang mga apektadong ay mula sa 31 lugar sa barangay na malapit sa ilog. Bagama’t bumaba na sa alarm… Continue reading Higit 1,400 pamilya, inilikas sa Barangay Bagong Silangan dahil sa pagtaas ng tubig baha

Ibang lugar sa Valenzuela, lubog pa sa tubig baha

Ilang lugar sa lungsod ng Valenzuela ang hindi pa madadaanan ng mga light vehicles dahil lubog pa rin sa tubig baha. Bago mag alas-7:00 kanina, lubog pa hanggang 25 pulgada ang kanto ng Bypass Road. Sa barangay Veinte Reales at sa kanto ng G. Lazaro, Dalandanan na may taas na 35 pulgada ang tubig baha.… Continue reading Ibang lugar sa Valenzuela, lubog pa sa tubig baha

355 na indibidwal, hired-on-the spot sa Mega Job Fair sa Caloocan

Umabot sa 779 na mga aplikante ang lumahok sa Mega Job Fair ng Lokal na Pamahalaan ng Caloocan sa Bulwagang Katipunan. Ayon sa Caloocan Public Employment Service Office o PESO, sa mahigit 700 na mga job seeker nasa 355 ang hired-on-the spot. Nasa 57 mga kumpanya naman ang lumahok alok ang iba’t ibang trabaho gaya… Continue reading 355 na indibidwal, hired-on-the spot sa Mega Job Fair sa Caloocan

Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa National Nutrition Council – NCR

Nakatanggap ng Green Banner Seal of Compliance Award ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa mula sa National Nutrition Council – NCR dahil sa mga nutrition programs na ipinapatupad ng lungsod. Ang nasabing pagkilala ang siyang pinakamataas na ibinibigay sa isang LGU para sa mga sustainable intervention programs upang labanan ang malnutrisyon lalo na sa mga bata.… Continue reading Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa National Nutrition Council – NCR

Mga pamilyang nagsilikas sa Lungsod ng Marikina, nagsiuwian na

Nagsiuwian na ang mga residente na nagsilikas sa mga evacuation center sa Marikina City kahapon. Batay sa pinakahuling datos ng Marikina City Rescue 161, dalawang pamilya o walong indibidwal na lamang ang nasa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Habang nakauwi na ang mga nagsilikas sa Nangka Gym kaninang madaling araw. Nasa 34 na pamilya o… Continue reading Mga pamilyang nagsilikas sa Lungsod ng Marikina, nagsiuwian na

Landslide, naitala sa lungsod ng Taguig

Isang landslide naitala sa bahagi ng bike lane ng C-5 Road, Brgy. Western Bicutan ngayong umaga. Ayon sa Taguig LGU, walang nasaktan o namatay mula sa mga pamilyang nakatira sa paligid ng lugar. Isinara ang bike lane at outermost lane ng C5 Road na katabi ng lugar ng insidente upang mabawasan ang pagyanig ng lupa… Continue reading Landslide, naitala sa lungsod ng Taguig

Pasay LGU, magsasagawa ng Barangay Labor Desk Job Fair sa Sabado

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng isang Barangay Labor Desk Job Fair sa darating na Sabado, July 29 na gaganapin sa President Corazon Aquino National High School sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City. Ang nasabing job fair ay magsisimula mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Aabot sa kabuuang 1,468 na mga bakanteng… Continue reading Pasay LGU, magsasagawa ng Barangay Labor Desk Job Fair sa Sabado

Lebel ng tubig sa Marikina River, patuloy na bumababa; bilang ng mga inilikas na pamilya sa lungsod dahil sa bagyong Egay nasa 22

Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Marikina River ngayong hapon. Ayon sa Marikina City Rescue 161, kaninang 3 PM, nasa 15.8 meters na lang ang lebel ng tubig sa ilog kung saan ibinaba na rin ang alarm level sa unang alarma. Kaninang alas-12 ng tanghali, umabot sa 16 meters ang lebel ng tubig… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, patuloy na bumababa; bilang ng mga inilikas na pamilya sa lungsod dahil sa bagyong Egay nasa 22