Mga netizen, rumesbak sa mga pahayag ni Makati Mayor Binay laban sa Taguig

Pinasinungalingan ng ilang mga netizen nitong Lunes ang mga sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay sa isang post nito sa Facebook patungkol sa mga serbisyong aniya’y hindi natatanggap ng mga taga-City of Taguig at “tanging Makati lang ang nagbibigay.” Nitong July 17, 2023, nag-upload ng isang video si Binay sa official account ng Makati… Continue reading Mga netizen, rumesbak sa mga pahayag ni Makati Mayor Binay laban sa Taguig

Ilan pang transport group, nagpahayag na hindi sasali sa tigil pasada

Nadagdagan pa ang mga transport group na nagpahayag ng kanilang suporta sa LTFRB at hindi makikilahok sa pinaplanong tatlong araw na tigil pasada ng grupong MANIBELA. Sa isang press conference, ibinahagi ni Obet Martin ng Pasang Masda na bukod sa mga jeepney operators ay nakikiisa na rin sa kanila ang mga grupo ng tracker, mga… Continue reading Ilan pang transport group, nagpahayag na hindi sasali sa tigil pasada

Pasig City Mega Trade at Coop Fair, isinagawa sa Ayala Malls The 30th

Naglunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig ng Mega Trade Fair at Mega Cooperative Fair ngayong araw, July 18 hanggang July 23 sa Ayala Malls The 30th. Ito ay bahagi pa rin ng 450th Anniversary ng Lungsod ng Pasig. Tampok sa naturang trade at cooperative fair ang iba’t ibang produkto ng 23 micro, small, medium… Continue reading Pasig City Mega Trade at Coop Fair, isinagawa sa Ayala Malls The 30th

Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa DOH

Umani ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa mula sa Department of Health (DOH) para sa pagsisikap sa nationwide vaccination drive ng ahensya. Ayon sa DOH, malaki ang naging ambag ng Muntinlupa LGU sa pagkamit ng layunin ng Measles-Rubella at bivalent Oral Poliovirus Vaccine Supplemental Immunization Activity. Pinasalamatan naman ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon… Continue reading Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa DOH

Daily water service interruption sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

Sinuspinde na ng Maynilad Water Services ang scheduled daily water service interruptions sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Valenzuela at Quezon City. Sinabi ng Maynilad, na nakatulong ang mga pag-ulan dala ng bagyong Dodong para mapataas ang water elevation sa Ipo Dam. Ito ang dahilan kaya patuloy na natatanggap mula sa portal ang… Continue reading Daily water service interruption sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

QC LGU, nagdeklarang walang pasok sa mga pribado at pampublikong paaralan sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Idineklara na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon na walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lunes, Hulyo 24, 2023. Ito’y upang bigyang daan ang State Of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex. Nilagdaan na ni QC Mayor Joy Belmonte ang Executive… Continue reading QC LGU, nagdeklarang walang pasok sa mga pribado at pampublikong paaralan sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

MMDA, nakapagtala ng 100k pasahero na naserbisyuhan ng Pasig River Ferry sa unang anim na buwan ng taon

Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority ng mahigit 100,000 pasahero ang naserbisyuhan ng Pasig River Ferry Service sa unang anim na buwan ng 2023. Kung saan may kabuuang 133, 585 ang kabuuang bilang at naitala naman ang pinakamalaking bilang ng pasahero sa buwan ng Mayo. Mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang… Continue reading MMDA, nakapagtala ng 100k pasahero na naserbisyuhan ng Pasig River Ferry sa unang anim na buwan ng taon

Back-to-School at Palarong Pambansa Shoe Bazaar, binuksan sa Marikina City

Binuksan na ngayong araw ang Back-to-School at Palarong Pambansa Shoe Bazaar na matatagpuan sa Multi-Level Parking Building, Brgy. Sta. Elena malapit sa Marikina City Hall. Pinangunahan nina Marikina City Vice Mayor Marion Andres at mga konsehal ng lungsod ang pagpapasinaya sa naturang bazaar. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Philippine Footwear Federation Inc., mga… Continue reading Back-to-School at Palarong Pambansa Shoe Bazaar, binuksan sa Marikina City

Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa Anti-Red Tape Authority

Tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) dahil sa innovative business registration. Nanguna ang Muntinlupa LGU sa pitong iba pang lungsod sa mga recipient ng Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) awards, dahil sa pagpapabuti ng mga serbisyo ng pamahalaan. Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon,… Continue reading Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa Anti-Red Tape Authority

Mga mag-aaral sa Malabon, binigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa ilang tanggapan ng LGU

May 200 mag-aaral sa Malabon ang binigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES). Ayon sa Malabon Local Goverment Unit, handa nang magbigay serbisyo sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ang mga benepisyaryo sa loob ng 20 na araw. Isinagawa ngayong Lunes ang SPES Orientation para… Continue reading Mga mag-aaral sa Malabon, binigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa ilang tanggapan ng LGU