Mga problema at reklamo sa EDSA Bus Carousel, tinalakay sa pulong ng MMDA, LTFRB at PNP-HPG

Pinulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga transport consortium at bus operators upang pag-usapan ang mga problema at reklamong natatanggap mula sa mga pasahero ng EDSA Bus Carousel.

Philippine Red Cross, naglunsad ng fundraising golf tournament

Nagkasa ang Philippine Red Cross – Malabon Chapter ng kauna-unahang golf tournament upang mangalap ng pondo. Ito ay tinawag na “Swing for Humanity.”

Aabot sa 10 kabahayan, naabo sa sunog sa Taguig

Tinatayang aabot sa humigit kumulang 30 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos maabo ng sunog ang aabot sa 10 hanggang 30 kabahayan sa Brgy. North Daang Hari sa Taguig City ngayong hapon. Batay sa ulat ng Taguig City Fire Department, sumiklab ang apoy dakong alas-2:04 ng hapon kung saan, umakyat pa ito sa ikatlong alarma.… Continue reading Aabot sa 10 kabahayan, naabo sa sunog sa Taguig

Lungsod ng Makati, nakatakdang maglunsad ng job fair sa ika-353 anibersaryo nito sa June 8

Nakatakdang maglunsad ang Makati City ng job fair sa darating na 353rd Founding Anniversary ng lungsod sa darating na June 8. Paalala ng Makati Public Employment Service Office na sa naturang araw ng job fair ay magdala ng ilang kopya ng resume at black ball pen. Gaganapin ang Mega Job Fair sa Ayala Malls Circuit… Continue reading Lungsod ng Makati, nakatakdang maglunsad ng job fair sa ika-353 anibersaryo nito sa June 8

Pangulong Marcos Jr., hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang heritage tours ng Malacañang.

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko, lalo na ang mga mag-aaral na bisitahin ang dalawang binuksang museum sa Malacañang grounds sa San Miguel, lungsod ng Maynila. Una dito, ang Bahay Ugnayan museum kung saan itinampok ang buhay ng pangulo simula pagkabata, hanggang sa pagkakaluklok sa pwesto, bilang ika-17 pangulo ng Republika ng… Continue reading Pangulong Marcos Jr., hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang heritage tours ng Malacañang.

Pagsasaayos ng kable ng kuryente at tree-trimming, isinagawa sa Marikina laban sa banta ng Habagat

Puspusan ang paghahanda ng electrical team ng lokal na pamahalaan ng Marikina laban sa banta ng Hanging Habagat. Ayon sa city government, beinte kwatro oras nang naka-standby ang mga personnel at sinisiguro rin na walang nakalaylay na kable ng kuryente. Kaugnay nito, tinatabas din ng itinalagang personnel ang malalagong sanga ng puno upang hindi makaapekto… Continue reading Pagsasaayos ng kable ng kuryente at tree-trimming, isinagawa sa Marikina laban sa banta ng Habagat

Evacuation camps sa Marikina City, naka-preposition na bilang paghahanda sa Habagat

Inilatag na ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina ang iba’t ibang protocol at sistema bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Habagat na paiigtingin ng bagyong Betty. Ayon sa city government, naka-preposition na ang evacuation camps para sa mga residente na kakailanganing lumikas sakaling lumakas ang ulan. Ang bawat camp ay mayroong nakatalagang camp management team… Continue reading Evacuation camps sa Marikina City, naka-preposition na bilang paghahanda sa Habagat

Registration para sa Special Program for Employment of Students, bubuksan sa Pasig City

Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig na ilulunsad na muli ang online registration para sa Special Program for Employment of Students (SPES) sa lungsod. Ayon sa Pasig City Government, bubuksan ang registration para sa out-of-school youth na may edad 15 hanggang 30 taon sa June 5, araw ng Lunes. Dalawandaang slots ang ilalaan para… Continue reading Registration para sa Special Program for Employment of Students, bubuksan sa Pasig City

Gov’t agencies na magpapatupad ng infra projects sa QC, dapat maayos na makipag-ugnayan muna sa LGU — Mayor Belmonte

Dapat raw maayos na makipag-ugnayan sa Quezon City Local Government ang mga ahensya ng pamahalaan bago magpatupad ng infrastructure projects sa Quezon City. Nilalayon nito na maiwasan ang anumang pag-aaksaya ng pondo ng publiko at abala sa mga taga Quezon City. Naglabas ng pahayag si Mayor Joy Belmonte, matapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa… Continue reading Gov’t agencies na magpapatupad ng infra projects sa QC, dapat maayos na makipag-ugnayan muna sa LGU — Mayor Belmonte

Distribusyon ng social pension sa senior citizens, umarangkada na sa San Juan City

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang pamamahagi ng social pension para sa senior citizens ngayong araw. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, tig-P3,000 ang tatanggapin ng bawat senior citizen para sa anim na buwan o mula Enero hanggang Hunyo. Sa ilalim ng social pension program ng city government, P500… Continue reading Distribusyon ng social pension sa senior citizens, umarangkada na sa San Juan City