Ilang senior citizen, sinadya ang binuksang SIM-assisted registration sa QC Hall

Nagsimula na ngayong araw ang SIM-assisted registration ng Quezon City Local Government para sa mga residente nitong hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang SIM. Kaninang alas-10 ng umaga, may ilan nang nakapila sa mga booth ng telco na Globe at Smart na nakapwesto sa loob ng QC Hall Compound. Kabilang dito ang ilang senior citizen na… Continue reading Ilang senior citizen, sinadya ang binuksang SIM-assisted registration sa QC Hall

Robbery suspect na nagtangkang takasan ang Police checkpoint sa QC, arestado

Arestado ang isang lalaki sa Quezon City na umano’y sangkot sa talamak na pagnanakaw ng mga cellphone at bag. Kinilala ni Police Lt. Col. Romil Avenido, hepe ng La Loma Police Station, ang suspect na si Rommel Jhon Infante.Ayon kay Avenido, habang inaantay ng biktima ang kanyang asawa sa tapat ng isang bangko sa Banawe… Continue reading Robbery suspect na nagtangkang takasan ang Police checkpoint sa QC, arestado

Pasig LGU, tatanggap na ng mga residente na magpapabakuna vs. COVID-19

Tatanggap na ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng mga residente mula sa adult population na nais magpabakuna ng second booster dose laban sa COVID-19 simula bukas, araw ng Martes. Ayon sa Pasig Public Information Office, 100 slots ang ilalaan para sa 18-years old pataas sa Santolan Super Health Center na magpapaturok ng second booster.… Continue reading Pasig LGU, tatanggap na ng mga residente na magpapabakuna vs. COVID-19

SDS Arroyo, sinaksihan ang pagpapasinaya sa rebulto ng ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa PMMA

Pinangunahan ni Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagpapasinaya sa life size statue ng kaniyang ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa Philippine Merchant Marine Academy sa San Narciso, Zambales. Ito ay bilang pagkilala ng PMMA sa paglagda ng dating pangulo sa batas na nagco-convert sa Philippine Nautical School bilang… Continue reading SDS Arroyo, sinaksihan ang pagpapasinaya sa rebulto ng ama na si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa PMMA

DOTr, nagpasalamat sa mga tumulong upang maibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive ng PNR

Nagpaabot ng kanilang taos-pusong pasasalamat ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng mga opisyal at kawani ng iba’t ibang service unit nito sa ilalim ng rail sector. Ito ay matapos ang matagumpay na pagbabalik sa riles ng nabalahaw na locomotive ng Philippine National Railways (PNR) sa pagitan ng Dela Rosa at EDSA Station nito,… Continue reading DOTr, nagpasalamat sa mga tumulong upang maibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive ng PNR

‘Scamming hubs’ sa Metro Manila, inaaksyunan na ng Bureau of Immigration

Kumikilos na ang Bureau of Immigration o BI ukol sa nasiwalat na “scamming hubs” sa mga residential area sa Kalakhang Maynila. Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na bagama’t ang isyu ay “local law enforcement agency matter” — ito ay maituturing na isang krimen na ginawa sa bansa, at mayroong usaping immigration… Continue reading ‘Scamming hubs’ sa Metro Manila, inaaksyunan na ng Bureau of Immigration

Parañaque LGU, namahagi ng monthly allowance sa mahigit 14k na elementary students sa lungsod

Namahagi ng second batch allowance ang lokal na pamahalaan ng Parañaque para sa 14,114 mag-aaral sa elementarya sa iba’t ibang paaralan sa lungsod. Makakatangap ng 2,000 pesos ang bawat mag-aaral, ito’y mula Enero hangang Abril na nagkakahalaga ng 500 pesos kada buwan na allowance. Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, layon ng kanilang programa… Continue reading Parañaque LGU, namahagi ng monthly allowance sa mahigit 14k na elementary students sa lungsod

DSWD Sec. Rex Gatchalian, nakipagpulong sa Samahan ng 4Ps

Nakipagdayalogo si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa mga miyembro ng 4Ps recipients na Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid (SNPP) sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Angela Tubello. Ayon sa DSWD, tinalakay sa pulong ang pagpapalawig ng mga programa para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) gaya ng probisyon sa edukasyon,… Continue reading DSWD Sec. Rex Gatchalian, nakipagpulong sa Samahan ng 4Ps

Marikina LGU, nagkaloob ng tax exemption certificates sa sari-sari store at carinderia owners

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ng Business Permit and Business Tax Exemption certificates sa mga may-ari ng sari-sari store at carinderia sa lungsod. Alinsunod ito sa City Ordinance Number 199, series of 2022 na nagkakaloob ng full business permit at business tax exemption sa sari-sari stores at carinderia para sa tax year 2023.… Continue reading Marikina LGU, nagkaloob ng tax exemption certificates sa sari-sari store at carinderia owners

Nabalahaw na tren ng PNR, naibalik na sa riles

Ganap nang naibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive ng Philippine National Railways (PNR) na nasa pagitan ng Dela Rosa at EDSA Stations. Ayon kay PNR General Manager Jeremy Regino, matagumpay na naibalik sa riles ang nabalahaw na locomotive sa tulong ng isang crane na siyang ginamit para mabuhat ito. Magkakatuwang ang mga tauhan ng… Continue reading Nabalahaw na tren ng PNR, naibalik na sa riles