COVID positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA

Bahagyang tumaas sa 7.2% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong April 15, batay sa ulat ng independent monitoring group na OCTA Research. Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mas mataas ito kumpara sa naitalang 6.5% noong nakalipas na linggo. Dahil dito ay nasa moderate risk classification pa rin… Continue reading COVID positivity rate sa NCR, bahagyang tumaas – OCTA

Mandatory na pagsusuot ng face mask sa Lungsod ng Maynila, posibleng ibalik

Ito ay matapos makitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na linggo. Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, may 79 na bagong kasong naitala sa nakalipas na linggo pero karamihan ay mild at asymptomatic. Bagama’t hindi pa aniya ito nakakaalarma, mahigpit na naka-monitor ngayon ang City Health Department. Isa sa posibleng… Continue reading Mandatory na pagsusuot ng face mask sa Lungsod ng Maynila, posibleng ibalik

Solo Parent Bazaar, binuksan sa Caloocan

Bilang selebrasyon ng Solo parents’ week ay isang bazaar ang inorganisa ng Caloocan Local Government tampok ang mga negosyo ng mga solor parent sa lungsod. Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, ito hakbang ito ng pamahalaang lungsod para bigyang pugay ang lahat ng mga nanay o tatay na mag-isang nagtataguyod sa kanilang pamilya. Ang “Tindahan… Continue reading Solo Parent Bazaar, binuksan sa Caloocan

Presyo ng sibuyas sa Muñoz Market, QC, tumaas

Mayroong paggalaw ng presyo ng sibuyas sa Muñoz Market, Quezon City. Ayon kay Kuya Jay, tindero ng gulay, mula sa dating kuha nila ng ₱90 kada kilo ay tumaas na naman sa higit ₱100 ang puhunan kaya naman nasa ₱130 na ngayon ang bentahan ng kada kilo ng pulang sibuyas. Mas mataas pa ang presyo… Continue reading Presyo ng sibuyas sa Muñoz Market, QC, tumaas

Ilang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, isasailalim sa pagkukumpuni ngayong weekend

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista hinggil sa isasagawang road repair and reblocking sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila. Batay sa abiso ng MMDA, magsasagawa ng pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-11 ng gabi ngayong Biyernes, April 14, na tatagal hanggang alas-5 ng umaga ng… Continue reading Ilang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, isasailalim sa pagkukumpuni ngayong weekend

Pre-construction ng elevated turnback guideway para sa MRT-7, sisimulan na — DOTr

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, ang groundbreaking ng itatayong elevated turnback guideway para sa Metro Rail Transit (MRT) line 7. Sa pamamagitan nito, makakaikot ang mga tren ng MRT 7 na bumibiyahe mula sa San Jose del Monte City sa Bulacan patungong North Triangle Common Station sa North… Continue reading Pre-construction ng elevated turnback guideway para sa MRT-7, sisimulan na — DOTr

Miyembro ng Abu Sayyaf Group na 13 taon nang nagtatago sa batas, arestado sa Parañaque

Himas rehas na ngayon ang isang hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), makaraang arestuhin ito sa ikinasang operasyon ng Pulisya sa Brgy. Don Galo, Parañaque City. Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Police Brigadier General Kirby John Kraft, ang naarestong ASG member na si Salahuddin Alpin alyas Almad Pantangan, 38 taong gulang,… Continue reading Miyembro ng Abu Sayyaf Group na 13 taon nang nagtatago sa batas, arestado sa Parañaque

MSMEs sa QC, tutulungang makapagbenta ng export quality na produkto

Palalawakin pa ng Quezon City Local Government ang suporta nito para sa mga Micro Small and Medium Enterprises sa lungsod sa tulong ng Food and Drug Administration. Ito matapos na lumagda sa memorandum of agreement sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at FDA Dir Gen Samuel Zacate para sa paglulunsad ng programang Bigyang-halaga, Bangon MSMEs… Continue reading MSMEs sa QC, tutulungang makapagbenta ng export quality na produkto

Social media post na nagsasabing walang klase ngayong araw sa Pasay, tinawag na fake news

Mariing pinabulaanan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang kumakalat sa social media na nagsasabing kanselado umano ang klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw dahil sa bagyong Amang. Ayon sa Pasay City LGU, hindi nagmula sa kanilang tanggapan ang lumabas na abiso kaya’t malinaw na hindi ito opisyal at hindi dapat kilalanin ng… Continue reading Social media post na nagsasabing walang klase ngayong araw sa Pasay, tinawag na fake news

Higit ₱3.9-M halaga ng high grade marijuana mula USA, nasamsam ng PDEA

Aabot sa dalawang kilo ng high-grade marijuana (kush) ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang controlled delivery operation sa Sta.Cruz Maynila. Ayon kay PDEA Director General Amoro Vergilio Lazo, nagkakahalaga ang illegal drugs ng Php 3,923,700. Ang parcel na isang malaking kahon ay nabawi ng PDEA agents sa consignee na si Jeric Herrera,… Continue reading Higit ₱3.9-M halaga ng high grade marijuana mula USA, nasamsam ng PDEA