‘Alalay sa Manlalakbay,’ inilunsad ng Caloocan LGU ngayong Semana Santa

Handa na ang Caloocan local government na alalayan ang mga motorista at mananampalataya ngayong Holy Week. Sa ilalim ng inisyatibo nitong “Alalay sa Manlalakbay”: Oplan Semana Santa, iniutos ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang pagde-deploy ng mga personnel at assistance/information desks sa iba’t ibang bahagi ng lungsod. Tututukan naman ng Caloocan City Police ang pagpapatrolya… Continue reading ‘Alalay sa Manlalakbay,’ inilunsad ng Caloocan LGU ngayong Semana Santa

Kadiwa stores sa Metro Manila, bukas hanggang Miyerkules Santo

Maaari pang makabili ng murang mga gulay at prutas sa mga Kadiwa stores ng Department of Agriculture (DA) ngayong Holy Week. Sa inilabas na iskedyul ng DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service, mananatiling bukas ang mga Kadiwa store sa Metro Manila hanggang sa April 5, Miyerkules Santo. Ngayong Lunes Santo, kabilang sa mga bukas ay ang… Continue reading Kadiwa stores sa Metro Manila, bukas hanggang Miyerkules Santo

Ilang pasahero, maaga nang lumuwas pauwi ng probinsya ngayong Lunes Santo

May pangilan-ngilan nang lumuluwas pauwi ng probinsya ngayong Lunes Santo. Sa terminal ng Victory Liner sa Kamias, Quezon City, ilan sa mga pasahero ang maaga nang bumiyahe at hindi na hinintay pa ang holiday exodus. Kabilang dito sina Nanay Lea at Brenda na kapwa biyaheng Tuguegarao na ayaw aniyang makipagsiksikan sa mga pasahero lalo’t marami… Continue reading Ilang pasahero, maaga nang lumuwas pauwi ng probinsya ngayong Lunes Santo

Patuloy na training, reporma sa maritime industry ng bansa, ipinanawagan ng mga senador matapos ang desisyon ng EU

Iginiit ng mga senador na dapat lang na magpatuloy ang training sa mga Pinoy seafarer at ang reporma sa industriya kasunod na rin ng desisyon ng Europen Union (EU) na patuloy na kilalanin ang mga certificate na ibinibigay dito sa Pilipinas. Ayon kay Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe, dapat na seryosong… Continue reading Patuloy na training, reporma sa maritime industry ng bansa, ipinanawagan ng mga senador matapos ang desisyon ng EU

Patuloy na pagkilala ng EU sa seafarer certificate na ibinibigay ng Pilipinas, tagumpay para sa mga Pilipinong mandaragat

Tagumpay para sa Filipino seafarers ang desisyon ng European Commission na patuloy na kilalanin ang Philippine-issued certificates para sa mga mandaragat. Ayon kay OFW Partylist Representative Marissa “Del Mar” Magsino, dahil sa desisyon na ito ng EU ay makakahinga na ng maluwag ang ating mga seafarer na muntik nang mawalan ng trabaho. Una na kasing… Continue reading Patuloy na pagkilala ng EU sa seafarer certificate na ibinibigay ng Pilipinas, tagumpay para sa mga Pilipinong mandaragat

Mga debotong Kristiyano, dagsa na sa Baclaran Church para sa Linggo ng Palaspas

Unti-unti nang dumaragsa ang mga deboto ni Mother of Perpetual Help sa Baclaran Chruch ngayong umaga para sa Linggo ng Palaspas na hudyat ng pag-uumpisa ng Mahal na Araw. Halos nasa labas na ng simbahan ang mga debotong nais magsimba at magpabasbas ng kani-kanilang mga palaspas. Samantala, naglalaro sa P20 hanggang P40 ang presyo ng… Continue reading Mga debotong Kristiyano, dagsa na sa Baclaran Church para sa Linggo ng Palaspas

Aksidente na kinasangkutan ng dalawang sasakyan sa Magallanes, Makati, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ngayong umaga

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang nangyaring aksidente sa may Magallanes, Makati City ngayong umaga. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kumabig ang Ford Ecosport at tinamaan ang concrete barrier. Doon naman nabangga ang isang kotse na bumabaybay sa naturang kalsada. Ayon pa sa mga imbestigador ay nakainom… Continue reading Aksidente na kinasangkutan ng dalawang sasakyan sa Magallanes, Makati, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ngayong umaga

Isang SUV, naaksidente sa Magallanes, Makati ngayong umaga

Isang sports utility vehicle ang tumaob sa Magallanes flyover ngayong umaga. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Metro Base Pasado alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente kung saan tinampukan ito ng isang Ford Eco Sport at isang kotse. Agad namang rumesponde ang emergency response unit ng MMDA upang saklolohan ang nasugatang driver ng… Continue reading Isang SUV, naaksidente sa Magallanes, Makati ngayong umaga

Pasig LGU, may abiso sa mga isasarang kalsada sa lungsod kaugnay ng Semana Santa

Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang lansangan sa Lungsod ng Pasig simula ngayong araw hanggang sa susunod na linggo. Ito ayon sa pamahalaang lungsod ay dahil sa mga isasagawang prusisyon o aktibidad na may kinalaman sa paggunita ng Semana Santa 2023. Simula kaninang alas-6 ng gabi, inaasahan ang mabigat na daloy… Continue reading Pasig LGU, may abiso sa mga isasarang kalsada sa lungsod kaugnay ng Semana Santa

Ilang mga lansangan sa Metro Manila, sasailalim sa road repair at reblocking ngayong weekend — MMDA

Nagpalabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa isasagawang road repair at reblocking sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon sa MMDA, magsisimula ang road repair works ganap na alas-11 ng gabi ngayong Biyernes, Marso 31 na tatagal naman hanggang ala-5 ng umaga ng Lunes, Abril 3. Kabilang… Continue reading Ilang mga lansangan sa Metro Manila, sasailalim sa road repair at reblocking ngayong weekend — MMDA