Bilang ng mga nawawala sa Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal, ibinaba na sa dalawa

Pahirapan ang isinagawang paghahanap ng mga tauhan ng Antipolo BFP, Antipolo PNP at mga kawani ng barangay sa mga nawawala sa Sitio Banaba, Barangay San Luis, Antipolo, Rizal. Ito ay dahil sa pabugso-bugsong ulan na nararanasan dito sa lugar. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Barangay San Luis Chairman Crisol Cate, kinumpirma nitong nahanap na… Continue reading Bilang ng mga nawawala sa Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal, ibinaba na sa dalawa

Mga nagsilikas sa mga evacuation center sa Marikina City, nagsiuwian na sa kanilang mga tahanan

Nagsibalikan na sa kanilang mga tahanan ang mga nagsilikas sa pamilya sa mga evacuation center sa Marikina City kahapon. Ito ay matapos na magpatupad ng pre-emptive evacuation ang Marikina LGU matapos na umabot sa ikalawang alarma ang Marikina River dahil sa magdamag na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong #EntengPH. Sa datos ng Marikina City… Continue reading Mga nagsilikas sa mga evacuation center sa Marikina City, nagsiuwian na sa kanilang mga tahanan

F. Manalo Bridge sa Pasig City, pansamantalang binuksan para sa mga piling sasakyan – Pasig LGU

Abiso sa mga motorista… Pansamantalang ipinatutupad ang two-way traffic sa F. Manalo Bridge sa Barangay Manggahan sa Pasig City mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng madaling araw. Batay sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, ito ay para lamang sa mga tricycle, motorsiklo, bisikleta, e-bike, at mga pedestrian. Kabilang din sa papayagan na makadaan… Continue reading F. Manalo Bridge sa Pasig City, pansamantalang binuksan para sa mga piling sasakyan – Pasig LGU

US tourist, arestado sa NAIA dahil sa iligal na droga

Hindi nakalusot sa mga tauhan na PNP aviation security group ang isang papaalis na turista matapos makitaan na may dalang controlled substance o cannabinoid. Ayon sa PNP AVSEGROUP, nakita nila sa kanilang isinagawang routinary security check ang x-ray image ng isang security restricted image sa loob ng bagahe ng pasahero. Dahil dito ay sinundan ito… Continue reading US tourist, arestado sa NAIA dahil sa iligal na droga

Halos 42,000 indibidwal sa Metro Manila, apektado ng bagyong Enteng

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng halos 10,000 pamilya o 41,998 indibidwal na apektado ng Bagyong Enteng sa NCR. Ayon sa DSWD-NCR, nasa 60 barangay ang naapektuhan ng kalamidad mula sa Caloocan, Las Pinas, Malabon, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Taguig, Quezon, San Juan, at Valenzuela City. Mayroon din… Continue reading Halos 42,000 indibidwal sa Metro Manila, apektado ng bagyong Enteng

Paghahanap sa 4 na nawawala sa Brgy. San Luis sa Antipolo City matapos anurin ng baha, nagiging pahirapan

Tila sumusuot sa butas ng karayom ang mga rescuer na rumeresponde sa nangyaring landslide sa Sitio Banaba, Brgy. San Luis sa Antipolo City. Sa pagsisimulang muli ng rescue operations ngayong araw, nabatid na aabot sa 75 talampakan ang distansya ng bahay na inanod dahil sa malakas na ulan. Pahirapan din ang pag-akyat sa ground zero… Continue reading Paghahanap sa 4 na nawawala sa Brgy. San Luis sa Antipolo City matapos anurin ng baha, nagiging pahirapan

Bagong kautusan ng San Juan city tungkol sa pagbibigay ng donasyon sa kanilang lugar, hindi makatwiran ayon kay Sen. Estrada

Tinawag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi makatwiran, kalokohan at kapritso lang ang kautusan ng pamahalaang lungsod ng San Juan tungkol sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng kalamidad. Partikular na tinutukoy ni Estrada ang City Ordinance No. 26 Series of 2024 na nagsasaad na ang lahat ng donasyon para sa… Continue reading Bagong kautusan ng San Juan city tungkol sa pagbibigay ng donasyon sa kanilang lugar, hindi makatwiran ayon kay Sen. Estrada

Mga kalsada na nalubog sa tubig baha sa Valenzuela City, passable na sa mga sasakyan

Madadaanan na ng lahat ng uri ng sasakyan ang maraming kalsada na nalubog sa baha sa Valenzuela City. Kabilang dito ang footbridge sa Dalandanan sa bahagi ng Mcarthur Highway gayundin ang Maysan-Paso de-Blas-Nlex-Bagbaguin. Passable na rin sa lahat ng sasakyan ang: Bartolome St. Malanday kahit mayroon na lamang gutter deep na baha; Rincon cor. Pasolo;… Continue reading Mga kalsada na nalubog sa tubig baha sa Valenzuela City, passable na sa mga sasakyan

Mga nailikas na pamilya sa Quezon City, nadagdagan pa

Hanggang alas-5 ng hapon, lumobo pa ang bilang ng mga pamilyang inilikas sa mga evacuation center sa Quezon City dahil sa bagyong Enteng. Ayon sa tala ng QC Local Government, umabot na sa 1,046 pamilya o 4,125 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa  24 na evacuation centers sa lungsod. Ang mga evacuee ay mula sa… Continue reading Mga nailikas na pamilya sa Quezon City, nadagdagan pa

Marikina solon, tiniyak na nakahanda ang lungsod para tumugon sa epekto ng bagyong Enteng

Siniguro ni Markina 1st District Representative Maan Teodoro na nakatutok ang pamahalaang lungsod sa sitwasyon sa lungsod sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng. Ayon kay Teodoro, naka-deploy na ang mga rescue team para sa mga nangangailangan ng evacuation. Giit pa niya, na lahat ng kawani ng Marikina Local Government ay nasa heightened alert. Prayoridad… Continue reading Marikina solon, tiniyak na nakahanda ang lungsod para tumugon sa epekto ng bagyong Enteng