BuCor, tiniyak na walang kaso ng MPox sa kanilang mga piitan

Sinuguro ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. na walang kaso ng MPox sa kanilang mga PDLs at sa mismong loob ng kanilang mga kulungan. Ayon kay catapang, mahigpit ang ginagawa nilang screening pagdating sa mga Persons Deprived with Liberty, gayundin sa tuwing may mga dalaw ang mga ito. Aniya, nakaalerto din ang… Continue reading BuCor, tiniyak na walang kaso ng MPox sa kanilang mga piitan

Rotation para sa mga correction officers ng bilibid, mahigpit na ipatutupad ayon kay BuCor DG Catapang

Matapos ang insidente kung saan sangkot ang 2 PDL at 2 correction officers sa ilIgal na aktibidad, ipinag-utos na ni BuCor DG Gregorio Pio Catapang Jr. na magsasagawa na sila ng regular na rotation para sa mga tauhan nito na naka assigned sa mga PDLs. Ayon kay Catapang, kada labing limang araw ay kinakailangang palitan… Continue reading Rotation para sa mga correction officers ng bilibid, mahigpit na ipatutupad ayon kay BuCor DG Catapang

Deputization sa PNP at AFP, aprubado ni PBBM para sa gagawing plebisito sa pagbubukod ng anim na barangay sa Bagong Silang, Caloocan

Naglabas ng memorandum order ang Malacañang para sa pag- aapruba ng deputization pareho ng PNP at AFP kaugnay ng gagawing plebisito sa paghihiwalay ng anim na barangay sa Bagong Silang sa Caloocan. Sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 31 ay binigyan ng ‘go signal’ ng Pangulo ang hiling ng Commission on Elections En Banc para… Continue reading Deputization sa PNP at AFP, aprubado ni PBBM para sa gagawing plebisito sa pagbubukod ng anim na barangay sa Bagong Silang, Caloocan

Partial operations ng Metro Rail Transit (MRT) line 7, tuloy sa huling bahagi ng 2025

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy ang partial operations ng Metro Rail Transit (MRT) line 7 sa huling quarter ng taong 2025. Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista sa kabila ng naunang pahayag ng San Miguel Corporation (SMC) na siyang nangunguna sa konstruksyon nito na posibleng makumpleto ang buong linya sa… Continue reading Partial operations ng Metro Rail Transit (MRT) line 7, tuloy sa huling bahagi ng 2025

Las Piñas PESO, nagsagawa ng TUPAD orientation para sa mga manggagawa

Nagsagawa ang Las Piñas Public Employment Service Office (PESO), sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), ng TUPAD orientation para sa mga disadvantaged at displaced workers. Ginawa ang naturang orientation sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Building sa Barangay Talon Dos. Pinangunahan ni City Vice Mayor April Aguilar ang naturang aktibidad kung saan binigyang… Continue reading Las Piñas PESO, nagsagawa ng TUPAD orientation para sa mga manggagawa

Toll Regulatory Board, nanawagan sa mga motorista magsakripisyo ng kaunting panahon upang makapag install ng RFID sa kanilang mga sasakyan

Nanawagan si Toll Regulatory Board Executive Director Alvin Carullo sa mga motorista na paglaanan ng kaunting oras ang paglalagay ng radio frequency identification device (RFID). Ginawa ni Carullo ang pahayag sa isinagawang budget deliberation ng 2025 proposed budget ng Department of Transportation and Railways sa harap ng House Appropriations Committee. Ayon sa opisyal, maraming installation… Continue reading Toll Regulatory Board, nanawagan sa mga motorista magsakripisyo ng kaunting panahon upang makapag install ng RFID sa kanilang mga sasakyan

Antas ng tubig sa Marikina River, bumaba na sa 13 meters

Bumaba na ang lebel ng tubig sa Marikina River. Ito ay matapos ang naranasang magdamag na pag-ulan sa Metro Manila dulot ng habagat. Batay sa pinakahuling tala ng Marikina City Rescue 161, bumaba na sa 13 meters ang lebel ng tubig sa ilog mula sa 14.4 meters kaninang alas-6 ng umaga. Sa ngayon, nananatili ito… Continue reading Antas ng tubig sa Marikina River, bumaba na sa 13 meters

Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa DOTr: Pag-aralang mapabuti ang trapiko sa Metro Manila

Hiniling ni Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Lorenz Defensor sa Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan na mapabuti ang trapiko sa Metro Manila. Sa kanyang interpallation sa budget ng DOTr, sinabi nito na base sa mga pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at World Economic Forum (WEF) na malaki ang nawawala sa ekonomiya… Continue reading Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa DOTr: Pag-aralang mapabuti ang trapiko sa Metro Manila

Operasyon ng mga pumping station sa Valenzuela City, tiniyak

Photo courtesy of Valenzuela City PIO

Sinisiguro ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na gumagana ng maayos ang mga pumping station sa lungsod sa gitna ng masamang panahon. Ngayong araw, nagsagawa ng on site nspection ang alkalde at tiningnan ang operasyon ng mga pumping station. Ilan dito ang Nuestra Poblacion Pumping Station, Don Pedro Marulas Pump, Pasolo Open Gate, Pinalagad Santulan… Continue reading Operasyon ng mga pumping station sa Valenzuela City, tiniyak

Navigational gate sa Malabon-Navotas River, inilagay sa maintenance position – Mayor Sandoval

Nananatiling nakalagay sa maintenance position ang navigational gate sa Malabon-Navotas River habang nararanasan ang high tide. Bukod dito, naikabit na rin ang bagong link arm ng flood gate at inaasahang pakikinabangan na ito ng matagal na panahon. Sa ngayon, sinabi ni Mayor Jeannie Sandoval na nagpapatuloy pa ang isinasagawang dredging at pagkumpuni sa flood gate.… Continue reading Navigational gate sa Malabon-Navotas River, inilagay sa maintenance position – Mayor Sandoval