Security guard na nakapatay sa lider ng grupong kriminal, pinarangalan

Pinarangalan ng PNP Civil Security Group (CSG) ang isang security guard dahil sa kanyang ipinamalas na katapangan na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng kriminal na grupo sa Makati kamakailan. Sa seremonya sa Camp Crame, iginawad ni CSG Director PMGen. Edgar Alan Okubo sa guwardya ang medalya ng kadakilaan para sa kanyang dedikasyon sa pagbibigay… Continue reading Security guard na nakapatay sa lider ng grupong kriminal, pinarangalan

Veterinarian ng San Juan City Animal Pound at 3 iba pa, sinuspinde kasunod ng pagkamatay ng mga hayop noong kasagsagan ng Bagyong Carina

Sinuspinde ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang city veterinarian at tatlong iba pa kasunod ng pagkamatay ng mga hayop sa San Juan City Animal Pound noong kasagsagan ng Bagyong Carina. Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Zamora na inirekomendang kasuhan ng City Legal Department ang City Veterinarian at tatlo pang ibang empleyado matapos… Continue reading Veterinarian ng San Juan City Animal Pound at 3 iba pa, sinuspinde kasunod ng pagkamatay ng mga hayop noong kasagsagan ng Bagyong Carina

Senador Gatchalian, hiniling sa ERC na ipaliwanag ang pagtaas ng singil sa kuryente para sa Oktubre

Pinagpapaliwanag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay ng pag-apruba nito ng taas-singil sa kuryente simula sa Oktubre. Ayon kay Gatchalian, dapat matiyak na ang anumang pass-through charges ay makatwiran para masigurong hindi magiging pabigat sa mga consumer ang pagtaas ng presyo ng kuryente. Nauna nang inaprubahan ng ERC ang pagtataas ng… Continue reading Senador Gatchalian, hiniling sa ERC na ipaliwanag ang pagtaas ng singil sa kuryente para sa Oktubre

Marikina City Mayor Marcy Teodoro, dumipensa sa reklamong inihain laban kaniya sa Office of the Ombudsman

Nagpahayag ng saloobin si Marikina City Mayor Marcy Teodoro kaugnay sa reklamong isinampa laban sa kaniya sa Office of the Ombudsman. Ayon kay Mayor Teodoro, ang reklamong ito ay tila bahagi ng isang mas malawak na plano upang siraan at guluhin ang mga alkalde na miyembro ng Mayors for Good Governance (M4GG). Iginiit niya na… Continue reading Marikina City Mayor Marcy Teodoro, dumipensa sa reklamong inihain laban kaniya sa Office of the Ombudsman

QC, inactivate ang response protocol para mapigilan ang pagkalat ng mpox sa lungsod

Pinagana na ng Quezon City Government ang sarili nitong mga protocol sa pag-iwas, pagkontrol, at pagtugon laban sa mpox o monkeypox, kasunod ng naitalang unang kaso nito sa Pilipinas ngayong taon. Taong 2022 nang mabuo ng QC LGU ang sarili nitong mekanismo sa pagtugon sa mpox. Ang mga nars, doktor at mga medical personnel kabilang ang mga health care worker… Continue reading QC, inactivate ang response protocol para mapigilan ang pagkalat ng mpox sa lungsod

PNP Chief sa mga pulis: tutukan ang Barangay Public Safety

Inatasan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng police unit sa bansa na tutukan ang Barangay Public Safety. Ang kautusan ng PNP Chief ay pagpapalakas ng “Pulis sa Barangay” (RPSB) program, na napatunayang epektibo sa pagpapababa ng crime rate, paglaban sa terorismo, at pangontra sa ilegal na droga. Binigyang diin ng… Continue reading PNP Chief sa mga pulis: tutukan ang Barangay Public Safety

LTO Calabarzon , nakamit ang mataas na apprehension revenue pati motor vehicle registration at license revenue

Ipinagmalaki ng Land Transportation Office-Calabarzon na umabot sa P49,819,565 ang kanilang apprehension revenue hanggang Hulyo 2024. Ito ay lumampas ng 171.22 % sa kanilang target na P18,366,649.31. Bilang karagdagan, kumita din ng P332,136,885.83 ang motor vehicle registration na umabot ng P332,136,885.83, na lampas ng 18.47% mula sa target na P280,362,453.90. Bukod dito, nakitaan din ng… Continue reading LTO Calabarzon , nakamit ang mataas na apprehension revenue pati motor vehicle registration at license revenue

30th Defense and Sporting Arms Show, inaasahang dadaluhan ng ilang lider ng bansa

Nagsagawa ang samahan ng mga firearms at ammunition dealer ng kanilang 30th Defense and Shooting Arms Show sa isang convention center sa Pasay. Ayon kay Association of Firearms and Ammunition Dealers Inc. President Edwin Lim, tatagal ng limang araw ang nasabing event kung saan nasa 40 mga exhibitor ang lalahok para ipakita ang mga makabago… Continue reading 30th Defense and Sporting Arms Show, inaasahang dadaluhan ng ilang lider ng bansa

Pinoy pork, ligtas kainin ayon sa local hog industry

Nagkaisa ngayon ang iba’t-ibang kasapi ng local hog industry, allied sectors at ang Quezon City government para pawiin ang agam-agam ng publiko sa pagkain ng baboy dahil sa banta ng ASF. Sa isang pahayag, ipinunto ng grupo na ligtas, walang peligro sa pagkain ng baboy at wala ring dalang panganib sa tao ang ASF. Ginawa… Continue reading Pinoy pork, ligtas kainin ayon sa local hog industry

Lalaking positibo sa Mpox, bumisita sa 2 establisyemento sa QC; mga nakasalamuha, isinailalim sa monitoring

Kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagkasa ng contact tracing ang LGU kasunod ng naitalang panibagong kaso muli ng Mpox sa bansa. Ayon sa alkalde, ang natukoy kaseng pasyente na isang 33-taong gulang na lalaki na taga-Metro Manila, ay nagtungo sa dalawang establisyimento sa Quezon City. Kabilang dito ang isang massage spa sa… Continue reading Lalaking positibo sa Mpox, bumisita sa 2 establisyemento sa QC; mga nakasalamuha, isinailalim sa monitoring