Mga miyembro ng robbery group na nangho-holdap sa mga sangay ng convenience store, naaresto na ng QCPD

Pinaniniwalaang nabuwag na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang grupo ng mga holdaper na responsable sa serye ng robbery/hold-ups sa mga 7-Eleven convenience stores sa Quezon City. Ito’y matapos mahuli na ang tatlong miyembro ng Niepes Robbery Group na nagtangka na namang mang-holdap ng convienence store sa Quezon City. Naispatan sila ng pulisya… Continue reading Mga miyembro ng robbery group na nangho-holdap sa mga sangay ng convenience store, naaresto na ng QCPD

Dating Congressman Erice, hindi magpapatinag sa kasong isinampa sa kanya ng grupong Bayanihan

Nanindigan si dating congressman Edgar Erice na ipagpapatuloy niya ang kaso niya laban sa Commmission on Elections. Ayon kay Erice, bagamat hindi pa niya nababasa ang reklamong isinampa laban sa kanya ng grupong Bayanihan na hindi niya aniya alam kung saan nagmula ay hindi siya magpapatinag dito. Kahit anong mangyari aniya ay tuloy ang kaso… Continue reading Dating Congressman Erice, hindi magpapatinag sa kasong isinampa sa kanya ng grupong Bayanihan

Halos 1000 pamilya naging benepisyaryo ng Community Outreach Program ng Phil. Navy

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-45 National Reservist Week, nagsagawa ng isang Community Outreach Program ang Civil Military Operations Group ng Philippine Navy sa Montaño Hall, Caridad, Cavite City noong Miyerkules. Naging benepisyaryo dito ang halos isang libong pamilya na biktima ng pananalasa ng nagdaang bagyong Carina. Kabilang sa mga ipinamahagi sa mga ito ay… Continue reading Halos 1000 pamilya naging benepisyaryo ng Community Outreach Program ng Phil. Navy

Bagong ALS Center sa Pasay,  pinasinayaan

Pinangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagpapasinaya sa bagong bukas na Alternative Learning System (ALS) Center na matatagpuan sa Paaralang Elementarya ng Padre Burgos. Ayon kay Calixto-Rubiano, simula ng magsimula ang Alternative Learning System, ay nakapagbigay na ito ng magandang pagbabago. Sa sobrang positibo aniya ng epekto ng ALS ay napabuti nito ang buhay ng… Continue reading Bagong ALS Center sa Pasay,  pinasinayaan

Banta ng bomba sa Butuan Airport, agad tinugunan ng CAAP

Mabilisang aksyon ang isinagawa ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines Area Center 12, kasama ang ibat ibang airport authorities para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mga staff sa Butuan airport. Ayon sa inisyal na report mula sa Butuan Airport Police Station (BAPS), nakatanggap sila ng isang text message bandang alas… Continue reading Banta ng bomba sa Butuan Airport, agad tinugunan ng CAAP

Ikatlong araw ng tigil-pasada sa Pasig City, hindi ramdam dahil sa ipinakalat na libreng sakay ng LGU

Hindi ramdam ang epekto ng ikatlong araw ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA sa Pasig City ngayong araw na ito. Ito’y kahit pa nagsagawa ng kilos protesta ang grupo partikular na sa bahagi ng Caruncho Avenue na nilahukan ng nasa 10 tsuper na may rutang Pasig Palengke – Quiapo. Sa pag iikot ng Radyo Pilipinas, nananatiling… Continue reading Ikatlong araw ng tigil-pasada sa Pasig City, hindi ramdam dahil sa ipinakalat na libreng sakay ng LGU

Simulation activity para sa e911 emergency hotline, isinagawa sa Kampo Crame

Ibinida ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang e911 services nito para sa mabilis na pagtugon ng mga awtoridad sa iba’t ibang emergency. Dito, mas mabilis at centralized na ang pagtugon ng Pamahalaan sa mga tawag ng publiko gamit ang makabagong teknolohiya na hinango mula sa 911 emergency service ng Amerika. Ayon… Continue reading Simulation activity para sa e911 emergency hotline, isinagawa sa Kampo Crame

Naitalang ASF cases sa bansa, hindi dapat ikaalarma, ayon sa pamahalaan

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nakalatag na ang checkpoint o inspection station ng gobyerno sa mga affected areas ng African Swine Fever (ASF) sa Batangas. Ito ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ay upang ma-contain ang ASF cases. “Tomorrow, mayroon tayong mga checkpoint or inspection stations na itatalaga sa mga affected areas… Continue reading Naitalang ASF cases sa bansa, hindi dapat ikaalarma, ayon sa pamahalaan

May-ari ng dalawang sasakyang pandagat na lumubog sa Bataan, pina-subpoena ng Senate panel

Pinapa subpoena ng Senate Committee on Environment ang may-ari ng dalawang oil tanker na lumubog at sumadsad sa Bataan nitong Hulyo. Hindi kasi dumalo sa pagdinig ng Senate committee ang dalawa na kinilalang sina Romnick Ponetas, na may-ari ng MTKR Jason Bradley, at si Mary Jane Ubaldo na may-ari ng MG Mirola 1. Samantala, dumalo… Continue reading May-ari ng dalawang sasakyang pandagat na lumubog sa Bataan, pina-subpoena ng Senate panel

Transport strike ng ilang transport groups, nananatiling mapayapa

Pangkalahatang mapayapa ang 3-araw na transport strike na ikinasa ng grupong Piston at Manibela. Ayon ito kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, na nagsabi na hanggang sa kasalukuyan ay walang na-monitor na untoward incident ang PNP. Tiniyak ni Fajardo na sapat ang bilang ng mga pulis na dineploy para panatilihing maayos… Continue reading Transport strike ng ilang transport groups, nananatiling mapayapa