Transport strike ng ilang transport groups, nananatiling mapayapa

Pangkalahatang mapayapa ang 3-araw na transport strike na ikinasa ng grupong Piston at Manibela. Ayon ito kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, na nagsabi na hanggang sa kasalukuyan ay walang na-monitor na untoward incident ang PNP. Tiniyak ni Fajardo na sapat ang bilang ng mga pulis na dineploy para panatilihing maayos… Continue reading Transport strike ng ilang transport groups, nananatiling mapayapa

QCity bus at e-trikes, umalalay sa mga pasahero sa QC kasunod ng transport strike

Kinumpirma ni QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) Head Dexter Cardenas na walang mga pasaherong nastranded sa lungsod kasunod ng transport strike na ipinatupad ng grupong Manibela at Piston. Ayon kay Cardenas, maagang naideploy ang mga karagdagang Q City Bus libreng sakay sa lungsod para umalalay sa mga commuter. May karagdagan ding mga e-trikes… Continue reading QCity bus at e-trikes, umalalay sa mga pasahero sa QC kasunod ng transport strike

Phil. Red Cross, nagpadala na ng mga medical personnel sa San Lazaro Hospital

Nagpadala na rin ng mga tuahan ang Philippine Red Cross (PRC) sa San Lazaro Hospital sa Lungsod ng Maynila. Ito’y ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon ay para umalalay sa mga tauhan ng ospital bunsod ng dumaraming kaso ng Leptospirosis. Kabilang sa mga ipinadala ng Red Cross ay ang karagdagang nursing staff, dialysis… Continue reading Phil. Red Cross, nagpadala na ng mga medical personnel sa San Lazaro Hospital

Kaso ng leptospirosis sa Malabon, nadagdagan ng 49

Nanawagan ngayon ang Malabon City government sa mga residente na magdoble ingat at iwasang lumusong sa baha lalo na tuwing malakas ang ulan Kasunod ito ng naitalang pagtaas rin ng kaso ng leptospirosis sa lungsod matapos ang Bagyong Carina. Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, umabot na sa 49 ang suspected leptospirosis cases na naitala sa… Continue reading Kaso ng leptospirosis sa Malabon, nadagdagan ng 49

Tigil-pasada ng Manibela at Piston, hindi pa ramdam sa Pasig City

Nananatiling normal ang biyahe ng mga jeepney sa Pasig City ngayong unang araw ng tigil-pasada ng mga grupong Manibela at Piston. Ito’y kahit pa may ilang mga miyembro ng naturang grupo partikular na iyong may rutang Pasig Palengke – Quiapo na sumama sa ikinasang programa sa Welcome Rotonda sa Quezon City. Sa pag-iikot ng Radyo… Continue reading Tigil-pasada ng Manibela at Piston, hindi pa ramdam sa Pasig City

Pasig LGU, magbibigay ng libreng sakay sa mga apektado ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA

Magkakaloob ng libreng sakay ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga maaapektuhang pasahero sa ikinasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA, bukas. Ayon sa Pasig LGU, bahagi ito ng kanilang contingency plan para alalayan ang mga pasahero na mahihirapang sumakay. Gayunman, hindi pa tinukoy kung ilang bus ang kanilang gagamitin dahil nakadepende ito sa magiging sitwasyon bukas.… Continue reading Pasig LGU, magbibigay ng libreng sakay sa mga apektado ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA

NCRPO, pinaghahanda ang mga tauhan nito ngayong panahon ng tag-ulan sa Metro Manila

Pinaalalahanan ng pamunuan ng NCRPO ang mga tauhan nito na paghandaan ang inaasahang mga malalakas na pag-ulan sa Kalakhang Maynila. Ayon kay PBGen. Rolly Octavio, bilang antisipasyon sa mga potensyal na low pressure area, dapat magkaroon ng inisyatiba ang kanilang mga tauhan na magtayo ng incident command post. Dagdag pa ng heneral na kailangan ding… Continue reading NCRPO, pinaghahanda ang mga tauhan nito ngayong panahon ng tag-ulan sa Metro Manila

Produksyon ng 300,000 family food packs sa DSWD main warehouse, nagpapatuloy

Umabot na sa 344,316 kahon ng family food packs (FFPs) ang natapos nang marepack sa nagpapatuloy na produksyon ng relief goods sa DSWD Main Warehouse sa Pasay City. Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, nabuo ito sa tulong ng 9,000 volunteers na tumugon sa panawagan ng ahensya kasunod ng pagtama ng Bagyong Carina at… Continue reading Produksyon ng 300,000 family food packs sa DSWD main warehouse, nagpapatuloy

MERALCO, magpapatupad ng taas singil sa kuryente ngayong Agosto

Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na tataas ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Agosto. Ayon sa MERALCO, Php 0.03 kada kilowatt hour (kHw) ang ipatutupad nilang umento sa singil sa kuryente para sa August billing. Katumbas ito ng Php 7 na umento para sa mga kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan habang Php… Continue reading MERALCO, magpapatupad ng taas singil sa kuryente ngayong Agosto

Konstruksyon ng Clark Depot ng North-South Commuter Railway, matatapos sa 2025

Malapit nang matapos ang konstruksyon ng depot ng North-South Commuter Railway (NSCR) sa Clark, Pampanga. Ngayong araw, ininspeksyon nina DOTr Secretary Jaime Bautista, Undersecretary for Railways Jeremy S. Regino, Undersecretary for Philippine Railways Institute Anneli Lontoc at PNR Chair Ted Macapagal ang usad ng proyekto na nasa 82% na ang overall progress. May lawak itong… Continue reading Konstruksyon ng Clark Depot ng North-South Commuter Railway, matatapos sa 2025