Konstruksyon ng Clark Depot ng North-South Commuter Railway, matatapos sa 2025

Malapit nang matapos ang konstruksyon ng depot ng North-South Commuter Railway (NSCR) sa Clark, Pampanga. Ngayong araw, ininspeksyon nina DOTr Secretary Jaime Bautista, Undersecretary for Railways Jeremy S. Regino, Undersecretary for Philippine Railways Institute Anneli Lontoc at PNR Chair Ted Macapagal ang usad ng proyekto na nasa 82% na ang overall progress. May lawak itong… Continue reading Konstruksyon ng Clark Depot ng North-South Commuter Railway, matatapos sa 2025

Transport strike ng Manibela, di na makakaapekto sa commuters dahil sa PTMP

Naniniwala si Transportation Sec. Jaime Bautista na hindi makakaparalisa sa pampublikong transportasyon ang ikinasang panibagong strike ngayong araw ng grupong Manibela. Ayon sa kalihim, sanay na ang publiko sa banta ng transport strike at kahit noon ay hindi naman gaanung nakakaapekto ito. Ito ay dahil gumagana na aniya ang public transport modernization program kung saan… Continue reading Transport strike ng Manibela, di na makakaapekto sa commuters dahil sa PTMP

Biyahe ng jeepney sa Pasig City, nananatiling normal sa kabila ng bantang tigil pasada ng grupong MANIBELA

Nananatiling normal ang pamamasada ng mga jeepney sa Pasig City sa kabila ng ikinasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA ngayong araw. Gayunman, mahigpit na tinututukan ng mga awtoridad ang bahagi ng Caruncho ave. kung saan inaasahang magtitipon-tipon ang grupo para magsagawa ng kanilang programa. Maraming Jeepney ang pumapasada buhat pa kaninang madaling araw hanggang sa sumapit… Continue reading Biyahe ng jeepney sa Pasig City, nananatiling normal sa kabila ng bantang tigil pasada ng grupong MANIBELA

Bagong traffic scheme sa bahagi ng Candaba Viaduct, ipatutupad na bukas ng NLEX Corp

Simula bukas, Agosto 12, ipatutupad na ang bagong traffic scheme sa dalawang kilometrong bahagi ng Candaba Viaduct Southbound sa North Luzon Expressway. Sa abiso ng NLEX Corporation, pagsapit ng alas-12:00 ng tanghali, lahat ng motorista papuntang Manila ay padadaanin na sa bagong Candaba 3rd Viaduct (Zone 1-Pulilan Area). Lahat ng Class 1 vehicle ay pinapayuhang… Continue reading Bagong traffic scheme sa bahagi ng Candaba Viaduct, ipatutupad na bukas ng NLEX Corp

Higit 200 indibidwal, nakapagtapos na sa intervention program ng QCADAAC

Humigit-kumulang 200 indibidwal ang nakapagtapos ng intervention program sa Quezon City. Naisakatuparan ito sa ilalim ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC). Bilang Co-Chairman ng QCADAAC, ikinatuwa ni Quezon City Vice Mayor Gian Sotto ang pagtatapos ng mga graduate sa programa. Binigyang diin nito ang kahalagahan ng Community-Based… Continue reading Higit 200 indibidwal, nakapagtapos na sa intervention program ng QCADAAC

May ari ng nahuling P3.2M unregistered luncheon meat sa Taguig, kakasuhan na

Nahaharap ngayon sa paglabag sa Republic Act 9711, o ang Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009, ang mga suspek sa pagbebenta ng unregistered food products partikular ang luncheon meat. Kinilala ang mga nasabing suspek na sina alyas Angelica, 29, business owner; alyas Kristine, 44, cashier/secretary; alyas Mhar, 33, warehouseman; at alyas Joey, 41,… Continue reading May ari ng nahuling P3.2M unregistered luncheon meat sa Taguig, kakasuhan na

Libreng shingles vaccine, ipapakalat ng Pamahalaang Lungsod ng Makati

Inanunsyo ni Makati Mayor Abby Binay na sisimulan na nila ang shingles vaccination drive na libreng isasagawa ng lokal na pamahalaan. Layon aniya nito na maprotektahan ang mga immunocompromised at senior Makatizens. Ayon kay Binay, mahalagang bahagi ang nasabing vaccine drive para sa kanilang tuloy-tuloy na hakbang na matiyak ang kaligtasan at maayos na kalusugan… Continue reading Libreng shingles vaccine, ipapakalat ng Pamahalaang Lungsod ng Makati

Ilang Brgy. sa QC at Valenzuela na sineserbisyuhan ng Maynilad, makararanas ng water interruption sa Lunes

Nagabiso ngayon ang water concessionaire na Maynilad na pansamantalang maaantala ang suplay ng tubig sa ilang sineserbisyuhan nitong customers sa Quezon City at sa mallit na bahagi sa Brgy Ugong sa Valenzuela City. Kabilang sa maapektuhan ang mga ss: Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Greater Fairview, Gulod (Belen, Good Haven, Marianito, Masaya, Nenita, Quirino… Continue reading Ilang Brgy. sa QC at Valenzuela na sineserbisyuhan ng Maynilad, makararanas ng water interruption sa Lunes

Desisyon ni PBBM na ipagpatuloy ang PTMP, ipinagpasalamat ng Magnificent 7

Nagpasalamat ang koalisyon ng transport group na Magnificent 7 kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa desisyon nitong ipagpatuloy ang Public Transport Modernization Program (PTMP). Kasunod ito ng pahayag ng Pangulo na dapat pakinggan ang 80% na nag-consolidate at sumuporta sa pagsusulong ng PUV modernization program. Ayon kay Magnificent 7 Spokesperson at PASANG MASDA Pres.… Continue reading Desisyon ni PBBM na ipagpatuloy ang PTMP, ipinagpasalamat ng Magnificent 7

Desisyon ng Korte Suprema sa pagremata ng lupang ginamit ng Manila Seedling Bank, iginagalang ng QC LGU

Nirerespeto ng Quezon City LGU ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa pagkakawalang-saysay ng zoning ordinance (na ipinatupad noong 2003) na may kaugnayan sa lupang ginamit ng Manila Seedling Bank. Sa isang pahayag, sinabi ng pamahalaang lungsod na wala pa itong natatanggap na kopya ng desisyon ng SC. Gayunman, ipinunto ng LGU na kinikilala nito… Continue reading Desisyon ng Korte Suprema sa pagremata ng lupang ginamit ng Manila Seedling Bank, iginagalang ng QC LGU