Maximum tolerance, mahigpit na bilin ng PNP Chief

Mahigpit ang bilin ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa kaniyang mga tauhan na pairalin ang maximum tolerance sa lahat ng pagkakataon. Ito’y kasunod ng mga ikinasang programa ng iba’t ibang grupo kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa kaniyang pag-iinspeksyon sa… Continue reading Maximum tolerance, mahigpit na bilin ng PNP Chief

PNP Chief, nagsagawa ng inspeksyon ngayong umaga kaugnay ng SONA ni PBBM

Ininspeksyon ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang mga tauhan ng Pulisya na naka-poste sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City ngayong araw. Ito’y para kumustahin ang latag ng seguridad para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Unang binisita ng PNP Chief ang… Continue reading PNP Chief, nagsagawa ng inspeksyon ngayong umaga kaugnay ng SONA ni PBBM

Taguig River Festival, isasagawa ngayong buwan; LGU may paalala sa mga makikilahok sa Pagoda sa Ilog 2024

Ikakasa ng lokal ng pamahalaan ng Taguig City sa darating na July 26 ang taunang selebrasyon nito ng Taguig River Festival kung saan isang fluvial parade ang isasagawa bilang bahagi ng selebrasyon. Kaya naman ilang paalala ang inilabas ng Taguig LGU para sa kaligtasan at kaayusan ng selebrasyon ng Taguig River Festival at para sa… Continue reading Taguig River Festival, isasagawa ngayong buwan; LGU may paalala sa mga makikilahok sa Pagoda sa Ilog 2024

MMDA, hindi magsususpinde ng number coding scheme sa araw ng SONA bukas

Hindi sususpendihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa Metro Manila bukas. Partikular sa lungsod Quezon na pagdadausan ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Paliwanag ni MMDA Acting Chairman Don Artes, posible pang dumami ang sasakyan sa lansangan at magsikip ang daloy ng trapiko… Continue reading MMDA, hindi magsususpinde ng number coding scheme sa araw ng SONA bukas

184 na titulo ng lupa, naipamahagi ng Manila LGU sa mga residente nito

Naipagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang aabot sa 184 na titulo ng lupa para sa mga pamilya na mula sa iba’t ibang estate sa siyudad. Kabilang dito ang 133 residente ng YK estate na nakatanggap ng kanilang mga titulo ng lupa makalipas ang 20 taon dahil na rin sa paglalaan ng budget sa pangunguna… Continue reading 184 na titulo ng lupa, naipamahagi ng Manila LGU sa mga residente nito

Kick off ng Brigada Eskwela sa Quezon City, pinangunahan ni DepEd Sec. Angara

Opisyal nang inilunsad ang Brigada Eskwela 2024 sa Commonwealth Elementary School at Bagong Silangan High School sa Quezon City. Pinangunahan ni DepEd Secretary Sonny Angara, MMDA Chairman Don Artes at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kick off ceremony ng Brigada. Isang taunang aktibidad, na naglalayong tiyakin ang kalinisan ng mga pampublikong paaralan sa oras… Continue reading Kick off ng Brigada Eskwela sa Quezon City, pinangunahan ni DepEd Sec. Angara

Hightech na Mobile Command Center ng MMDA, gagamitin sa SONA sa Lunes

Ide-deploy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Mobile Command Center sa lunes kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, maituturing na high tech ang command center na may kakayahan na ma-monitor ang mga kaganapan sa iba’t ibang lugar. Bukod sa… Continue reading Hightech na Mobile Command Center ng MMDA, gagamitin sa SONA sa Lunes

Clamping at towing operations sa Maynila, pansamantalang ititigil ayon sa bagong talagang MTPB OIC

Ititigil pansamatala ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang operasyon nito ng lahat ng clamping at towing operation na isinasagawa nito sa lungsod sang-ayon sa utos ng bagong talagang Officer-In-Charge nito na si Narciso Diokno III. Ayon kay Diokno, ang desisyon ay bunga ng maraming reklamo at upang mas mapaglingkuran ang interes ng publiko.… Continue reading Clamping at towing operations sa Maynila, pansamantalang ititigil ayon sa bagong talagang MTPB OIC

MMDA, nag-abiso sa pagbagal ng trapiko sa ilang kalsada dahil sa transportasyon ng tunnel boring machine

Ilang kalsada sa Metro Manila ang maaapektuhan ng pagbagal ng usad ng trapiko dahil sa transportasyon ng isang Tunnel Boring Machine (TBM) na gagamitin sa Metro Manila Subway Project. Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority, asahan na ang pagbagal ng trapiko sa mga kalsadang ito simula alas-9:00 ng gabi ngayong Hulyo 20 hanggang alas-4:00… Continue reading MMDA, nag-abiso sa pagbagal ng trapiko sa ilang kalsada dahil sa transportasyon ng tunnel boring machine

117.6K pamilya, apektado ng Southwest Monsoon at LPA

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot na sa 117,676 pamilya ang apektado ng Southwest Monsoon at Low Pressure Area (LPA). Sa huling situation report ngayong araw, ang mga apektadong pamilya na katumbas ng 572,997 indibidual ay mula sa 429 barangay sa Mimaropa, Region 7, 9, 10, 11, 12, at… Continue reading 117.6K pamilya, apektado ng Southwest Monsoon at LPA