Mahigit ₱180K halaga ng mga iligal na paputok, nakumpiska ng PNP

Pumalo na sa mahigit 34,000 mga iligal na paputok ang nakumpiska ng Philippine National Police. Batay ito sa inilabas na datos ng PNP mula Disyembre 16 hanggang kahapon, araw ng Pasko, Disyembre 25. Sa naturang bilang, pinakamarami sa mga nakumpiska ay ang five star na nasa mahigit 9,000, sinundan naman ito ng sawa na nasa… Continue reading Mahigit ₱180K halaga ng mga iligal na paputok, nakumpiska ng PNP

Taxi driver na nag-viral matapos maningil ng ₱10,000 sa isang Taiwanese national, pinapahanap na

Nakilala na ng Department of Transportation ang taxi driver na nag-viral kamakailan sa social media matapos maningil ng P10,000 sa isang Taiwanese national sa airport. Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, bukod sa pagkakakilanlan ng driver ay natukoy na nila ang operator ng naturang taxi na minamaneho nito. Kaugnay nito, inatasan na ng DOTr ang… Continue reading Taxi driver na nag-viral matapos maningil ng ₱10,000 sa isang Taiwanese national, pinapahanap na

24 na bagong fireworks-related injury, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health ng 24 na bagong kaso ng mga firework-related injuries sa buong bansa. Kabilang dito ang limang kalalakihan na sumailalim sa traumatic amputation o pagkaputol ng kanilang daliri o kamay. Sa nasabing limang katao, tatlo dito ang menor de edad habang dalawa naman ang adult na nagmula sa iba’t ibang bahagi… Continue reading 24 na bagong fireworks-related injury, naitala ng DOH

Pagtatatag ng isang Construction Workers Academy, itinutulak sa Kamara

Ipinapanukala ngayon sa Kamara ang pagkakaroon ng specialized training center para sa construction workers sa lahat ng rehiyon. Sa House Bill 9281 o Philippine Construction Workers Academy Act nina Reps. Edwin Gardiola, Romeo Momo at Anthony Rolando Golez Jr., binigyang diin ang kahalagahan na magkaroon ng karampatang skills at training ang construction workers upang masigurong… Continue reading Pagtatatag ng isang Construction Workers Academy, itinutulak sa Kamara

Malagong ekonomiya, inaasahan ng NEDA sa 2024

Hangad ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mas maunlad na Pilipinas sa taong 2024. Ito ang bahagi ng mensahe ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ngayong Christmas Season. Hinimok din ni Balisacan ang sambayanang Pilipino na magtulungan upang itaguyod ang kinabukasan ng bansa lalo na para sa susunod na henerasyon. Mananatili aniya ang kanilang… Continue reading Malagong ekonomiya, inaasahan ng NEDA sa 2024

PNP, nakatutok sa galaw ng NPA ngayong ika-55 anibersaryo nito

Hindi magbababa ng kalasag ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng ika-55 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong araw. Ito ay sa gitna na rin ng idineklarang dalawang araw na unilateral ceasefire ng Komunistang grupo mula kahapon hanggang ngayong araw. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, dapat… Continue reading PNP, nakatutok sa galaw ng NPA ngayong ika-55 anibersaryo nito

Amihan, patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon — PAGASA

Nakakaapekto pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA. Inaasahang makararanas pa rin ng maulap na panahon na may tyansa ng pag-ulan ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Aurora, at Quezon bunsod ng Amihan. Maging ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay posible ring maapektuhan ng isolated… Continue reading Amihan, patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon — PAGASA

DOE: Walang magiging problema sa supply ng kuryente sa kabila ng posibleng pagtama ng El Niño sa bansa sa susunod na taon

Muling Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang magiging problema sa supply ng kuryente sa bansa sa kabila ng posibleng pagtama ng El Niño phenomenon sa bansa. Ayon kay Department of Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, patuloy ang kanilang monitoring sa kalagayan ng power industry sector at wala naman silang nakikitang kakapusan ng supply… Continue reading DOE: Walang magiging problema sa supply ng kuryente sa kabila ng posibleng pagtama ng El Niño sa bansa sa susunod na taon

Masayang selebrasyon ng Pasko, ipinadama ng DSWD sa iba’t ibang center and residential care facilities sa bansa

Sa direktiba ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, sabay-sabay ring nagsagawa ng Christmas Party ang 67 Centers and Residential Care Facilities (CRCFs) sa iba’t ibang parte ng bansa. Ito ay upang magbigay ng saya at ngiti sa mga residente at kinukupkop ng mga CRCF ng DSWD. Sinimulan na noong linggo… Continue reading Masayang selebrasyon ng Pasko, ipinadama ng DSWD sa iba’t ibang center and residential care facilities sa bansa

Bureau of Immigration, nakapagtala ng aabot sa 60,000 foreign travel arrivals sa NAIA ngayong Christmas week

Umabot sa 60,000 foreign travelers ang dumagsa sa international airports ng bansa ngayong Christmas week, kung saan sa naturang bilang, 85 percent ay mula sa Ninoy Aquino International Airport na nasa 58,993 na inidibidwal. Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, nakahanda ang BI sa pagdagsa ng mga pasahero sa lahat ng paliparan… Continue reading Bureau of Immigration, nakapagtala ng aabot sa 60,000 foreign travel arrivals sa NAIA ngayong Christmas week