DOF, pinuri ang SEC sa pagpapalawak ng capital market sa bansa

Pinuri ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa kanilang mahusay na trabaho na palawakin ang capital market ng bansa at gawin itong “broadbased” sa pamamagitan ng digitalization. Ginawa ni Diokno ang pahayag matapos paigtingin ng SEC ang kanilang capital market promotion upang makakuha ng pondo para sa mga maliliit na… Continue reading DOF, pinuri ang SEC sa pagpapalawak ng capital market sa bansa

3 indibidwal na nagbebenta ng pekeng MMFF tickets, naaresto ng QCPD

Photo courtesy of MMDA

Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District–District Special Operations Unit ang tatlong indibidwal na iligal na nagbebenta sa online ng mga complimentary ticket ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Kasunod ito ng paghingi ng tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa QCPD para maaresto ang mga tinutukoy na indibidwal. Ayon sa MMDA,… Continue reading 3 indibidwal na nagbebenta ng pekeng MMFF tickets, naaresto ng QCPD

Apat na bagong Director ng Maharlika Investment Corporation, nanumpa na

Apat na director ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang nanumpa na sa kanilang tungkulin. Kabilang sa mga nanumpa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sina Asian Development Bank Officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes. Si Tan ay mula Maynila at nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration… Continue reading Apat na bagong Director ng Maharlika Investment Corporation, nanumpa na

P60 billion tulong pinansyal para sa mga mahihirap, sisikaping mapondohan muli ng Kamara sa 2025

Itutuloy ng Kamara ang pagpopondo sa bagong programa na Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) sa 2025. Ito ang sinabi mismo ni Speaker Martin Romualdez kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa P5.768 trillion 2024 National Budget, ngayong araw. Ang AKAP program ay bahagi ng halos P500 bilyon na social amelioration program… Continue reading P60 billion tulong pinansyal para sa mga mahihirap, sisikaping mapondohan muli ng Kamara sa 2025

DSWD, patuloy ang reach-out operation sa mga indibidwal at pamilyang naninirahan sa mga lansangan sa Manila

Umabot na sa 1,400 na indibidwal ang na-reach-out ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng programang Oplan Pag-Abot. Inilunsad nitong Hulyo ang programa ng departamento at kanilang hinihikayat ang mga nasa lansangan o mga naninirahan sa bangketa na magbalik probinsya kasabay ng pagbibigay puhunan para sa kanilang maayos na pamumuhay. Sinabi… Continue reading DSWD, patuloy ang reach-out operation sa mga indibidwal at pamilyang naninirahan sa mga lansangan sa Manila

Panukala para protektahan ang mga kabataan mula sa Cyberbullying, inihain

Inihain ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang House Bill 9771 o ‘Anti-Cyberbullying Against Children Act’. Layon ng panukala na tugunan ang tumataas na kaso ng cyberbullying lalo na sa mga kabataan. Punto ng mambabatas, na kailangan na ng lehislasyon para masolusyunan ang hate speech at protektahan ang mga kabataan mula sa epekto… Continue reading Panukala para protektahan ang mga kabataan mula sa Cyberbullying, inihain

Pagtaas ng presyo ng meat products sa mga pamilihan, ramdam na ilang araw bago ang Pasko

Ramdam na sa mga pamilihihan sa Quezon City ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy at manok ilang araw bago ang Pasko. Sa Farmers Market sa Cubao, tumaas na ng P20 hanggang P30 ang presyo ng kada kilo ng meat products. Paliwanag ng mga meat vendor, nagdagdag ng singil ang mga trader at supplier dahilan… Continue reading Pagtaas ng presyo ng meat products sa mga pamilihan, ramdam na ilang araw bago ang Pasko

Pangulong Marcos Jr., nagpaalala sa tamang paggamit ng budget ng iba’t ibang kagawaran kasunod ng paglagda sa 2024 National Budget

Gamitin ng tama ang pondo. Ito ang paalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kasunod ng ginawa nitong paglagda sa pambansang pondo para sa 2024. Sa budget message ng Pangulo, sinabi nitong maiging magamit ng maayos ang budget at maiwasan ang under o overspending. Dagdag ng Chief Executive, na… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpaalala sa tamang paggamit ng budget ng iba’t ibang kagawaran kasunod ng paglagda sa 2024 National Budget

Pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kabayan, tuloy-tuloy na – DSWD

Tuloy-tuloy na sa paghahatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan na apektado ng bagyong Kabayan. Namahagi ng family food packs ang DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng bagyo sa Caraga Region kabilang ang Tandag, San Miguel, Lianga, Bayabas, Lanuza at Surigao Del Sur. Ayon sa DSWD, nasa kabuuang… Continue reading Pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kabayan, tuloy-tuloy na – DSWD

LTO, magbubukas ng plantilla positions para sa mga empleyado

Magbubukas na ng maraming plantilla positions sa susunod na dalawang taon ang Land Transportation Office (LTO). Ito ang ipinangako ni LTO Chief Vigor Mendoza II para sa mga deserving personnel na gumugol na ng maraming taon bilang contractual employees. Sa ngayon, may 63 empleyado ang natanggap o na-promote sa LTO Central Office sa Quezon City… Continue reading LTO, magbubukas ng plantilla positions para sa mga empleyado