COVID positivity rate sa Metro Manila, lumobo sa 21% — OCTA

Muli na namang tumaas ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila. Sa datos mula sa independent monitoring group na OCTA Research, umakyat pa sa 21% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong December 17. Halos doble na ito kumpara sa 13.4% positivity rate na naitala noong December 10. Ayon kay… Continue reading COVID positivity rate sa Metro Manila, lumobo sa 21% — OCTA

Ikalawang araw ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA, nananatiling walang epekto sa mga pasahero — MMDA

Hindi pa rin ramdam sa San Juan City ang epekto ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA, dalawang araw mula nang ilunsad ito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatiling normal ang sitwasyon partikular na sa mga kalye ng N. Domingo, F. Blumenttrit at P. Guevarra. Wala ring namataang mga stranded na pasahero sa kahabaan ng mga nabanggit… Continue reading Ikalawang araw ng tigil-pasada ng grupong MANIBELA, nananatiling walang epekto sa mga pasahero — MMDA

57 dating rebelde, nakatanggap ng tulong pinansyal sa Negros Occidental Provincial Government

Pinuri ni Philippine Army 3rd Infantry Division (3ID) Commander MGen. Marion R. Sison ang Negros Occidental Provincial Government at 303rd Brigade sa pag-facilitate ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa 57 dating rebelde. 42 sa mga ito na dating miyembro ng NPA ang nakatanggap ng cash na nagkakahalaga ng kabuuang P1.26 milyon mula sa Provincial Government… Continue reading 57 dating rebelde, nakatanggap ng tulong pinansyal sa Negros Occidental Provincial Government

DSWD, handang makipagtulungan sa learning programs ng DepEd

Bukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaroon ng kolaborasyon sa Department of Education (DepEd) partikular sa learning programs nito na tutugon sa problema ng illiteracy sa bansa. Inihayag ito ni DSWD Sec. Rex Gatchalian kasunod ng matagumpay na pagtatapos ng pilot implementation ng programa nitong Tara, Basa! Tutoring Program. Ayon sa… Continue reading DSWD, handang makipagtulungan sa learning programs ng DepEd

Mga kabataan na kukuha ng kurso sa agriculture sector, ipinapanukalang bigyan ng scholarship, lupa at agri-inputs

Ipinapanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte na bigyang insentibo ang mga kabataan na kukuha ng career sa agriculture sector. Sa kaniyang House Bill 9329 o Magna Carta of Young Farmers, maliban sa scholarship ay iuugnay sa state universities and colleges ang mga kabataan na kukuha ng kurso na may kaugnayan sa agrikultura. Bibigyang prayoridad… Continue reading Mga kabataan na kukuha ng kurso sa agriculture sector, ipinapanukalang bigyan ng scholarship, lupa at agri-inputs

OWWA, nakatakdang ayusin ang scholarship ng mga anak ni Jimmy Pacheco

Nakatakdang ayusin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang scholarship ng mga anak ni Jimmy Pacheco na dinukot at pinakawalan ng grupong Hamas. Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, pinoproseso na ng kanilang tanggapan ang mga benepisyo ng pamilya ni Pacheco mula sa scholarship ng kanyang mga anak at isang business assistance para sa kaniyang… Continue reading OWWA, nakatakdang ayusin ang scholarship ng mga anak ni Jimmy Pacheco

LTO, hinikayat ang mga eskwelahan na isama sa kanilang educational tour ang road safety facility ng ahensya

Hinimok ngayon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang mga elementary at high school authorities na ikonsiderang maisama sa kanilang mga inoorganisang educational tour ang Road Safety Interactive Center (RSIC) na matatagpuan sa LTO Central Office sa Quezon City. Kasama si DOTr Sec. Jaime Bautista, pinangunahan ni LTO… Continue reading LTO, hinikayat ang mga eskwelahan na isama sa kanilang educational tour ang road safety facility ng ahensya

Paglalaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga traditional jeepney sa halip na phase out, hirit ng isang mambabatas

Patuloy na umaapela ang isang mambabatas na imbes na isulong ang PUV modernization program, ay ikonsidera ng gobyerno na maglaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga traditional jeepney. Ayon kay Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, kung patuloy na ipipilit ang PUV modernization, paulit-ulit lang ang transport strike ng iba’t ibang jeepney organizations dahil tutol… Continue reading Paglalaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga traditional jeepney sa halip na phase out, hirit ng isang mambabatas

Hight 600 pasahero, stranded sa ilang pantalan dahil sa masamang panahon

Suspendido pa rin ang operasyon ng ilang pantalan sa bansa dahil sa epekto ng shear line at tropical depression Kabayan. Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Disyembre 19. Walang biyahe ang tatlong pantalan sa Davao Region at isang pantalan sa CARAGA. Stranded ang 636 pasahero sa… Continue reading Hight 600 pasahero, stranded sa ilang pantalan dahil sa masamang panahon

Kampaniya kontra ‘loose firearms’, tuloy-tuloy bilang bahagi ng pagtutok sa mga kaso ng indiscriminate firing ngayong Pasko at Bagong Taon

Hindi tumitigil ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang kampaniya kontra ‘loose firearms’ lalo’t maaari itong gamitin ng ilang pasaway para sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon. Bahagi na rin ito ng pagtutok ng pulisya sa mga maitatalang kaso ng ‘indiscriminate firing’ kung saan ilang buhay ang nasasayang at pamilyang nagluluksa sa pagpapalit ng… Continue reading Kampaniya kontra ‘loose firearms’, tuloy-tuloy bilang bahagi ng pagtutok sa mga kaso ng indiscriminate firing ngayong Pasko at Bagong Taon