LTFRB, iniimbestigahan ang viral video ng isang taxi driver na nagpapakita ng ‘airport meter rate’ sa mga turista

Iniimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang viral video ng isang taxi driver na naniningil sa mga turista gamit ang “airport meter rate”. Nababahala si LTFRB Spokesperson Celine Pialago sa pangyayari dahil malalagay sa alanganin ang integridad ng taxi services. Hinimok naman ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang ibang indibidwal na… Continue reading LTFRB, iniimbestigahan ang viral video ng isang taxi driver na nagpapakita ng ‘airport meter rate’ sa mga turista

Mahigit 400 na pamilya sa Davao Region, inilikas dahil sa baha at landslide na dulot ng bagyong Kabayan

Aabot na sa mahigit 400 mga pamilya ang apektado ng Tropical Depression Kabayan sa Davao Region, partikular sa Davao Oriental at Davao de Oro. Ayon kay Office of Civil Defense XI Ragional Director Ednar Dayanghirang, sa inisyal na report ng ahensya, karamihan sa mga inilikas ay mula sa bayan ng Cateel, Caraga at Manay sa… Continue reading Mahigit 400 na pamilya sa Davao Region, inilikas dahil sa baha at landslide na dulot ng bagyong Kabayan

Defense attaché ng Brunei, pinarangalan ng AFP

Ginawaran ng Chief of Staff AFP Commendation Medal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Brunei Darussalam Defense Attache to the Philippines Lieutenant Colonel Amilin Bin Haji Mohd Gani Haji Junit. Ang parangal ay ipinagkaloob sa pamamagitan ni AFP Vice Chief of Staff, Lieutenant General Arthur Cordura. Ito ay sa isinagawang exit call ng… Continue reading Defense attaché ng Brunei, pinarangalan ng AFP

San Juan City LGU, namahagi ng Pamaskong pangkabuhayan sa dating drug dependents

Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ngayong araw ang pamamahagi ng Pamaskong handog at pangkabuhayan para sa nasa 400 Person Who Use Drugs o PWUD ng lungsod. Ayon kay Mayor Zamora, bahagi ito ng rehabilitation program ng lungsod para sa mga kababayan nilang dating nalulong sa iligal na droga at nangakong hindi na… Continue reading San Juan City LGU, namahagi ng Pamaskong pangkabuhayan sa dating drug dependents

QCPD, gumagawa na ng masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng aktor na si Ronaldo Valdez

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Quezon City Police District para alamin ang dahilan ng pagkamatay ng batikang aktor na si James Gibbs na mas kilala bilang Ronaldo Valdez. Ayon sa QCPD, nauunawan umano ng pulisya ang kahalagahan ng bagay na ito kayat nagsisikap na mangalap pa ng lahat ng nauugnay na katotohanan at… Continue reading QCPD, gumagawa na ng masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng aktor na si Ronaldo Valdez

Operasyon ng transmission line na naapektuhan ni bagyong Kabayan, bahagya nang naibalik

Bahagya nang pinasigla ng National Grid Corporation of the Philippines ang operasyon ng Bislig-Baganga 69kV Line 1 sa Brgy. Kinablangan, Baganga, Davao Oriental. Ayon sa NGCP, ang transmission line facility ay naapektuhan ng pananalasa ni bagyong Kabayan. Ito ang nagsusuplay ng kuryente sa Davao Oriental Electric Cooperative, Inc o DORECO. Pinakilos na ng NGCP ang… Continue reading Operasyon ng transmission line na naapektuhan ni bagyong Kabayan, bahagya nang naibalik

Mas pinatatag na alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa para isulong ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at Asya, suportado ng House leader

House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez delivers his closing message at the plenary of the House of Representatives before Congress adjourned for its second-regular-session recess Wednesday night.Romualdez reports 100-percent approval of LEDAC priority bills three months ahead of time.photo by Ver Noveno

Tinukuran ni Speaker Martin Romualdez ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagpapalakas ng alyansa para mapanatili ang kapayapaan at stability sa South China Sea at kabuuan ng Asian region. Kasunod ito ng pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Japan patungkol sa reciprocal access agreement sa pagde-deploy ng military forces na isang… Continue reading Mas pinatatag na alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa para isulong ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at Asya, suportado ng House leader

Tulong sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Kabayan, tiniyak ng OCD

Tiniyak ni Office of Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepumuceno na handang mag-abot ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa local government units (LGUs) na maaapektuhan ng bagyong Kabayan. Ang pagtiyak ay ginawa ni Nepumuceno matapos mag-landfall ang bagyo sa Davao Oriental kaninang umaga. Ayon kay Nepomuceno, naka-activate ang kanilang emergency preparedness and… Continue reading Tulong sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Kabayan, tiniyak ng OCD

DOF, nagbabala sa mga online scammer na nambibiktima gamit ang ‘telegram’ account

Nagbabala ang Department of Finance sa publiko na mag-ingat sa mga online scammer na nagpapanggap na mga empleyado ng kanilang kagawaran. Ayon sa DOF, nakatanggap sila ng ilang ulat hinggil sa umano’y mga scammer ang gumagamit sa “telegram” account na nagpapanggap na mga empleyado ng DOF at nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo at transaksyon at… Continue reading DOF, nagbabala sa mga online scammer na nambibiktima gamit ang ‘telegram’ account

PBBM, nakiisa sa pagkundena sa muling pagpapakawala ng missile ng North Korea

Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Japan sa pagkondena sa muling pagpapakawala ng North Korea ng intercontinental ballistic missile na umano’y bumagsak sa karagatang sakop ng Japan. Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Marcos Jr. sa pagpupulong ng mga lider ng Asia Zero Emission Community (AZEC) na… Continue reading PBBM, nakiisa sa pagkundena sa muling pagpapakawala ng missile ng North Korea