Mga senador, walang dapat ipangamba sa isinusulong na Cha-Cha ng Kamara; pagpapalit ng porma ng gobyerno, hindi kasama sa plano

Nanindigan si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales na walang dapat ipangamba ang mga senador sa itinutulak na pag-amyenda ng Kamara sa 1987 Constitution. Ito’y kasunod ng agam-agam ng ilang senador sa charter change lalo na sa posibilidad ng pagpapalit ng porma ng pamahalaan. Ayon kay Gonzales, tanging amyenda sa economic provisions lang ang napagkasunduan sa… Continue reading Mga senador, walang dapat ipangamba sa isinusulong na Cha-Cha ng Kamara; pagpapalit ng porma ng gobyerno, hindi kasama sa plano

Panukalang cha-cha, binuhay na rin sa Senado

Matapos na muling buhayin sa Kamara ang usapin ng charter change o cha-cha, binuhay na rin ito sa Senado ni Senador Robin Padilla.  Inihain ni Padilla ang Resolution of Both Houses of Congress no. 5 na nagsusulong ng pagbabago sa constitutional terms ng mga halal na opisyal ng pamahalaan. Paliwanag ng senador, na chairperson ng… Continue reading Panukalang cha-cha, binuhay na rin sa Senado

Pagpapaigting ng inspeksyon sa mga bus ngayong magpapasko, iniutos ng LTO

Inatasan na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng Regional Directors at District Office heads na paigtingin ang pag-iinspeksyon sa mga pampasaherong bus sa terminal lalo’t inaasahan ang bugso ng mga pasahero ngayong Christmas season. Alinsunod ito sa direktiba ng Department of Transportation upang masiguro ang… Continue reading Pagpapaigting ng inspeksyon sa mga bus ngayong magpapasko, iniutos ng LTO

Panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers, niratipikahan na ng Senado

Inaprubahan at niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Bommittee version ng panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers na magproprotekta sa karapatan ng mga Pinoy Seafarer. Ayon kay Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Raffy Tulfo, sa ilalim ng reconciled version ng panukala ay magiging entitled ang mga Pinoy seafarer ng annual leave na katumbas… Continue reading Panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers, niratipikahan na ng Senado

2 local terrorist na nagkanlong sa 2 Persons of Interest sa MSU bombing, inaresto ng PNP

Inanunsyo ni PNP Public Information Office (PIO) Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo ang pagkaaresto sa dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah – Maute Terror Group na nagkanlong umano sa 2 Persons of Interest sa pambobomba sa Mindanao State University. Ayon kay Col. Fajardo, naaresto ng mga pulis noong Disyembre 9 sa Brgy. Cabasaran, Lumbayanague,… Continue reading 2 local terrorist na nagkanlong sa 2 Persons of Interest sa MSU bombing, inaresto ng PNP

Pilipinas, lalo pang palalakasin ang posisyon sa isyu ng climate change — Pangulong Marcos Jr.

Magkakaroon ng boses ang Pilipinas sa management ng lahat ng available na pondo para sa pagpapagaan ng epekto ng climate change ngayong naka-secure na ang pwesto ng bansa sa board ng UN Loss and Damage Fund. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., magandang development ito at gagamitin ng pamahalaan ang pagkakataon upang ipagpatuloy ang… Continue reading Pilipinas, lalo pang palalakasin ang posisyon sa isyu ng climate change — Pangulong Marcos Jr.

Unang “Peace Education University Tour” inilunsad ng OPAPRU sa Mindanao

Inilunsad ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang kauna-unahang “Peace Education University Tour” sa Western Mindanao State University (WMSU). Ang aktibidad na naglalayong isulong ang kultura ng kapayapaan ay nilahukan ng mga estudyante, peace educators at peace advocates mula sa ZamBaSulTa area. Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe sina… Continue reading Unang “Peace Education University Tour” inilunsad ng OPAPRU sa Mindanao

Commitment sa Freedom of Navigation, tiniyak ng national security advisers ng Pilipinas, US at Japan

Nag-usap kahapon sa telepono sina National Security Advisor Eduardo Año, US National Security Advisor Jake Sullivan, at Japanese National Security Advisor Akiba Takeo. Dito’y tiniyak ng tatlong opisyal ang commitment ng kani-kanilang mga bansa sa freedom of navigation at international law sa West Philippine Sea (South China Sea) at East China Sea; at pagtataguyod ng… Continue reading Commitment sa Freedom of Navigation, tiniyak ng national security advisers ng Pilipinas, US at Japan

Torotot, laruan at iba’t ibang pampaingay, patok sa Divisoria

Bumabaha ngayon ang bentang torotot sa shopping centers sa lungsod ng Maynila. Sa Divisoria, kaliwa’t kanan ang mga nagbebenta ng mga pampaingay kung saan nagkakahalaga ang mga ito ng P25 depende sa laki. Ayon kay Tina, isang tindera ng torotot, isa itong magandang alternatibo para sa mga paputok ngayong pagsalubong sa Bagong Taon. Matatandaan naman… Continue reading Torotot, laruan at iba’t ibang pampaingay, patok sa Divisoria

PNP SOSIA, binalaan ang mga security guard na masasangkot sa indiscriminate firing

Nagbabala ngayon ang PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa lahat ng mga security guards na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong holiday season. Batay sa memorandum na pirmado ni SOSIA Acting Chief Police Brigadier General Gregory Bogñalbal, pinaalalahanan ang mga private security personnel sa bansa na i-obserba ang safety protocols sa paghawak… Continue reading PNP SOSIA, binalaan ang mga security guard na masasangkot sa indiscriminate firing