House Speaker, ikinatuwa ang pagbagal sa inflation ng bansa; Patuloy na pagbabantay sa presyo at suplay ng pangunahing bilihin, tiniyak

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang naitalang pagbaba sa inflation rate ng bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 6.1 headline inflation noong Setyembre ay bumaba sa 4.9% ang inflation rate nitong Oktubre. “In a heartening update, the Philippine Statistics Authority has reported a welcome decline in inflation to 4.9 percent in… Continue reading House Speaker, ikinatuwa ang pagbagal sa inflation ng bansa; Patuloy na pagbabantay sa presyo at suplay ng pangunahing bilihin, tiniyak

Mga mangingisda na nasangkot sa maritime incident sa West Philippine Sea, pinagkalooban na ng tulong ng DSWD

Photo courtesy of DSWD

Nakatanggap na ng iba’t ibang klase ng tulong ang mga pamilya ng 14 na mangingisda na nasangkot sa maritime incident sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea noong Oktubre 2. Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Luzon Regional Director Venus Rebuldela, kabuuang P190,000 na halaga ng tulong ang ipinagkaloob ng… Continue reading Mga mangingisda na nasangkot sa maritime incident sa West Philippine Sea, pinagkalooban na ng tulong ng DSWD

DOTr, tiniyak kay Japanese PM Kishida na may kakayahan ang Pilipinas na makapagsanay ng mga railway engineer at operator para sa railway projects ng bansa

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida na may kakayahan ang Philippine Railways Institute (PRI) na makapagsanay ng mga kinakailangang tauhan para sa mga railway project ng Pilipinas. Sa isang pulong balitaan kasama si Prime Minister Kishida, inihayag ni Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, na sa kasalukuyan ang PRI… Continue reading DOTr, tiniyak kay Japanese PM Kishida na may kakayahan ang Pilipinas na makapagsanay ng mga railway engineer at operator para sa railway projects ng bansa

Bagong proklamang barangay kagawad, binaril at napatay sa Pasay

Subject ngayon ng manhunt operation ng Pasay City Police ang gunman na bumaril at nakapatay ng isang bagong proklamang barangay kagawad sa loob ng barangay hall sa Pasay City. Sa ulat ng Pasay City Police na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Marcelina Camacho, 58, dating barangay secretary na nanalo bilang barangay… Continue reading Bagong proklamang barangay kagawad, binaril at napatay sa Pasay

Pagdinig sa kahilingang P5 fare increase ng jeepney transport groups, ipinagpaliban ng LTFRB

Ipinagpaliban ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa petisyon na P5 fare increase na hiling ng ilang jeepney transport group. Wala pang itinakdang petsa ang LTFRB kung kailan ang susunod na pagdinig. Matatandaang naghain ng petisyon sa LTFRB para sa P 5 fare increase ang Pasang Masda, ACTO, at… Continue reading Pagdinig sa kahilingang P5 fare increase ng jeepney transport groups, ipinagpaliban ng LTFRB

Sec. Teodoro at Gen. Brawner, dumalo sa pagbubukas ng “Belenismo sa Tarlac”

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang presentasyon ng “entry” ng AFP sa “Belenismo sa Tarlac” kahapon. Ang “Belenismo sa Tarlac” ay isang kumpetisyon at adbokasiya na isinasagawa taun-taon sa Tarlac na tinaguriang “Belen Capital” ng bansa. Tampok dito ang mga belen o display ng “nativity… Continue reading Sec. Teodoro at Gen. Brawner, dumalo sa pagbubukas ng “Belenismo sa Tarlac”

Kampanya laban sa sunog, paiigtingin pa ng QC LGU at BFP

Naghayag ng kahandaan ang Quezon City government na suportahan ang mga pangangailangan ng Bureau of Fire Protection – Quezon City. Kasunod ito ng pagbisita ng bagong District Fire Marshall ng BFP-QC na si Fire Senior Supt. Flor-Ian Guerrero kay Mayor Joy Belmonte. Sa kanilang pulong, nagkasundo si Mayor Belmonte at Supt. Guerrero na paigtingin pa… Continue reading Kampanya laban sa sunog, paiigtingin pa ng QC LGU at BFP

Pagbagal ng inflation, posibleng magpatuloy sa mga susunod na buwan — PSA

May posibilidad na magtuloy-tuloy ang pagbagal ng inflation o ang galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa mga susunod na buwan. Kasunod ito ng iniulat ng PSA na bumagal sa 4.9% ang inflation sa bansa mula sa 6.1% na mas mababa pa sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon… Continue reading Pagbagal ng inflation, posibleng magpatuloy sa mga susunod na buwan — PSA

Kalidad ng hangin sa bansa, bumuti ngayong 2023 — DENR

Iniulat ngayon ng DENR Environmental Management Bureau (EMB) na bumuti na ang kalikad ng hangin sa bansa ngayong 2023 kumpara noong nakaraang taon. Batay sa nasukat na Particulate Matter (PM) simula nitong Enero hanggang Hunyo 2023, ay nasa average na 40 ug/ncm (micrograms per normal cubic meter) ang naitala sa Metro Manila, na bahagyang mas… Continue reading Kalidad ng hangin sa bansa, bumuti ngayong 2023 — DENR

PNP Chief, nagpahayag ng “commitment” sa seguridad ng mga mamamahayag

Tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang “commitment” ng PNP na pangalagaan ang seguridad ng mga mamamahayag. Ang pagtiyak ay ginawa ng PNP Chief kasunod ng pamamaril at pagpatay kamakalawa sa broadcaster na si Juan Jumalon sa Calamba, Misamis Occidental. Ipinaabot naman ng PNP Chief ang kanyang pakikiramay sa pamilya at mga… Continue reading PNP Chief, nagpahayag ng “commitment” sa seguridad ng mga mamamahayag