Ilang ‘forgotten tombs’ sa Himlayang Pilipino, inalayan ng dasal at kandila ng mga madre mula sa Caritas Sisters of Jesus

Naglibot sa Himlayang Pilipino sa QC ang mga madre at youth volunteers ng Caritas Sisters of Jesus para alayan ng dasal ang ilang ‘forgotten tombs’ o mga puntod na hindi na nabibisita. Karamihan sa mga puntod, matagal nang hindi nalilinis kaya hindi na rin halos mabasa ang pangalan ng nakalibing. Ito ang matyagang iniisa-isa nina… Continue reading Ilang ‘forgotten tombs’ sa Himlayang Pilipino, inalayan ng dasal at kandila ng mga madre mula sa Caritas Sisters of Jesus

Manila South Cemetery, inaasahang nasa 50k katao pa ang dadagsa ngayong araw

Inaasahan pa ng Manila South Cemetery na aabot pa sa 50,000 ang dadagsa ngayong araw. Ayon kay Manila South Cemetery Director Jonathan Garzo na kahapon ay umabot sa 450,000 ang ‘total foot traffic’ sa Manila South kahit na maulan ang buong maghapon. Dagdag pa ni Garzo na wala pa ring magbabago sa pag-deploy ng seguridad… Continue reading Manila South Cemetery, inaasahang nasa 50k katao pa ang dadagsa ngayong araw

Mga sementeryo sa QC, patuloy na dinadagsa ngayong ‘All Souls Day’

Tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga bisita sa iba’t ibang sementeryo sa Quezon City. Sa monitoring ng QCPD, as of 9 am, may 8,248 ang naitalang bumisita sa limang sementeryo sa lungsod. Pinakamarami ang nagtungo ngayong umaga sa Himlayang Pilipino na umabot sa 3,000. Higit 2,000 naman ang naitalang bisita sa Holy Cross Cemetery… Continue reading Mga sementeryo sa QC, patuloy na dinadagsa ngayong ‘All Souls Day’

Daloy ng trapiko sa NLEX, maluwag pa

Maluwag pa rin ang daloy ng trapiko sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) kahit ngayong All Souls’ Day. Sa inilabas na abiso ng NLEX-SCTEX ngayong alas-9 ng umaga, mayroon lang bahagyang pila ng sasakyan sa Balintawak RFID lane. Light traffic naman ang umiiral sa Mindanao, Bocaue, at Karuhatan Toll Plaza. Maluwag din ang trapiko… Continue reading Daloy ng trapiko sa NLEX, maluwag pa

Mga sasakyang dumadaan sa EDSA Carousel, hinuli ng I-ACT

Kahit ngayong Undas, tuloy ang operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) laban sa mga hindi awtorisadong dumaan sa EDSA Busway. Sinimulan ng I-ACT ang operasyon sa bahagi ng Santolan kaninang alas-6 ng umaga kung saan marami na agad ang nasampolan. Kabilang dito ang dalawang pulis at anim na sundalong sakay ng motor na nahuling… Continue reading Mga sasakyang dumadaan sa EDSA Carousel, hinuli ng I-ACT

Ilang nagtitinda ng bulaklak sa Holy Cross Cemetery, umaasang mas gumanda ang kita ngayong All Souls’ Day

Umaasa ang ilang nagtitinda ng bulaklak na nakapwesto sa harap ng Holy Cross Cemetery na hindi na maging maulan ang panahon ngayong All Souls’ Day. Sa kwento ni Ate Baet ng Neda’s Flower Shop, nakaapekto kase sa kanilang bentahan ang naging ulan kahapon. Aniya, ang ilang bumibisita sa sementeryo, hindi na dumadaan pa sa bilihan… Continue reading Ilang nagtitinda ng bulaklak sa Holy Cross Cemetery, umaasang mas gumanda ang kita ngayong All Souls’ Day

Pagbabantay ng QCPD sa mga sementeryo, mananatili hanggang sa weekend

Tiniyak ng Quezon City Police District (QCPD) na tatagal hanggang weekend ang kanilang pagbabantay sa mga sementeryo sa buong lungsod. Ayon kay QCPD Chief Police Brigadier General Red Maranan, mananatiling full deployment ang QCPD hanggang ngayong All Souls’ Day habang skeletal naman ang ipatutupad hanggang sa weekend. Ito aniya ay upang masiguro na matututukan pa… Continue reading Pagbabantay ng QCPD sa mga sementeryo, mananatili hanggang sa weekend

Ilang pamilya, maagang bumisita sa Bagbag Cemetery ngayong All Soul’s Day

Maraming pamilya ang maagang nagtungo sa Bagbag Cemetery ngayong umaga ng All Soul’s Day. Ilang minuto pa lang nang magbukas ang sementeryo ay umabot na sa higit 100 na ang naitalang dumalaw sa sementeryo. Kabilang diyan ang mag-anak na Ate Amelia na nais raw na iwasan ang siksikan kaya minabuting agahan na ang pagbisita sa… Continue reading Ilang pamilya, maagang bumisita sa Bagbag Cemetery ngayong All Soul’s Day

Senate President Zubiri, umaasang ang Japan na ang magpapatuloy ng mga naunsiyaming China-funded projects sa bansa

Ipinahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kung maaari ay ang Japan na lang sana ang humawak ng major infrastructure projects ng Pilipinas na dapat ay popondohan ng China. Ginawa ni Zubiri ang pahayag sa gitna ng inaasahang pagbisita ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa Pilipinas. Kasama sa naturang pagbisita ang pagharap ni… Continue reading Senate President Zubiri, umaasang ang Japan na ang magpapatuloy ng mga naunsiyaming China-funded projects sa bansa

Intelligence operatives, nagko-coordinate laban sa umano’y “Chinese sleeper cells” sa bansa — PNP Chief

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na nakikikipag-usap ang intelligence operatives ng PNP sa kanilang mga counterpart sa iba’t ibang law enforcement agencies para protektahan ang pambansang interes. Ang pahayag ay ginawa ng PNP chief sa ambush interview kahapon matapos magsagawa ng inspeksyon sa Manila North Cemetery kaugnay ng babala… Continue reading Intelligence operatives, nagko-coordinate laban sa umano’y “Chinese sleeper cells” sa bansa — PNP Chief