DSWD Chief, nagpasalamat sa local officials ng BARMM sa mainit na pagtanggap sa pamamahagi ng bigas

Nagpaabot ng pasasalamat si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga lokal na opisyales ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa kanilang mainit na pagtanggap sa rice distribution sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Kasama ni Secretary Gatchalian si Special Assistant to the President (SAP) Secretary Anton Lagdameo sa pamamahagi ng bigas sa… Continue reading DSWD Chief, nagpasalamat sa local officials ng BARMM sa mainit na pagtanggap sa pamamahagi ng bigas

Pilipinas, di magpapatinag sa ginagawang harrassment at pambu-bully ng China — Sen. Bong Revilla

Hindi matitinag ang Pilipinas sa pagprotekta sa ating teritoryo at ating karapatan. Pahayag ito ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. kaugnay ng panibagong insidente sa West Philippine Sea kung saan binangga ng barko ng Chinese Coast Guard ang sasakyang pandagat ng Pilipinas na nasa isang resupply misssion patungo sa Ayungin Shoal. Ayon kay Revilla, ang… Continue reading Pilipinas, di magpapatinag sa ginagawang harrassment at pambu-bully ng China — Sen. Bong Revilla

PNP at COMELEC, lumagda sa Data Sharing Agreement

Pahihintulutan ng PNP ang Commission on Elections (COMELEC) na ma-access ang kanilang computerized data system para sa mas epektibong pag-monitor ng mga kaganapan sa buong bansa sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ito ang itinakda ng Data Sharing Agreement na nilagdaan kahapon ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. at COMELEC… Continue reading PNP at COMELEC, lumagda sa Data Sharing Agreement

COMELEC, nagsagawa ng ‘Oplan Baklas’ sa Pasay City

Pinangunahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Erwin Garcia ang pagkakasa ng ‘Oplan Baklas’ sa ilang barangay na sakop ng Maricaban, Pasay City ngayong umaga. Partikular na sinuyod ng COMELEC ang mga eskinita kung saan nakapaskil ang mga campaign material ng ilang kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections sa mga hindi… Continue reading COMELEC, nagsagawa ng ‘Oplan Baklas’ sa Pasay City

House leaders, nagpaabot ng papuri sa pagkapanalo ni Chezka Centeno sa 2023 Predator WPA World 10-Ball Championship

Kaisa ang matataas na opisyal ng Kamara sa pagbubunyi ng bansa sa pagkapanalo ng Pinay athlete na si Chezka “The Flash” Centeno sa 2023 Predator WPA World 10-Ball Championship. Malaki ang pasasalamat ni House Speaker Martin Romualdez, sa panibagong karangalang ibinigay ng Pinay athlete sa Pilipinas. Kinilala din ng House leader si Centeno dahil sa… Continue reading House leaders, nagpaabot ng papuri sa pagkapanalo ni Chezka Centeno sa 2023 Predator WPA World 10-Ball Championship

Las Piñas solon, itinutulak na malagyan ng dental units lahat ng RHU sa bansa

Nais ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar na malagyan ang lahat ng 2,597 rural health units sa bansa ng dental units. Ito ay upang maisulong ang dental health at mapalakas ang oral health program ng Department of Health. “This proposed legislation is being pushed to strengthen the national oral health program and… Continue reading Las Piñas solon, itinutulak na malagyan ng dental units lahat ng RHU sa bansa

DND, nagpasalamat sa mga bansang sumuporta sa Pilipinas laban sa pangha-harass ng China sa WPS

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang paghahayag ng suporta sa Pilipinas ng ibang mga bansa kasunod ng huling insidente sa Ayungin Shoal. Ito’y matapos ang nangyayaring pagbanga ng Chinese Coast Guard sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa lang ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa loob ng Exclusive Economic Zone… Continue reading DND, nagpasalamat sa mga bansang sumuporta sa Pilipinas laban sa pangha-harass ng China sa WPS

Dating aide ni dating LTFRB Chair Guadiz, itinanggi na idinawit ang 2 kongresista sa korapsyon sa LTFRB

Nilinaw ng dating aide ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Teofilo Guadiz III na si Jefferson Tumbado na walang kongresista ang kasama sa bigayan ng lagay sa LTFRB. Sa Motu Proprio Inquiry ng House Committee on Transportation, inusisa ni Antipolo Representative Romeo Acop, chair ng komite, kung totoo bang idinawit nito… Continue reading Dating aide ni dating LTFRB Chair Guadiz, itinanggi na idinawit ang 2 kongresista sa korapsyon sa LTFRB

DSWD, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng OFW na nasawi sa Jordan

Nagkaloob na ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng OFW na natagpuang patay sa Amman, Jordan. Ayon sa DSWD, agad na naasikaso at naihatid ng kanilang Central Luzon Field Office ang financial aid sa pamilya ni Mary Grace Santos na mula sa Macabebe, Pampanga. Tumanggap ang pamilya nito… Continue reading DSWD, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng OFW na nasawi sa Jordan

Ilang tsuper ng jeepney sa Mandaluyong City, umaaray sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo

Napapakamot-ulo na lamang ang ilang tsuper ng jeepney dahil sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong araw. Ayon sa mga ilang tsuper sa Parklea Terminal sa Mandaluyong City, pihadong bawas-kita na naman ito para sa kanila. Bagaman pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong provisional increase sa minimum na… Continue reading Ilang tsuper ng jeepney sa Mandaluyong City, umaaray sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo