Halos 1,000 sundalo, ipinadala sa BARMM para tiyakin ang seguridad sa Barangay at SK Elections

Ipinadala na ng Philippine Army ang nasa halos 1,000 sundalo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. Ito’y para tumulong sa pagtitiyak ng seguridad para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30. Ayon kay Army Spokesperson, Colonel Xerses Trinidad, nagmula sa iba’t ibang Army unit sa Luzon at… Continue reading Halos 1,000 sundalo, ipinadala sa BARMM para tiyakin ang seguridad sa Barangay at SK Elections

Pagpapalawig ng Full Alert status ng hanggang Pasko, ipauubaya na sa PNP Regional Directors

Ipinaubaya na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga Regional Director kung palalawigin nila ang Full Alert status sa kanilang nasasakupan hanggang sa Pasko. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, depende ito sa pagtaya ng Regional Directors ng political at crime environment status sa… Continue reading Pagpapalawig ng Full Alert status ng hanggang Pasko, ipauubaya na sa PNP Regional Directors

Regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre, magpapatuloy — Sec. Año

Hindi magpapatinag ang pamahalaan at itutuloy pa rin ang mga regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa gitna ng walang-patid na pangha-harass ng China. Ito ang inihayag ni National Security Adviser Eduardo Año kaugnay ng huling dalawang insidente sa Ayungin Shoal kahapon ng umaga habang nagsasagawa ng regular na resupply… Continue reading Regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre, magpapatuloy — Sec. Año

Bangkay ng nasawing Negrense OFW sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel, dumating na sa Negros Occidental

Dumating na sa Negros Occidental ang bangkay ng ikatlong overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Marie June Castro, Executive Assistant ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, sinabi nito na dumating sa lalawigan ang bangkay ng nasawing caregiver na si Loreta… Continue reading Bangkay ng nasawing Negrense OFW sa sorpresang pag-atake ng Hamas group sa Israel, dumating na sa Negros Occidental

Suporta ng Kamara sa pagpapaunlad sa Bicol region, susuklian din ng pagsuporta ng Bicol Saro party-list sa House leadership

Bilang sukli sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng Bicol Region ay mananatiling buo ang tiwala at kumpiyansa ng Bicol Saro party-list kay Speaker Martin Romualdez at sa kaniyang inklusibo at action-oriented na pamumuno. Punto ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan, ang paghimok sa kanila ni Romualdez na pag-igihan ang pagtatrabaho ay nagersulta sa mabilis na… Continue reading Suporta ng Kamara sa pagpapaunlad sa Bicol region, susuklian din ng pagsuporta ng Bicol Saro party-list sa House leadership

Uwing investment deal ni PBBM mula sa Saudi Arabia, pinapurihan ni Speaker Romualdez

Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang matagumpay na biyahe ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa Saudi Arabia kung saan naselyohan ang bilyun-bilyong dolyar na halaga ng pamumuhunan. Ayon kay Romualdez ang kabuuang US$4.26 billion investment deal na nilagdaan ng Pilipinas at Saudi ay pakikinabangan ng tinatayang 300,000 manggagawang Pilipino. Bukod pa ito sa inihayag… Continue reading Uwing investment deal ni PBBM mula sa Saudi Arabia, pinapurihan ni Speaker Romualdez

DSWD at CWC ,inilunsad ang MAKABATA Helpline 1383

Inilunsad na ng Council for the Welfare of Children (CWC), ang MAKABATA Helpline 1383 . Dahil dito, hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na maging kaisa ng gobyerno sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga vulnerable sector lalo na ng mga kabataan. Dapat mabigyan sila ng mapagmalasakit na kapaligiran –… Continue reading DSWD at CWC ,inilunsad ang MAKABATA Helpline 1383

Malaki ang kumpiyansa ng mga Saudi investors sa Pilipinas – Romualdez

Bukod sa $4.26 billion investment deal ng Saudi Arabia sa Pilipinas, $120 million na puhunan naman ang ipinangako ng mga private company ng Saudi. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang nasabing halagang ilalagak ng Saudi companies sa bansa ay magbubukas ng 15,000 na trabaho partikular sa construction sa Pilipinas. “The amount of investment… Continue reading Malaki ang kumpiyansa ng mga Saudi investors sa Pilipinas – Romualdez

P100k reward alok para sa missing Beauty Queen; PCG, tumutulong na rin sa paghahanap

Ipinahayag ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang alok na reward money nito na P100,000 para sa impormasyon na makatutulong sa paghahanap kay Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon. Paunang naiulat na nawawala si Camilon, noong Oktubre 12. Huli siyang nakitang bumibiyahe sa isang metallic gray na Nissan Juke SUV na may… Continue reading P100k reward alok para sa missing Beauty Queen; PCG, tumutulong na rin sa paghahanap

Philippine Red Cross, nagsagawa ng bloodletting activity sa City of Malabon University

Kasabay ng pagdiriwang ng Red Cross Youth Month, nagsagawa ng bloodletting activity ang Philippine Red Cross-Malabon City chapter. Isinagawa ang bloodletting sa City of Malabon University na nilahukan ng mga estudyante at faculty members. Target na makalikom ang Red Cross mula 300 hanggang 400 na bag ng dugo mula sa mga estudyante at faculty ng… Continue reading Philippine Red Cross, nagsagawa ng bloodletting activity sa City of Malabon University