Mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE na nilipat ng pwesto, nadagdagan

Umabot na sa 2,956 ang mga pulis na inilipat ng pwesto dahil mayroon silang kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo na ito ay mula sa huling bilang na 2,800. Base aniya… Continue reading Mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE na nilipat ng pwesto, nadagdagan

LTFRB, naglabas ng listahan ng mga gasolinahan kung saan maaaring gamitin ang fuel subsidy

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inisyal na listahan ng mga gasolinahan kung saan maaaring magamit ang fuel subsidy ng pamahalaan. Batay sa anunsiyo, kabilang sa mga gasolinahan na ito ang: • Total Philippines Corp. • Phoenix Petroleum • Unioil Petroleum Philippines, Inc. • Seaoil Philippines, Inc. • Pilipinas Shell… Continue reading LTFRB, naglabas ng listahan ng mga gasolinahan kung saan maaaring gamitin ang fuel subsidy

DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa Christmas lights at decor sa isang furniture store sa Pasig City

Nag-ikot ang mga opisyal at tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isang furniture store/warehouse sa Pasig City, ngayong araw. Pinangunahan ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco kasama si Senate Deputy Majority Leader at Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship Chairman Mark Villar. Ayon kay ASec. Pacheco, bahagi ito ng kanilang… Continue reading DTI, nagsagawa ng inspeksyon sa Christmas lights at decor sa isang furniture store sa Pasig City

OWWA at DMW, magkakaloob ng tig-₱50,000 na tulong-pinansyal sa mga na-repatriate na OFWs mula Israel

Nagkaloob ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW) ng tig-₱50,000 na tulong-pinansyal sa unang batch na na-repatriate mula sa Israel kahapon. Nasa 16 na OFWs na unang na-repatriate ang makatatanggap ng nabanggit na halaga mula sa OWWA at DMW. Bukod sa naturang tulong-pinansyal ay may makukuha pa sila ng… Continue reading OWWA at DMW, magkakaloob ng tig-₱50,000 na tulong-pinansyal sa mga na-repatriate na OFWs mula Israel

7th Infantry Division, nagpadala na mga tropa mula sa Central Luzon para tumulong sa BSKE sa Mindanao

Idineploy ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang kanilang 72nd Division Reconnaissance Company sa Mindanao bilang pandagdag-pwersa sa 6th Infantry Division para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ang send-off ceremony sa 702nd Infantry (Defender) Brigade Headquarters sa Camp Tito Abat, Manaoag, Pangasinan kahapon ay pinangunahan ni 7ID Commander Major General Andrew D. Costelo.… Continue reading 7th Infantry Division, nagpadala na mga tropa mula sa Central Luzon para tumulong sa BSKE sa Mindanao

Dating LTFRB Executive Assistant na si jeff tumbado, humarap na sa nbi

Humarap na ngayong araw si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Assistant Jeff Tumbado sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City. Ito’y kaugnay sa imbestigasyon ng umano’y korupsyon sa LTFRB. Matatandaang hindi nakasipot sa unang araw ng pagdinig ng NBI Anti-Graft Division noong Oct. 16 si Tumbado. Kasama… Continue reading Dating LTFRB Executive Assistant na si jeff tumbado, humarap na sa nbi

Campaign materials ng ilang mga kandidato sa BSKE sa Mandaluyong City, nakakabit sa ipinagbabawal na lugar

Unang araw pa lamang ng kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections, may ilang kandidato na ang tila nagpasaway sa Mandaluyong City. Batay sa mga natanggap na larawan ng Radyo Pilipinas mula sa ilang residente ng Lungsod, makikitang naglipana na ang mga campaign poster ng mga kandidato sa mga ipinagbabawal na lugar… Continue reading Campaign materials ng ilang mga kandidato sa BSKE sa Mandaluyong City, nakakabit sa ipinagbabawal na lugar

DSWD, palalawakin pa ang pilot rollout ng food stamp program sa Disyembre

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ilarga na ang full-scale pilot implementation ng WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP) sa buwan ng Disyembre. Inanunsyo ito ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay matapos ang ikaapat na Redemption Day sa pilot beneficiaries in Tondo, Manila kahapon. Ayon kay Usec. Punay, dahil… Continue reading DSWD, palalawakin pa ang pilot rollout ng food stamp program sa Disyembre

Planong digitalization ng Marcos Jr. administration, posibleng mabalam kung hindi mapapalakas ang cybersecurity ng bansa

Nanawagan si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa pamahalaan na paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng public telecommunication entities (PTEs) at private cybersecurity experts upang mapalakas ang proteksyon sa may 105 million SIM database laban sa mga hacker. Ayon kay Villafuerte na isa sa may akda ng SIM Registration Law, dapat mapaglaanan ng dagdag na… Continue reading Planong digitalization ng Marcos Jr. administration, posibleng mabalam kung hindi mapapalakas ang cybersecurity ng bansa

DFA, kinumpirma na may isa na namang Pilipinong nasawi sa kaguluhan sa Israel

Malungkot na kinumpirma ng Departmen of Foreign Affairs (DFA) ang isa na namang Pilipinong nasawi sa patuloy na kaguluhan sa Israel. Ang kumpirmasyon ay mula kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo matapos makumpirma sa Embahada ng Pilipinas sa Israel. Nagpaabot naman ng pakikiramay si Secretary Manalo sa pamilya ng namatay na OFW at nangakong magbibigay… Continue reading DFA, kinumpirma na may isa na namang Pilipinong nasawi sa kaguluhan sa Israel