Mga returning OFW na naipit sa gulo sa Middle East, tiniyak na mabibigyan ng tulong ng DSWD

Nakahanda na ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga overseas Filipino worker (OFW), na uuwi sa Pilipinas mula sa kaguluhan sa Gitnang Silangan. Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian si Undersecretary for Operations Pinky Romualdez na makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers para makuha ang listahan ng returning… Continue reading Mga returning OFW na naipit sa gulo sa Middle East, tiniyak na mabibigyan ng tulong ng DSWD

187,000 pulis, ipakakalat sa pagsisimula ng Barangay at SK elections

Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa pag-arangkada ng panahon ng kampanya kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), sa Oktubre 30. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, aabot sa 187,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa buong bansa para tiyakin ang… Continue reading 187,000 pulis, ipakakalat sa pagsisimula ng Barangay at SK elections

16 na OFWs mula Israel, dumating na sa Pilipinas

Eksakto alas-3:26 ng hapon dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 16 na overseas Filipino workers (OFW), na boluntaryong umuwi sa Pilipinas mula sa Israel matapos maipit sa kaguluhan doon. Sa bilang na ito 15 ang caregivers, isang hotel worker, at isang buwang sanggol. Ang orihinal na bilang ay 17 OFWs pero… Continue reading 16 na OFWs mula Israel, dumating na sa Pilipinas

Suspensyon sa IRR ng Maharlika Investment Fund, walang magiging malaking epekto sa pagpapatupad ng batas

Walang nakikitang malaking epekto sa Maharlika Investment Fund (MIF) si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, matapos suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas. Ayon kay Salceda, nasa kapangyarihan naman ng ehekutibo na ipatupad ang suspensyon lalo na kung may nakikita itong isyu… Continue reading Suspensyon sa IRR ng Maharlika Investment Fund, walang magiging malaking epekto sa pagpapatupad ng batas

Comelec, 95% nang nakumpleto ang delivery sa mga rehiyon ng official ballots na gagamitin sa BSKE

Naihatid na ng Commission on Elections (Comelec) sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang gagamitin na mga balota para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE). Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, 95% nang natatapos ang delivery ng mga official ballot na nagsimula noong nakaraang linggo. Tanging ang Region 4A, Region 4B… Continue reading Comelec, 95% nang nakumpleto ang delivery sa mga rehiyon ng official ballots na gagamitin sa BSKE

Pangulong Marcos Jr., tiwalang maipagpapatuloy ng PSG ang pagpapalakas ng kanilang hanay sa ilalim ng bagong liderato nito

Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga nagawa ni Brigadier General Ramon Zagala, bilang commander ng Presidential Security Group (PSG). Sa Change of Command Ceremony ng PSG, sinabi ng Pangulo na naging matagumpay ang tour of duty ng heneral, katuwang ang lahat ng indibidwal na sumiguro na magiging secured ang unang taon ng… Continue reading Pangulong Marcos Jr., tiwalang maipagpapatuloy ng PSG ang pagpapalakas ng kanilang hanay sa ilalim ng bagong liderato nito

Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr., binisita ang Pinoy caregiver na nasugatan sa kaguluhan sa Israel

Binisita ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang isang Pilipino na nasugatan sa kaguluhan sa Israel. Kinilala ang OFW na si Joey Pagsolingan na nagtamo ng sugat sa kaniyang kaliwang braso at kinailangan sumailalim sa surgery matapos mabaril sa nangyaring pag-atake ng militanteng grupong Hamas. Si Pagsolingan ay nailigtas ng Israeli Defense Forces… Continue reading Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo, Jr., binisita ang Pinoy caregiver na nasugatan sa kaguluhan sa Israel

Dalawang OFWs mula sa Israel, nakaranas ng matinding takot at trauma kaya nag-desisyon na umuwi sa Pilipinas

Matinding takot at trauma ang naranasan ng dalawang overseas Filipino worker na umuwi sa Pilipinas mula sa Israel. Kabilang sina Kathleen Tolentino, apat na taong nagtrabaho sa Israel at Mylene Rivera, pitong taong nagtrabaho sa Israel sa 16 OFWs na umuwi sa bansa ngayong araw. Ang dalawa ay parehong caregivers. Sa isang pulong balitaan sa… Continue reading Dalawang OFWs mula sa Israel, nakaranas ng matinding takot at trauma kaya nag-desisyon na umuwi sa Pilipinas

Speaker Romualdez, personal na nakiramay sa naulilang pamilya ng nasawing Pinoy caregiver

Dinalaw mismo ni Speaker Martin Romualdez ang naiwang pamilya ng isa sa tatlong OFW na nasawi dahil sa gulo sa Israel. Kasamang nakiramay ni Romualdez sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Jr. at Pampanga Gov. Dennis Pineda sa pamilya ng Pinoy caregiver na Paul Castelvi na tubong San Fernando Pampanga. Sinamantala na rin ito ni… Continue reading Speaker Romualdez, personal na nakiramay sa naulilang pamilya ng nasawing Pinoy caregiver

Pondo ng CICC, kailangan na madagdagan – Makati solon

Muling humirit si Makati Rep. Luis Campos Jr. na madagdagan ang pondo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para mapalakas ang kapabilidad na labanan ang cyber-attacks. Ito’y matapos ang serye ng security attacks sa iba’t ibang government website. Kamakailan nang makaranas ng hacking at defacement ang website ng Department of Science and Technology, Philhealth,… Continue reading Pondo ng CICC, kailangan na madagdagan – Makati solon