Pamahalaang lokal at nasyonal, hinimok na magkaroon ng kolektibong pagkilos para tugunan ang mataas na presyo ng bilihin

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kapwa civil servant na magtulungan at magkaisa para masigurong maibsan ang epekto ng inflation at mataas na presyo ng mga bilihin. Ayon sa House leader, ang mga opisyal ng lokal at pamahalaang nasyonal ay dapat magtulong-tulong sa pagpapatupad ng mga programa para tugunan ang pasanin ng publiko.… Continue reading Pamahalaang lokal at nasyonal, hinimok na magkaroon ng kolektibong pagkilos para tugunan ang mataas na presyo ng bilihin

DILG at PCA, lumagda ng kasunduan para mapataas ang coconut production sa bansa

Magtutulungan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Coconut Authority (PCA) upang mapataas ang coconut production sa bansa. Kaugnay nito ay lumagda sa Memorandum of Understanding ang dalawang ahensya upang magtulungan sa Massive Coconut Planting and Replanting Project 2023-2028 ng PCA. Pinangunahan nina DILG Secretary Benhur Abalos at PCA Administrator Bernie… Continue reading DILG at PCA, lumagda ng kasunduan para mapataas ang coconut production sa bansa

BFAR, nagbigay ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawing mangingisda sa Bajo de Masinloc

Nagbigay ng tulong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamilya ng nakaligtas at nasawing mangingisda matapos banggain ng isang dayuhang barko ang kanilang bangka sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea. Sa naging pagbisita ni BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto sa lamay ng tatlong mangingisda sa Calapandayan,… Continue reading BFAR, nagbigay ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawing mangingisda sa Bajo de Masinloc

Bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, iprinisinta sa media ng Customs at PNP 

Ipinakita na sa media ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine National Police (PNP) ang bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, na nasabat sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.  Pinangunahan ang naturang presentasyon ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. Ayon kay Acorda, ang pagkakasabat sa mga droga ay sanib-pwersa ng pamahalaan matapos na… Continue reading Bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, iprinisinta sa media ng Customs at PNP 

Barko na nakabangga sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, nakadaong ngayon sa Singapore – PCG

Ibinunyag ng Philippine Coast Guard (PCG) na kasalukuyang nakadaong ngayon sa Singapore ang Pacific Anna na responsable sa pagbangga sa bangka ng Filipino Fishing Boat Darean, na nangyari sa Bajo de Masinloc noong Lunes ng umaga. Ito ang kinumpirma ni PCG Spokesperson Rear Admiral Arman Balilo, kasabay ng pagtitiyak na nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng… Continue reading Barko na nakabangga sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, nakadaong ngayon sa Singapore – PCG

Pamahalaan, nakatutok sa paglikha ng mas maraming trabaho sa harap ng pagbaba ng unemployment rate – NEDA

Mahigpit na tinututukan ngayon ng pamahalaan ang paglikha ng mas maraming trabaho na siyang magpapalakas naman sa labor force ng bansa. Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA), makaraang iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa 4.4 percent nitong Agosto. Batay din sa ulat… Continue reading Pamahalaan, nakatutok sa paglikha ng mas maraming trabaho sa harap ng pagbaba ng unemployment rate – NEDA

Vice President at Education Sec. Sara Duterte, dumalaw sa burol ng nasawing Grade 5 student sa Antipolo City

Dumalaw ngayong araw si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa burol ng Grade 5 student na nasawi dahil umano sa pananampal ng kanyang guro sa Antipolo City. Personal na nagpaabot ng pakikiramay si VP Sara sa naiwang pamilya ni Francis Jay Gumikib, 14 na taong gulang. Kasama ni VP Sara na dumalaw sa… Continue reading Vice President at Education Sec. Sara Duterte, dumalaw sa burol ng nasawing Grade 5 student sa Antipolo City

DILG, suportado ang pagsuspinde sa paniningil ng ‘pass through fees’

Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagsusupinde sa paniningil ng pass through fee o paniningil ng toll sa mga produkto o kargamentong ibinibiyahe. Ito’y matapos ipasa ng Metro Manila Council (MMC) ang Resolution Number 23-15, na nagsususpinde sa paniningil ng toll sa… Continue reading DILG, suportado ang pagsuspinde sa paniningil ng ‘pass through fees’

Pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka, pinamamadali na ni Pangulong Marcos Jr.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) at Department of Finance (DOF)) na bilisan pa ang pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan para sa mga magsasaka. Partikular na ang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) program, kung saan higit 10, 000 magsasaka sa Capiz ang makikinabang. Sa distribusyon ng libreng bigas… Continue reading Pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka, pinamamadali na ni Pangulong Marcos Jr.

Small committee ng Kamara, masusing inaaral ang alokasyon ng confidential at intelligence fund

Small committee ng Kamara, masusing inaaral ang alokasyon ng confidential at intelligence fund Patuloy na inaaral ngayon ng binuong small committee ng Kamara ang maayos na alokasyon ng confidential at intelligence fund (CIF) sa ilalim ng 2024 General Appropriations Bill. Sa isang pulong balitaan, ipinaliwanag ni Appropriations Senior Vice Chair Stella Quimbo ang proseso na… Continue reading Small committee ng Kamara, masusing inaaral ang alokasyon ng confidential at intelligence fund