Discount ng senior citizens at PWDs sa online transactions, mandatory na — BIR

Inihayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr., na mandatory na ang discounts sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa pagbili online o sa pamamagitan ng mobile applications. Ito ang nakasaad sa Revenue Regulations No. 8-2023 na inilabas ng BIR Chief. Sinabi rin nito, na hindi kailangan ang pirma ng… Continue reading Discount ng senior citizens at PWDs sa online transactions, mandatory na — BIR

PUVs na bibigyan ng special permit tuwing special holiday, dadagdagan ng LTFRB

Nagdesisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdagan ang bilang ng mga Public Utility Bus (PUB) units na bibigyan ng Special Permit tuwing special holiday gaya ng Pasko at Holy Week. Kasunod ito ng inilabas na Memorandum Circular 2023-024 ng LTFRB na nag-aamyenda sa Memorandum Circular 2015-008 at Board Resolution No. 052,… Continue reading PUVs na bibigyan ng special permit tuwing special holiday, dadagdagan ng LTFRB

Isang prison guard, patay sa pamamaril sa loob ng Laguna Provincial Jail

Patay ang isang prison guard matapos na barilin ng isang inmate sa loob ng Laguna Provincial Jail sa Sta Cruz, Laguna kaninang alas-9 ng umaga. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Jonathan Sombilla Buenviaje, 50, Prison Guard I, residente ng Barangay Maulawin, Pagsanjan, Laguna. Base sa inisyal na imbestigasyon,… Continue reading Isang prison guard, patay sa pamamaril sa loob ng Laguna Provincial Jail

Price freeze, epektibo sa ilang lugar sa Gitnang Luzon na nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa Bagyong Egay

Naglabas na ang Department of Trade and Industry ng consumer advisory kung saan epektibo sa loob ng 60 araw ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa ilang lugar sa Gitnang Luzon na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa pananalasa ng bagyong Egay at hanging habagat. Kasalukuyang epektibo ang nasabing price freeze sa… Continue reading Price freeze, epektibo sa ilang lugar sa Gitnang Luzon na nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa Bagyong Egay

Pag-repurpose at tamang pag-manage ng plastic waste ng Pilipinas, tututukan ng Marcos Administration

Photo courtesy of DENR FB page

Nasa 61,000 metrikong tonelada na solid waste ang nalilikha sa Pilipinas, kada araw. Mula sa bilang na ito, 24 percent dito ay plastic waste. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Environment and Natural Resources Secretary Antonia Loyzaga, na nasa 160 million plastic sachet packets ang ginagamit ng mga Pilipino kada araw. Kabilang na dito… Continue reading Pag-repurpose at tamang pag-manage ng plastic waste ng Pilipinas, tututukan ng Marcos Administration

DHSUD, magbibigay ng cash assistance sa mga sinalanta ni Bagyong Egay

Magbibigay ng cash assistance ang Department of Human Settlements and Urban Development sa mga pamilyang nawalan ng bahay sa gitna ng panananlasa ni bagyong Egay. Ipinag-utos na ni Secretary Acuzar ang pag-download ng pondo sa mga Regional Offices na apektado ng bagyo. Ang DHSUD Central Office ay magbibigay ng P23 milyon para sa emergency assistance… Continue reading DHSUD, magbibigay ng cash assistance sa mga sinalanta ni Bagyong Egay

AFP Chief, pinuri ang 7th ID bilang showcase ng Philippine Army

Pinuri ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang 7th Infantry “Kaugnay” Division bilang “showcase” ng Philippine Army. Ang pahayag ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang pagdalo bilang panauhing pandangal sa ika-35 anibersaryo ng 7ID sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon. Ayon sa AFP Chief, ang Fort Magsaysay ay pinagdarausan ng… Continue reading AFP Chief, pinuri ang 7th ID bilang showcase ng Philippine Army

Patay sa pananalasa ng bagyong Egay, umakyat sa 27

Umakyat na sa 27 ang mga naiulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa. Batay ito sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga. Sa nasabing bilang, dalawa pa lamang ang kumpirmadong nasawi sa bagyo habang 25 ang isinasailalim pa sa berepikasyon ng mga awtoridad. May 52… Continue reading Patay sa pananalasa ng bagyong Egay, umakyat sa 27

BSP, nagbabala sa publiko hinggil sa mga patibong na website ng mga scammer

Nagbabala ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP hinggil sa mga website na ginagamit namang patibong ng mga kawatan para makapanloko. Ayon sa BSP, dapat mag-ingat sa mga website na nagpapanggap na galing umano sa mga financial institutions tulad ng bangko para makahingi ng mga personal na impormasyon ng isang indibidwal. Iwasan din ang… Continue reading BSP, nagbabala sa publiko hinggil sa mga patibong na website ng mga scammer

Tara, Basa! Tutoring program, magkatuwang na inilunsad ng DSWD at DEPED

Inilunsad na ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Department of Education (DepEd), ang reformatted educational assistance na Tara, Basa! Tutoring Program. Pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ang paglulunsad ng programa sa Rizal High School sa Pasig City. Sa ilalim ng… Continue reading Tara, Basa! Tutoring program, magkatuwang na inilunsad ng DSWD at DEPED