Nasa 2,500 na trabaho, alok sa mega job fair sa Pasig City

Nasa 30 kumpanya ang kalahok sa Mega Job Fair ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig simula ngayong July 18 hanggang sa July 20 sa Ayala Malls The 30th. Ito ay bahagi pa rin ng 450th Anniversary ng Lungsod ng Pasig. Ayon sa Pasig Public Employment Service Office (PESO), nasa 2,500 na trabaho ang maaaring aplayan… Continue reading Nasa 2,500 na trabaho, alok sa mega job fair sa Pasig City

CHR, nabahala sa kasong pangha-harass ng mag-asawang pulis sa mga journalist sa Leyte

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na magiging patas at walang papanigan ang imbestigasyon sa kaso ng tatlong journalists na hinarass ng mag-asawang pulis sa Pastrana, Leyte, noong Hulyo 14. Kasabay nito ang panawagan din ng CHR, na proteksyunan ang mga mamamahayag para sa kanilang kaligtasan. Sa inilabas na pahayag ng CHR, lubha silang… Continue reading CHR, nabahala sa kasong pangha-harass ng mag-asawang pulis sa mga journalist sa Leyte

Office for Transportation Security, mahigpit na ipatutupad ang ‘footwear removal policy’ sa lahat ng paliparan sa bansa

Mahigpit na ipatutupad ng Office for Transportation Security (OTS) ang ‘footwear removal policy’ bilang bahagi ng security protocols sa bawat paliparan sa bansa. Ayon kay OTS Administrator Undersecretary Ma.O Aplasca, ito ay upang masiguro na walang makakalusot na maipuslit sa umang ipinagbabawal na gamit na kakasya sa sapatos sa loob ng palipran. Dagdag pa ni… Continue reading Office for Transportation Security, mahigpit na ipatutupad ang ‘footwear removal policy’ sa lahat ng paliparan sa bansa

Ilan pang transport group, nagpahayag na hindi sasali sa tigil pasada

Nadagdagan pa ang mga transport group na nagpahayag ng kanilang suporta sa LTFRB at hindi makikilahok sa pinaplanong tatlong araw na tigil pasada ng grupong MANIBELA. Sa isang press conference, ibinahagi ni Obet Martin ng Pasang Masda na bukod sa mga jeepney operators ay nakikiisa na rin sa kanila ang mga grupo ng tracker, mga… Continue reading Ilan pang transport group, nagpahayag na hindi sasali sa tigil pasada

COMELEC, maghahain ng mosyon sa Korte Suprema para hilingin na ilipat ang pagdaraos ng Brgy at SK Elections

Nakatakdang maghain motion for reconsideration ang Commission on Elections (COMELEC) sa Korte Suprema. Ito ay para hilingin na ilipat ang petsa ng pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre ng taong 2026, sa halip na sa Disyembre ng taong 2025. Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, nagpasya ang en banc na… Continue reading COMELEC, maghahain ng mosyon sa Korte Suprema para hilingin na ilipat ang pagdaraos ng Brgy at SK Elections

Pasig City Mega Trade at Coop Fair, isinagawa sa Ayala Malls The 30th

Naglunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Pasig ng Mega Trade Fair at Mega Cooperative Fair ngayong araw, July 18 hanggang July 23 sa Ayala Malls The 30th. Ito ay bahagi pa rin ng 450th Anniversary ng Lungsod ng Pasig. Tampok sa naturang trade at cooperative fair ang iba’t ibang produkto ng 23 micro, small, medium… Continue reading Pasig City Mega Trade at Coop Fair, isinagawa sa Ayala Malls The 30th

NOLCOM at OPAPRU, naglunsad ng medical mission sa Central Luzon

Pinangunahan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) at Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang medical Mission sa Zaragoza, Nueva Ecija, kasama ang 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army; Nueva Ecija Police Provincial Office; 1st Provincial Mobile Force Company; Magdiwang Elite Eagles Club; at Zaragoza Night Patriots Eagles Club 2021. Umabot… Continue reading NOLCOM at OPAPRU, naglunsad ng medical mission sa Central Luzon

Mga magsasaka sa Central Visayas, maaari nang magbenta ng farm products sa BJMP at NNC

Photo courtesy of Department of Agrarian Reform

Magsusuplay na ng pagkain sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at National Nutrition Council (NNC) sa Central Visayas Region ang agrarian reform beneficiaries (ARBs). Ito ang napagkasunduan ng Department of Agrarian Reform (DAR), BJMP at NNC para matulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang agricultural products. Ang suplay ng pagkain na bibilhin… Continue reading Mga magsasaka sa Central Visayas, maaari nang magbenta ng farm products sa BJMP at NNC

Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa DOH

Umani ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa mula sa Department of Health (DOH) para sa pagsisikap sa nationwide vaccination drive ng ahensya. Ayon sa DOH, malaki ang naging ambag ng Muntinlupa LGU sa pagkamit ng layunin ng Measles-Rubella at bivalent Oral Poliovirus Vaccine Supplemental Immunization Activity. Pinasalamatan naman ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon… Continue reading Muntinlupa LGU, tumanggap ng pagkilala mula sa DOH

Daily water service interruption sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad

Sinuspinde na ng Maynilad Water Services ang scheduled daily water service interruptions sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Valenzuela at Quezon City. Sinabi ng Maynilad, na nakatulong ang mga pag-ulan dala ng bagyong Dodong para mapataas ang water elevation sa Ipo Dam. Ito ang dahilan kaya patuloy na natatanggap mula sa portal ang… Continue reading Daily water service interruption sa ilang bahagi ng kamaynilaan, tuluyan nang sinuspinde ng Maynilad