10 domestic flights ng Airswift Airlines, kinansela dahil sa masamang panahon

Aabot sa 10 domestic flight ng Airswift ang kinansela ngayong tanghali sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa. Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, kabilang sa mga kinansela ang anim na mga flight nito mula Manila patungong El Nido at pabalik ng Manila. Ito ay… Continue reading 10 domestic flights ng Airswift Airlines, kinansela dahil sa masamang panahon

VP Sara Duterte, binigyang pagkilala ang sakripisyo ng mga magulang para makapagtapos ang mga anak ng pag-aaral

Sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa Mangaldan National High School sa Pangasinan. Nanawagan si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga mag-aaral na bigyang pagkilala ang sakripisyo ng kanilang mga magulang upang sila ay makapagtapos sa pag-aaral. Ito ang bahagi ng mensahe ni VP Sara na dumalo sa 6th Commencement Exercises ng nasabing… Continue reading VP Sara Duterte, binigyang pagkilala ang sakripisyo ng mga magulang para makapagtapos ang mga anak ng pag-aaral

Dagdag na guidelines sa araw ng SONA, inilabas ng House Secretary General

Naglabas ng panibagong guidelines ang Office of the House Secretary General para sa araw ng State of the Nation Address sa July 24. Kabilang sa panuntunan, ay kinakailangan magpresenta ang lahat ng papasok sa Batasan Complex ng vaccination card na magpapatunay na sila ay fully vaccinated na laban sa COVID-19. Kung ang indibidwal ay hindi… Continue reading Dagdag na guidelines sa araw ng SONA, inilabas ng House Secretary General

Tax collection ng BIR sa unang limang buwan ng 2023, tumaas ng 10%

Ipinagmalaki ng Bureau of Internal Revenue ang pagtaas ng koleksyon nito ng buwis sa unang limang buwan ng taong 2023. Ayon sa BIR, kung susumahin ang pinagsama-samang koleksyon mula Enero hanggang nitong Mayo ay umabot sa P1.056 trilyon ang nasingil ng ahensya. Mas mataas ng 9.94% kumpara sa P95.454 bilyong tax collection noong kaparehong panahon… Continue reading Tax collection ng BIR sa unang limang buwan ng 2023, tumaas ng 10%

Petisyon na kumukwestyon sa mga kautusan ng IATF na may kinalaman sa COVID-19, ibinasura ng SC

Ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng mga kautusan ng Inter Agency Task Force on Emerging Diseases na may kinalaman sa COVID-19. Sa En Banc session ng Supreme Court, sinabi nito na walang batayan para paburan ang mga consolidated petition na Montenegro Jr. vs. IATF et al, Perlas III… Continue reading Petisyon na kumukwestyon sa mga kautusan ng IATF na may kinalaman sa COVID-19, ibinasura ng SC

Cope Thunder Exercise, nagpapatuloy sa Cebu

Nagpapatuloy ang Cope Thunder 2023 Exercise sa pagitan ng Philippine Air Force at United States Air Force, upang mapahusay ang interoperability ng dalawang pwersa. Mula Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga, lumapag ang mga kalahok sa pagsasanay sa Benito Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City, Cebu. Kabilang dito ang apat na FA-50 Fighter Jets… Continue reading Cope Thunder Exercise, nagpapatuloy sa Cebu

Gwardya ng SM North EDSA na nanakit ng tuta, iniimbestigahan na ng PNP

Posibleng masuspindi o mabawi ang lisensya ng security guard ng SM North Edsa Mall at ng kanyang security agency dahil sa ginawa nitong pagpatay sa isang tuta. Ayon sa Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) iniimbestigahan na nila ang security guard na si Jojo Malicdem matapos na mag-viral sa social media… Continue reading Gwardya ng SM North EDSA na nanakit ng tuta, iniimbestigahan na ng PNP

Party-list solon, pinuri ang MTRCB sa patas na ebalwasyon sa pelikulang ‘Barbie’

Pinuri ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera ang aniya’y masinop at patas na ebalwasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikulang ‘Barbie’. Kung matatandaan, ipinanawagan ang pagpapahinto sa pagpapalabas sa naturang pelikula dahil sa pagpapakita ng nine-dash line ng China sa West Philippine Sea. Aniya, naging responsable ang MTRCB sa… Continue reading Party-list solon, pinuri ang MTRCB sa patas na ebalwasyon sa pelikulang ‘Barbie’

Pagtatayo ng OFW Hospital sa Visayas at Mindanao, suportado ng isang kongresista

Suportado ng isang party-list solon ang pagtatayo ng OFW Hospital sa Visayas at Mindanao. Ayon ay OFW party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, mahalaga na mabigyang access din sa libreng medical services ang mga OFW na nasa Visayas at Mindanao Region. Sa kasalukuyan kasi, limitado lamang ang naseserbisyuhan ng OFW Hospital sa Pampanga sa kalapit… Continue reading Pagtatayo ng OFW Hospital sa Visayas at Mindanao, suportado ng isang kongresista

Desisyon ng MTRCB na payagan ang buong pagpapalabas ng pelikulang ‘Barbie’, suportado ni Sen. Poe

Walang nakitang anumang paglabag sa freedom of expression si Senadora Grace Poe sa pelikulang ‘Barbie’. Dahilan para suportahan ng senadora ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipalabas ng buo ang naturang pelikula. Matatandaang nanawagan ang ilan sa MTRCB na huwag hayaan na maipalabas sa bansa ang naturang pelikula dahil… Continue reading Desisyon ng MTRCB na payagan ang buong pagpapalabas ng pelikulang ‘Barbie’, suportado ni Sen. Poe