MMDA, positibo ang nakuhang pananaw sa publiko sa pagkakaroon ng body cam ng MMDA Traffic Constables

Positibo ang nakuhang pananaw ng Metropolitan Manila Development Authority sa paglagay ng body cameras sa mga MMDA Traffic Constables na nakakalat sa Kalakhang Maynila. Sa isinagawang stakeholders meeting katuwang ang Metro Manila Council, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes na ito’y upang makuha nila ang bawat sentimyento at pananaw ng bawat sektor na… Continue reading MMDA, positibo ang nakuhang pananaw sa publiko sa pagkakaroon ng body cam ng MMDA Traffic Constables

DOTr, nag-loan sa ADB para sa pagpapatayo ng Davao Public Transport Modernization Project

Upang mas mapaunlad pa ang sektor ng transportasyon sa Davao, magpapatayo ang Department of Transportation (DOTr) ng Davao Public Transportation Modernization Project. Ang naturang proyekto ay kabilang sa loan agreement nito sa Asian Development Bank (ADB) na siyang magpopondo ng naturang proyekto na nagkakahalaga ng nasa one billion US dollars. Ayon kay Transporation Secretary Jaime… Continue reading DOTr, nag-loan sa ADB para sa pagpapatayo ng Davao Public Transport Modernization Project

Patuloy na pagbaba ng inflation rate, welcome kay Finance Sec. Benjamin Diokno

Welcome sa Department of Finance ang patuloy na pagbaba ng inflation rate sa bansa. Naitala ang 5.4 percent sa June inflation mula sa 6.1 percent noong nakaraang Mayo. Ito na ang pinakamababa sa loob ng 13 buwan. Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, indikasyon ito na “on- track” ang administrasyong Marcos Jr. upang maibaba ang… Continue reading Patuloy na pagbaba ng inflation rate, welcome kay Finance Sec. Benjamin Diokno

Pilipinas at Brazil, muling pinagtibay ang kanilang matatag na pagkakaibigan

Muling pinagtibay ng Pilipinas at Brazil ang kanilang pagsasama at matatag na pagkakaibigan sa katatapos lang na 6th Bilateral Consultation Meeting (BCM) na ginanap sa Maynila. Co-chair sa nasabing pulong sina Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro at Brazilian Ministry of Foreign Affairs Secretary for Asia… Continue reading Pilipinas at Brazil, muling pinagtibay ang kanilang matatag na pagkakaibigan

Panukalang ‘lifetime validity’ ng PWD card sa mga may permanent disability, suportado ng CHR

Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa panukala sa Kamara na nagsusulong ng lifetime validity sa PWD Cards. Nakapaloob ito sa House Bill 8440 ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan kung saan ay gagawing panghabambuhay na ang validity ng card para sa mga Persons with Disability. Ayon sa CHR, dapat lang na… Continue reading Panukalang ‘lifetime validity’ ng PWD card sa mga may permanent disability, suportado ng CHR

Paulit-ulit na pulse tremor, nagpapatuloy pa rin sa Bulkang Mayon — PHIVOLCS

Mahigpit pa ring naka-monitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lagay ng Bulkang Mayon na patuloy pa rin ang lava flow at pulse tremor. Batay sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, on-going pa rin ang pulse tremor sa Mayon Volcano na naobserbahan simula pa noong July 3. Maaaring dulot aniya ito ng pag-akyat… Continue reading Paulit-ulit na pulse tremor, nagpapatuloy pa rin sa Bulkang Mayon — PHIVOLCS

Pagpapalawig sa termino ng BSK officials, muling inihirit ng CDO solon

Kinalampag ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang House Committee on Local Government na talakayin na ang panukalang magpapalawig ng limang taon sa termino ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials. Ayon kay Rodriguez Pebrero pa niya inihain ang House Bill 7123 ngunit hindi pa rin nadidinig sa Komite. Napapanahon aniya ang amyendan ito… Continue reading Pagpapalawig sa termino ng BSK officials, muling inihirit ng CDO solon

Nat’l most wanted person, naaresto ng CIDG sa Baguio

Binati ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat ang CIDG Pangasinan Provincial Field Unit sa pagkakaaresto ng isang National Most Wanted Person (MWP) at lider ng Criminal Gang sa Barangay Balacbac, Sto. Tomas Proper, Baguio City nitong Martes. Kinilala ni Caramat ang akusado na si Ricardo Esposo Siador Jr.… Continue reading Nat’l most wanted person, naaresto ng CIDG sa Baguio

Gabriela party-list, mariing kinondena ang sexual assault incident sa UP Diliman

Nagpahayag ng pagkabahala at pagkondena ang Gabriela Party-list sa napaulat na insidente ng sexual assault sa isang mag-aaral sa loob mismo ng UP Diliman campus. Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas wake-up call ito upang repasuhin at palakasin ng UP community ang kanilang polisiya pagdating sa seguridad upang matiyak ang… Continue reading Gabriela party-list, mariing kinondena ang sexual assault incident sa UP Diliman

QC LGU, naglabas ng Tipid Tubig Tips

Muling nagpaalala ngayon ang Quezon City local government sa mga residente na magtipid sa tubig lalo ngayong opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El NiƱo phenomenon. Ayon sa pamahalaang lungsod, pinapataas nito ang posibilidad na magkaroon ng mas mababa sa normal na bilang ng pag-ulan, na maaaring magresulta sa tagtuyot sa ilang lugar… Continue reading QC LGU, naglabas ng Tipid Tubig Tips