Antas ng tubig sa Angat Dam, malapit nang umabot sa minimum operating level

Lalo pang nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam na malapit nang umabot sa minimum operating level nito. Batay sa update ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay bumaba pa sa 180.89 meters ang lebel ng tubig sa dam, matapos itong mabawasan ng 33 centimeters.… Continue reading Antas ng tubig sa Angat Dam, malapit nang umabot sa minimum operating level

Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Marikina Public Market

Narito ang mga presyo ng pangunahing bilihin sa Marikina City Public Market. Galungong ₱160 ang kada kilo,bangus ₱150 to ₱160 ang kada kilo, hipon suahe ₱90 to ₱100 ang kada 1/4,tambakol ₱140 ang kada kilo,tulingan ₱160 kada kilo. Baboy (Laman) ₱270 kada kilo, porkchop at iba pang cut ₱270/kilo, liempo ₱300/kilo, at pata ₱200 kada… Continue reading Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Marikina Public Market

Pamahalaan, hindi titigil sa pagpapabagal pa ng inflation rate sa bansa — Pangulong Marcos Jr.

Ipagpapatuloy pa ng pamahalaan ang paggawa ng mga hakbang upang patuloy na mapabagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas. “This is a kind of thing that is helping to bring down the inflation rate. That’s why doing this, improving the technologies, helping our farmers, at both ends of that value chain, there… Continue reading Pamahalaan, hindi titigil sa pagpapabagal pa ng inflation rate sa bansa — Pangulong Marcos Jr.

Mga personnel ng PCG, magiging benepisyaryo na rin ng Pambansang Pabahay

May pagkakataon na rin ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) na magkaroon ng sariling bahay sa tulong ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (#4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kasunod ito ng pagkakaroon ng kasunduan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Philippine Coast Guard (PCG) para… Continue reading Mga personnel ng PCG, magiging benepisyaryo na rin ng Pambansang Pabahay

Sangguniang Panlungsod ng Parañaque, nagpasa ng ordinansa kontra credit card fraud

Nagpasa ang Sangguniang Panlungsod ng Parañaque ng ordinasa na mag-oobliga sa mga retail at service providers na makita ang portable point-of-sale (POS) system sa kanilang mga kustomer habang sila’y nagbabayad. Layon ng nasabing ordinansa na tugunan ang laganap na pagkalat at pagbebenta ng mga pribadong impormasyon sa mga scammer. Ayon sa principal author ng ordinansa… Continue reading Sangguniang Panlungsod ng Parañaque, nagpasa ng ordinansa kontra credit card fraud

9 na panukalang batas, isinulong ng Senado na masama sa priority bills ng administrasyon

Isinulong ng Senado na madagdag ang siyam na panukalang batas sa common legislative agenda ng administrasyon. Sa ginawang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting kahapon, kabilang sa mga ipinanukala ng Senado na maisama sa ituturing na priority bills ang Philippine Defense Industry Development Act (PDIDA), panukalang Cybersecurity Law, at amyenda sa procurement provisions ng… Continue reading 9 na panukalang batas, isinulong ng Senado na masama sa priority bills ng administrasyon

Mambabatas, nanawagan para sa agarang pag-apruba ng Magna Carta for Non-Uniformed Personnel

Umaasa si Bicol Saro partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na sa pagbubukas ng 2nd regular session ay mabilis nang uusad sa Kongreso ang panukala na magbibigay ng maayos na sahod at benepisyo sa mga civilian personnel na nagtatrabaho sa mga law enforcement agency. Ayon kay Yamsuan na dating nagsilbing Assistant Secretary ng Department of the… Continue reading Mambabatas, nanawagan para sa agarang pag-apruba ng Magna Carta for Non-Uniformed Personnel

Mga magsasaka, mas gumanda sitwasyon sa ilalim ng Marcos Jr. administration

Pinuri ng House Tax chief si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa napagbuti nito ang lagay ng mga magsasaka. Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, mula nang hawakan ni PBBM ang Department of Agriculture ay bumaba ang rice inflation habang tumaas naman ang farmgate price ng palay. Sa pinakahuling anunsyo ng… Continue reading Mga magsasaka, mas gumanda sitwasyon sa ilalim ng Marcos Jr. administration

460 dayuhang naligtas sa ni-raid na POGO, isinailalim sa biometric processing

Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) na mapapabilis ang pagdokumento sa mga dayuhang naligtas sa ni-raid na POGO (Philippine Offshore Gaming Operator) sa Las Piñas, sa pagdating sa site ng team mula sa Bureau of Immigration para magsagawa ng biometric processing. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan, 460 na… Continue reading 460 dayuhang naligtas sa ni-raid na POGO, isinailalim sa biometric processing

Mga sangkot sa malawakang smuggling ng agri-products, dapat sampahan ng kasong economic sabotage

Pinasasampahan ni House Appropriations Committee Chair at AKO BICOL party-list Rep. Elizaldy Co ng kasong economic sabotage ang private individuals at mga kasabwat nilang government official na mapapatunayang nasa likod ng malawakang smuggling at pananamantala sa taumbayan. Kasunod ito ng pagbibigay papuri sa atas ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ang DOJ at… Continue reading Mga sangkot sa malawakang smuggling ng agri-products, dapat sampahan ng kasong economic sabotage