Sen. Pimentel, isinusulong na marepaso ang IRR ng Anti-Agricultural Smuggling Law

Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na rebyuhin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Agricultural Smuggling Law (RA 10845) upang mas mabigyan ito ng ngipin. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Justice tungkol sa panukalang magtatatag ng Anti-Agricultural Smuggling Court, pinuna ni Pimentel na ang simpleng batas ay naging kumplikado dahil sa… Continue reading Sen. Pimentel, isinusulong na marepaso ang IRR ng Anti-Agricultural Smuggling Law

Planong pagtuturo ng same-sex union at gender fluidity sa draft curriculum ng DepEd, tinutulan ng isang mambabatas

Mariing tinutulan ni CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva ang pagkakasama ng usapin ng gender fluidity, same sex union at same sex marriage sa draft curriculum ng Department of Education (DepEd) para sa Kinder hanggang Grade 10. Ikinabigla aniya ng mambabatas na ang ganitong mga usapin ay kasama sa mga planong ituro sa basic education.… Continue reading Planong pagtuturo ng same-sex union at gender fluidity sa draft curriculum ng DepEd, tinutulan ng isang mambabatas

Mga estudyanteng nagsisigarilyo o vape sa non-smoking areas, di aarestohin

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na sisitahin lang at hindi aarestohin ang mga menor de edad o estudyante na mahuhuling gumagamit ng vape o sigarilyo sa mga non-smoking areas. Ang paglilinaw ay ginawa ni PNP Public Information Office Chief Col. Red Maranan kasunod ng direktiba ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa… Continue reading Mga estudyanteng nagsisigarilyo o vape sa non-smoking areas, di aarestohin

Ekonomiya ng bansa, asahang lalo pang aangat kasunod ng mas pinatatag na ugnayan ng Pilipinas at US

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang aangat ang ekonomiya ng Pilipinas kasunod ng naging pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden. Ayon sa mambabatas, asahan na ang mas magandang hinaharap para sa relasyon ng dalawang bansa na pinagtibay matapos ang pulong ng dalawang heads of… Continue reading Ekonomiya ng bansa, asahang lalo pang aangat kasunod ng mas pinatatag na ugnayan ng Pilipinas at US

Pransya, iginiit ang paggalang sa int’l law at freedom of navigation sa WPS

Nakiisa ang Pransya sa mga bansang nagpahayag ng pagkabahala sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS). Ito’y kasunod ng pinakahuling insidente kung saan muntik magkabanggaan ang barko ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard nang lumapit ang Chinese Coast Guard vessel No. 5201 ng mga 50 metro sa BRP Malapascua noong April 23. Sa… Continue reading Pransya, iginiit ang paggalang sa int’l law at freedom of navigation sa WPS

Publiko, pinag-iingat ng Immigration sa mga kumakalat na online illegal recruitment

Mariing binatikos ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga nagkalat na misinformation sa social media. Partikular ayon kay Tansingco ang kumakalat na video sa social media platform, na nag-aalok ng trabaho sa mga Pilipino sa ibayong dagat bilang turista, at paggigiit ng kanilang karapatang bumiyahe. Ayon kay Tansingco, mapanlinlang ang mga naturang… Continue reading Publiko, pinag-iingat ng Immigration sa mga kumakalat na online illegal recruitment

DOTr, inatasan ang railway operators na higpitan ang facemask mandate dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga railway operator na maghigpit sa pagpapatupad ng facemask mandate. Ito ay makaraang iulat kamakailan ng Department of Health (DOH) ang muling pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, pinaalalahanan nito ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT), Metro… Continue reading DOTr, inatasan ang railway operators na higpitan ang facemask mandate dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Pag-uwi ng 2 grupo ng OFWs na nasagip mula sa Sudan, inanunsiyo ng DMW

Tuloy-tuloy ang ginagawang repatriation ng pamahalaan sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naipit sa sumiklab na civil war sa bansang Sudan. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, nakatakdang umuwi sa bansa ang may 340 OFWs na hahatiin “by batch.” Bukas, May 3, inaasahang darating sakay ng Saudia Airlines ang may 80 OFWs… Continue reading Pag-uwi ng 2 grupo ng OFWs na nasagip mula sa Sudan, inanunsiyo ng DMW

Halos 1,900 TUPAD beneficiaries, tinulungan ng OVP at DOLE sa Bacolod

Umabot sa 1,898 individuals ang napagkalooban ng tulong-pinansyal sa ilalim ng TUPAD program sa Bacolod City. Magkatuwang ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa distribusyon ng suweldo, na ginanap sa Bacolod City National High School Gymnasium. Nasa ₱9.3 million ang ipinamahagi sa mga benepisiyaryo mula sa 17… Continue reading Halos 1,900 TUPAD beneficiaries, tinulungan ng OVP at DOLE sa Bacolod

Unang dalawang araw ng US visit ni Pangulong Marcos Jr., agad nagbunga

Dalawang araw pa lamang sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngunit marami na agad ang bunga ng kaniyang pakikipagdiyalogo sa US business at government leaders. Isa na rito ayon kay House Speaker Martin Romualdez ay ang pangako ni US President Joe Biden na magpadala ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas.… Continue reading Unang dalawang araw ng US visit ni Pangulong Marcos Jr., agad nagbunga