Isang drug den sa Bulacan, sinalakay ng pinagsanib puwersa ng PDEA at PNP

Arestado sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang isang drug den sa barangay Gaya Gaya sa San Jose Del Monte, Bulacan. Pasado alas-9:30 ng gabi nang salakayin ng mga operatiba ng PDEA at PNP ang naturang drug den at nahuli ang aktwal na pagbebenta ng illegal na droga. Huli… Continue reading Isang drug den sa Bulacan, sinalakay ng pinagsanib puwersa ng PDEA at PNP

Koordinasyon ng telco companies sa LGUs, pinaigting pa sa nalalapit na SIM registration deadline

Umaapela ang Globe Telecom sa pamahalaan na palawigin pa ang panahon ng SIM card registration sa bansa, lalo’t 29 million o 33% pa lamang ng kanilang subcribers ang nakapagparehistro na ng kanilang SIM card. Pahayag ito ni Globe Telecom Atty. Ariel Tubayan, labing dalawang araw bago ang deadline ng SIM card registration. Sa briefing ng… Continue reading Koordinasyon ng telco companies sa LGUs, pinaigting pa sa nalalapit na SIM registration deadline

25 probinsya, inaasahang maapektuhan ng pagtama ng El Niño

Inaasahang nasa 25 probinsya sa Pilipinas ang maaapektuhan ng pagtama ng El Niño sa bansa, sa ikatlo at ikaapat na kwarter ng 2023. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na kahit hindi pa matukoy ng PAGASA kung malala o gaano kalala ang tatamang El Niño ngayong taon, ang Department… Continue reading 25 probinsya, inaasahang maapektuhan ng pagtama ng El Niño

Magsilbi para sa mahihirap at tiyakin ang hustisya, payo ni Speaker Romualdez sa mga bagong abogado

Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang higit tatlong libong Bar passers na maging mabuting mga abogado na maglilingkod sa bayan. Bilang isa ring abogado at pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa), hinimok ng House leader ang mga bagong abogado na unahin ang kapakanan ng mga mahihirap at siguruhing makakamit ang hustisya. Naniniwala rin ang… Continue reading Magsilbi para sa mahihirap at tiyakin ang hustisya, payo ni Speaker Romualdez sa mga bagong abogado

Ilang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, isasailalim sa pagkukumpuni ngayong weekend

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista hinggil sa isasagawang road repair and reblocking sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila. Batay sa abiso ng MMDA, magsasagawa ng pagkukumpuni ang Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-11 ng gabi ngayong Biyernes, April 14, na tatagal hanggang alas-5 ng umaga ng… Continue reading Ilang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, isasailalim sa pagkukumpuni ngayong weekend

Sen. Gatchalian, tiniyak na pag-aaralang maigi ng EDCOMM2 ang 2022 School-to-Work transition report na inilabas ng CHR

Tiniyak ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na bubusisiing mabuti ng Second Congressional Commission on Education (EDCOMM2) ang mga hamon sa employability ng mga Pinoy graduates. Tugon ito ni Gatchalian sa resulta ng Commission on Human Rights (CHR) School-to-Work Transition Report para sa taong 2022. Ayon kay Gatchalian, na tumatayo ring… Continue reading Sen. Gatchalian, tiniyak na pag-aaralang maigi ng EDCOMM2 ang 2022 School-to-Work transition report na inilabas ng CHR

Pagbili ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines, hindi na kailangan—mambabatas

Hindi na kailangan na bumili pa ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines ang pamahalaan para sa inaasahang pagkasa ng second booster shot sa general population. Ayon kay House Committee on Health vice-chair Angelica Natasha Co, naging sapat na aniya ang bakunang ibinigay sa karamihan ng mga Pilipino laban sa COVID kahit pa sumulpot ang ibang… Continue reading Pagbili ng sobrang daming bivalent COVID-19 vaccines, hindi na kailangan—mambabatas

Water-related infra projects, tinututukan na ng pamahalaan bilang paghahanda sa El Niño

Nakatutok ang pamahalaan sa mga water related infrastructure projects sa bansa, bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño sa Pilipinas. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na ngayong 2023 nasa ₱750 million ang pondo ng gobyerno para water augmentation farms, small scale irriagtion projects, at solar irrigation projects.… Continue reading Water-related infra projects, tinututukan na ng pamahalaan bilang paghahanda sa El Niño

931 farmers’ cooperatives, kumikita ng Php2.35B mula sa Kadiwa sales—DA

??? ???????’ ????????????, ???????? ?? ??.??? ???? ?? ?????? ?????—?? Mula nang pasimulan ang KADIWA noong 2019, humigit-kumulang 931 farmers’ cooperatives and associations at agri-based enterprises ang sumali sa programa. Sa ngayon, base sa ulat ng Department of Agriculture (DA), nakabuo na ang mga ito ng kabuuang benta na abot sa P2.38 bilyon. Isa dito… Continue reading 931 farmers’ cooperatives, kumikita ng Php2.35B mula sa Kadiwa sales—DA

Warrant of arrest laban kay Bantag para sa kasong pagpatay kay Percy Lapid, inilabas ng Las Piñas City RTC

Nagpalabas na rin ng warrant of arrest ang Las Piñas City Regional Trial Court Branch 254 laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag. Nahaharap sa kasong murder si Bantag na may kaugnayan sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid. Ipinalabas ni Las Piñas… Continue reading Warrant of arrest laban kay Bantag para sa kasong pagpatay kay Percy Lapid, inilabas ng Las Piñas City RTC