Panukalang restructuring ng PNP, lusot na sa ikalawang pagbasa

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 8327 o restructuring sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Sa ilalim nito ay bubuo ng bagong mga tanggapan sa pambansang pulisya. Aamyendahan nito ang Republic Act 6975 o DILG Act, upang mas matugunan ng PNP ang mandato… Continue reading Panukalang restructuring ng PNP, lusot na sa ikalawang pagbasa

Seguridad sa FIBA Basketball World Cup, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng PNP ang kanilang kahandaan sa pagpapatupad ng seguridad sa idaraos na 19th International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023 sa bansa mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10 ng taong kasalukuyan. Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., ipatutupad ng PNP ang subok nang “major events security framework” para sa naturang… Continue reading Seguridad sa FIBA Basketball World Cup, tiniyak ng PNP

BIR, nilinaw ang mga polisiya at guidelines sa TIN card at COR issuance, validity

Nilinaw ng Bureau of Internal Revenue na may bisa pa rin ang lumang kulay yellow-orange na TIN Card at hindi nag-e-expire kahit pinalitan ng bagong kulay green na TIN Card. Nagbigay ng kalinawan si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. dahil sa maraming tanong ng mga taxpayer tungkol sa bisa ng Taxpayer Identification Number (TIN) at… Continue reading BIR, nilinaw ang mga polisiya at guidelines sa TIN card at COR issuance, validity

DSWD, magdaragdag ng satellite office sa Eastern Metro Manila

Plano ng Department of Social Welfare and Development na magdagdag pa ng mga satellite office para mas mailapit sa publiko ang serbisyo kabilang ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Ayon sa DSWD, kasama sa tinatarget nitong buksan ang satellite office sa Pasig at Rodriguez, Rizal para sa mga residente ng eastern part ng… Continue reading DSWD, magdaragdag ng satellite office sa Eastern Metro Manila

Magkaibang prescriptive period sa pinal na bersyon ng Maharlika Investment Fund bill, pinuna ni Sen. Koko Pimentel

Pinuna ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang dalawang magkaibang probisyon sa inaprubahang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill, kaugnay sa prescription ng mga krimen na may kinalaman sa pagpapatakbo ng pondo. Sa kopya kasi ng inaprubahang panukala, makikita aniya sa Section 50 na ang prescription period ay 10 years habang sa Section 51… Continue reading Magkaibang prescriptive period sa pinal na bersyon ng Maharlika Investment Fund bill, pinuna ni Sen. Koko Pimentel

Mercury-free na pagmimina ng ginto, itinutulak sa small-scale miners

Isinusulong ng Planetgold Philippines ang mas ligtas na pagmimina ng ginto partikular sa small scale miners o maliliit na mga minero sa bansa. Sa isang kapihan forum, ipinunto ni Abigail Ocate, National Project Manager ng Planetgold Philippines, ang pangangailangan na mabawasan na ang paggamit ng mercury sa mga small-scale gold mining dahil lubha itong mapanganib,… Continue reading Mercury-free na pagmimina ng ginto, itinutulak sa small-scale miners

Publiko, dapat na maging responsable sa pagkonsumo ng tubig sa gitna ng mainit na panahon — NWRB

Umaapela ang National Water Resources Board (NWRB) sa publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig, bilang paghahanda sa pinaka epekto ng inaasahang El Niño phenomenon sa Pilipinas. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr. na nakikita na kasi ang kabawasan sa mga mararanasang pag-ulan sa bansa dahil… Continue reading Publiko, dapat na maging responsable sa pagkonsumo ng tubig sa gitna ng mainit na panahon — NWRB

Mahigit 83% ng baybaying apektado ng oil spill, nalinis na

Nalinis na ang 83 porsyento ng mga baybayin na apektado ng oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa karagatan ng Oriential Mindoro, Pebrero 28. Batay ito sa iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpupulong ng National Task Force on Oil Spill Management ngayong araw, na 66 na kilometro na ang… Continue reading Mahigit 83% ng baybaying apektado ng oil spill, nalinis na

Muling pagbubukas ng Mindanao sa Int’l Tourism, malaking tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya — DOT

Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na ito na ang tamang panahon para muling buksan sa buong mundo ang magagandang tanawin at mayamang kultura ng Mindanao. Ito ang inihayag ni Tourism Secretary Ma. Christina Frasco matapos na lumagda ito ng Memorandum of Agreement kasama ang Department of National Defense (DND) at Department of the Interior… Continue reading Muling pagbubukas ng Mindanao sa Int’l Tourism, malaking tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya — DOT

House Speaker Romualdez: Pagpataw ng panibagong suspensyon kay Rep. Teves, trabaho lang

Walang halong pamemersonal ang panibagong disciplinary action na ipinataw ng Kamara laban kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ginagampanan lamang ng Kapulungan ang tungkulin sa taumbayan at pinoprotektahan ang integridad ng institusyon. “Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng Kongreso. Walang personalan dito. Ginagawa… Continue reading House Speaker Romualdez: Pagpataw ng panibagong suspensyon kay Rep. Teves, trabaho lang