MIF bill, hindi minamadali ng senado — Senate Majority Leader

Tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi minamadali ng senado ang pagpapasa ng Maharlika Investment Fund bill. Inaasahang ngayong linggo ay maipapasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang naturang panukala matapos itong sertipikahang urgent bill ng Malacañang. Ayon kay Villanueva, tatlong buwan nang tinatalakay sa mataas na kapulungan ang naturang… Continue reading MIF bill, hindi minamadali ng senado — Senate Majority Leader

Pre-inspection sa mga kargamaneto, suportado ng Cavite solon para iwas smuggling

Sinuportahan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang rekomendasyon ng Swiss company na Société Générale de Surveillance SA (SGS) na ipatupad ng Pilipinas ang pre-shipping inspection sa mga kargamentong papasok ng bansa upang masawata ang smuggling. Ayon sa mambabatas, magandang buhayin ang naturang sistema na dati nang ipinatupad noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E.… Continue reading Pre-inspection sa mga kargamaneto, suportado ng Cavite solon para iwas smuggling

DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang tatamaan ng Bagyong Betty

Tiniyak ng Department of Agriculture na nakalatag na ang mga intervention nito para sa mga magsasaka at mangingisdang maapektuhan ng pagtama ng Bagyong Betty. Sa tantsa ng DA, nasa higit 234,000 na ektarya ng palayan at maisan ang posibleng tamaan ng bagyo sa apat na rehiyon sa bansa. Sa ngayon ay aktibo na umano itong… Continue reading DA, may nakahanda nang tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang tatamaan ng Bagyong Betty

Malabon City, nasa Blue Alert status dahil sa banta ng Bagyong Betty

Nananatiling nakaalerto ang Malabon LGU para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa harap ng banta ng Bagyong Betty. Sa ngayon ay nakataas na ang Blue Alert status sa lungsod alinsunod na rin sa direktiba ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval. Sa ilalim nito, ay inaatasan ang paglalabas ng Weather Advisory sa 21 Barangays sa Malabon… Continue reading Malabon City, nasa Blue Alert status dahil sa banta ng Bagyong Betty

DND, nakiisa sa US Embassy sa pagdiriwang ng U.S Memorial Day

Nakiisa ang Department of National Defense (DND) sa United States Embassy sa Manila sa paggunita ng U.S. Memorial Day, kahapon sa Manila American Cemetery, Bonifacio Global City. Ang aktibidad na kinatampukan ng wreath laying ceremony ay pinangunahan ni U.S. Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, kasama si Philippine Veterans Affairs Office Administrator Undersecretary Reynaldo B.… Continue reading DND, nakiisa sa US Embassy sa pagdiriwang ng U.S Memorial Day

Senado, kinalampag na ipasa na ang panukalang magbibigay proteksyon sa mga freelance workers

Umaapela ngayon si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga kasamahang mambabatas sa Senado na aprubahan na ang “Gig Economy Bill”. Sana aniya ay mapagtibay ito ng Mataas na Kapulungan bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa susunod na linggo. Aniya, napapanahon ang panukalang batas lalo at tinatayang nasa 1.5 million na ang mga… Continue reading Senado, kinalampag na ipasa na ang panukalang magbibigay proteksyon sa mga freelance workers

MIMAROPA at Western Visayas, makararanas na ng mga pag-ulan simula bukas -PAGASA

Asahan na ang mga pag- ulan simula bukas sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas dala ng bagyong #BettyPH at habagat. Ayon sa PAGASA, magtutuloy-tuloy ang mga pag-ulan na makakaapekto na sa Western portions ng CALABARZON at maging sa Western portions ng Central at Southern Luzon sa araw ng Miyerkules. Base sa huling ulat… Continue reading MIMAROPA at Western Visayas, makararanas na ng mga pag-ulan simula bukas -PAGASA

Deputy Speaker Frasco, positibo sa malaking maiaambag ng pagbubukas ng Pier 88 sa ekonomiya ng Cebu

Labis ang pasasalamat ni Deputy Speaker at Cebu City 5th District Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco na naisakatuparan na sa wakas ang isa sa mga matagal na niyang isinulong na proyekto sa Cebu. Sa pormal na pagbubukas ng Liloan Port o “Pier 88”, sinabi ng mambabatas na hindi lamang ito magsisilbi bilang commuter port dahil… Continue reading Deputy Speaker Frasco, positibo sa malaking maiaambag ng pagbubukas ng Pier 88 sa ekonomiya ng Cebu

DPWH, naglagay na ng Quick Response Asset sa 32 strategic location sa buong Cagayan bilang paghahanda sa bagyo

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWN) sa Rehiyon 2 ang deployment ng mga personnel at equipment bilang paghahanda sa paparating na bagyong #BettyPH. Naglagay ng Quick Response Asset ang District Engineering Offices sa 32 strategic location sa buong Cagayan Valley. Ang mga assistance stations para sa highway clearing operations ay inilagay… Continue reading DPWH, naglagay na ng Quick Response Asset sa 32 strategic location sa buong Cagayan bilang paghahanda sa bagyo

Paghahatid ng food at non-food items sa 16 na satellite warehouses sa Northern Luzon, nagpapatuloy pa -DSWD

Umabot na sa kabuuang 83,619 na food at non-food items ang nakalatag na sa 16 na regional at satellite warehouses ng DSWD Field Office 1 sa Northern Luzon. Ang mga hakbang na ito ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay bahagi pa rin ng preparasyon sa maaaring maging epekto ng bagyong #BettyPH.… Continue reading Paghahatid ng food at non-food items sa 16 na satellite warehouses sa Northern Luzon, nagpapatuloy pa -DSWD