MIMAROPA at Western Visayas, makararanas na ng mga pag-ulan simula bukas -PAGASA

Asahan na ang mga pag- ulan simula bukas sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas dala ng bagyong #BettyPH at habagat. Ayon sa PAGASA, magtutuloy-tuloy ang mga pag-ulan na makakaapekto na sa Western portions ng CALABARZON at maging sa Western portions ng Central at Southern Luzon sa araw ng Miyerkules. Base sa huling ulat… Continue reading MIMAROPA at Western Visayas, makararanas na ng mga pag-ulan simula bukas -PAGASA

Paghahatid ng food at non-food items sa 16 na satellite warehouses sa Northern Luzon, nagpapatuloy pa -DSWD

Umabot na sa kabuuang 83,619 na food at non-food items ang nakalatag na sa 16 na regional at satellite warehouses ng DSWD Field Office 1 sa Northern Luzon. Ang mga hakbang na ito ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay bahagi pa rin ng preparasyon sa maaaring maging epekto ng bagyong #BettyPH.… Continue reading Paghahatid ng food at non-food items sa 16 na satellite warehouses sa Northern Luzon, nagpapatuloy pa -DSWD

NCR, itinaas na sa “Alert Level Bravo” dahil sa bagyong #BettyPH

Itinaas na ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa “Alert Level Bravo” o Moderate Risk ang National Capital Region. Ginawa ito ng MMDRRMC matapos ang kanilang ginawang pre-disaster risk assessment meeting para sa bagyong #BettyPH. Batay sa taya ng PAGASA at Environmental Management Bureau (EMB), nasa 50mm na ulan ang ibabagsak ng… Continue reading NCR, itinaas na sa “Alert Level Bravo” dahil sa bagyong #BettyPH

Operasyon ng 13 electric cooperative sa Northern Luzon, normal pa -NEA

Nananatili pa ring normal ang operasyon ng 13 electric cooperative sa Northern Luzon. Ito’y ayon sa ulat ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department. Ayon sa NEA, lahat ng coverage areas ng 13 ECs ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal number 1 dahil sa bagyong #BettyPH. Ang 13 ECs na nasa… Continue reading Operasyon ng 13 electric cooperative sa Northern Luzon, normal pa -NEA

Pasok sa mga paaralan sa buong Cagayan, suspendido bukas

Walang pasok bukas, Lunes, May 29, 2023 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cagayan. Nakapaloob ito sa inilabas na Executive Order No. 02 na nilagdaan ni Acting Governor Melvin Vargas Jr. dahil sa bagyong #BettyPH. Binibigyang diin na tanging sa mga paaralan lamang ang kanselado ang pasok dahil… Continue reading Pasok sa mga paaralan sa buong Cagayan, suspendido bukas

Ilang flights sa NAIA, kinasela ngayong tanghali

Ilang commercial flights ang kinansela ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ginawa ito dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon. Sa Flight Advisory No. 2 na inilabas ng NAIA, as of 12:12 ngayong tanghali, kinansela na ang flight schedule ng Philippine Airlines (PR) PR 437/438 na may biyaheng Nagoya-Manila-Nagoya. Sunod na ring nagkansela… Continue reading Ilang flights sa NAIA, kinasela ngayong tanghali

OCD, nagpadala na ng water filtration units sa Cagayan province

Dalawang water filtration units ang ipinadala ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Cagayan province. Ayon kay OCD/NDRRMC Asec. Raffy Alejandro, kabilang ito sa mga paghahanda na ginagawa ng pamahalaan para matulungan na magkaroon ng usable water ang mamamayan sa panahon ng pananalasa ng Super Typhoon… Continue reading OCD, nagpadala na ng water filtration units sa Cagayan province

DSWD, umapela sa mga pamilya na maaapektuhan ng bagyong #BettyPH na magkusa nang lumikas

Nanawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Rommel Lopez sa mga maapektuhan ni super typhoon Betty na huwag nang hintayin ang sapilitang paglilikas. Mas maigi na gawin na lamang nila ang kusang paglilikas kung batid nilang may peligro ang kanilang lugar. Sa media forum, sinisiguro sa publiko ni Asec. Lopez ang… Continue reading DSWD, umapela sa mga pamilya na maaapektuhan ng bagyong #BettyPH na magkusa nang lumikas

Mga kakailanganin sa pananalasa ng bagyo, nakahanda na sa Quezon City

Tiniyak na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang kahandaan nito sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa lungsod. Sa harap ng posibleng panganib na dala ng Super Typhoon, agad na inihanda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang supply ng first aid kits, evacuation tents, hygiene kits, personal protective equipment at mga… Continue reading Mga kakailanganin sa pananalasa ng bagyo, nakahanda na sa Quezon City