Total blackout, naranasan sa Western Visayas

Pasado alas 2 ng hapon nitong Martes, Enero 2, nakadanas ng total blackout ang Western Visayas. Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), naka-detect sila ng multipower plant tripping sa isla ng Panay. Kasalukuyang nararanasan ang total blackout sa lungsod at probinsya ng Iloilo at mga karatig na probinsya ng Capiz, Aklan, at… Continue reading Total blackout, naranasan sa Western Visayas

Pinsala sa agrikultura ng bagyong Goring sa Western Visayas pumalo sa P356.1-M

Pumalo na sa P356.1-million ang pinsala sa agrikultura dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong #GoringPH ng dumaan sa Western Visayas. May pinakamataas na pinsala ang Negros Occidental na umaabot sa P144-million, sumunod ang Iloilo na umaabot sa P118-million, Antique (P77-million) at Guimaras (P15-million). Nasa 102,508 na mga pamilya ang naapektuhan ng bagyo. Inaasahan ng… Continue reading Pinsala sa agrikultura ng bagyong Goring sa Western Visayas pumalo sa P356.1-M

Gen. Acorda, kinilala ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng droga sa Western Visayas

Kinilala ni PNP Chief P/General Benjamin Acorda Jr. ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng iligal na droga sa Western Visayas. Ayon kay Acorda, maraming impormasyong natatanggap ang kapulisan mula sa komunidad na nagreresulta sa matagumpay na anti-drug operation. Sa datos ng Police Regional Office 6, umabot sa P86 milyong halaga ng iligal… Continue reading Gen. Acorda, kinilala ang aktibong partisipasyon ng komunidad sa malalaking huli ng droga sa Western Visayas

‘Slow Food Assessment,’ isinasagawa sa Western Visayas

Isinasagawa ang β€˜slow food assessment’ ng team na binuo ng Department of Tourism 6 para magpatupad ng ebalwasyon ng mga lokal na pagkain sa Kanlurang Visayas. Naunang pinuntahan ng assessment team ang Capiz at Iloilo, habang ngayong linggo patuloy ang slow food assessment sa Bago City, Sagay City, Silay City, Victorias City at Murcia sa… Continue reading ‘Slow Food Assessment,’ isinasagawa sa Western Visayas

Mahigit P800K na kita, naitala sa binuksang Kadiwa ng Pangulo sa Western Visayas, July 17

Nakapagtala ng mahigit P806,000 na kita ang Department of Agriculture Western Visayas sa binuksan na Kadiwa ng Pangulo sa rehiyon kahapon, July 17. Sa datos ng DA Western Visayas, higit P160,000 ang naitalang kita sa Aklan, halos P225,000 sa Antique, halos P174,000 sa Capiz, halos P30,000 sa Guimaras, halos P90,000 sa Iloilo at higit P128,000… Continue reading Mahigit P800K na kita, naitala sa binuksang Kadiwa ng Pangulo sa Western Visayas, July 17

68 renewable energy projects, sinusulong sa Western Visayas

πŸ”πŸ– 𝐑𝐄𝐍𝐄𝐖𝐀𝐁𝐋𝐄 π„ππ„π‘π†π˜ ππ‘πŽπ‰π„π‚π“π’, π’πˆππ”π’π”π‹πŽππ† 𝐒𝐀 𝐖𝐄𝐒𝐓𝐄𝐑𝐍 π•πˆπ’π€π˜π€π’ Nasa 68 na mga renewable energy project na may potensyal na makapag-generate ng 14,245 megawatts (MW) ang sinusulong sa Western Visayas, ayon sa Department of Energy (DOE). Sa ginanap na Investment Forum on Renewable Energy noong Miyerkules, June 28, inihayag ni Engr. Gaspar Ecobar Jr., division chief… Continue reading 68 renewable energy projects, sinusulong sa Western Visayas

Anim patay matapos malunod sa mismong araw ng kapistahan ni San Juan de Bautista

Sa datos ng Police Regional Office 6, sa anim na namatay, 2 ang naitala sa probinsya ng Iloilo, 1 sa probinsya ng Aklan, 1 sa Guimaras, 1 sa Capiz at sa probinsya ng Negros Occidental.

HAPAG sa Barangay Project inilunsad sa Western Visayas

Nagdaos ng regional launching para sa Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Agriculture (DA) sa Brgy. Calumpang Community Garden, Molo, Iloilo City ngayong Miyerkules, Hunyo 21. Layunin ng proyekto na mapataas ang kapasidad at mapanatili ang agrikultural na aktibidad sa… Continue reading HAPAG sa Barangay Project inilunsad sa Western Visayas

MIMAROPA at Western Visayas, makararanas na ng mga pag-ulan simula bukas -PAGASA

Asahan na ang mga pag- ulan simula bukas sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas dala ng bagyong #BettyPH at habagat. Ayon sa PAGASA, magtutuloy-tuloy ang mga pag-ulan na makakaapekto na sa Western portions ng CALABARZON at maging sa Western portions ng Central at Southern Luzon sa araw ng Miyerkules. Base sa huling ulat… Continue reading MIMAROPA at Western Visayas, makararanas na ng mga pag-ulan simula bukas -PAGASA

DOT-6, positibong maaabot ang 4.5-M na target tourist arrival ngayong taon

Positibo ang Department of Tourism Region VI na maabot ang target na 4.5-M tourist arrival ngayong 2023. Halos dumoble ito mula sa 2.3 million na target tourist arrival ng rehiyon noong 2022. Ayon kay DOT Regional Director Crisanta Marlene Rodriguez, unti-unti nang bumabalik ang dating sigla ng turismo sa Western Visayas mula sa naging epekto… Continue reading DOT-6, positibong maaabot ang 4.5-M na target tourist arrival ngayong taon