National Crime Prevention Program ng Pangulong Marcos Jr., puspusang ipinatutupad ng PNP

Puspusang ipinatutupad ng PNP ang 2023 National Crime Prevention Program na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Mayo 2 sa pamamagitan ng Executive Order 19. Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na alinsunod sa plano, tinututukan ng PNP sa ngayon ang “Crime Prevention”. Ito’y sa pamamagitan ng pag-alis… Continue reading National Crime Prevention Program ng Pangulong Marcos Jr., puspusang ipinatutupad ng PNP

Rehabilitasyon sa nasunog na National Post Office building, dapat gawing mabilis

Umapela si Deputy Speaker Ralph Recto na maging maagap ang pamahalaan sa rehabilitasyon at restoration ng nasunog na National Post Office Building. Aniya, sakaling kumatok ang post office sa pintuan ng Malacañang ay paglaanan ito ng pondo para sa pagsasaayos ng naturang historical landmark. Maaari aniya i-tap ang ₱13 billion contingent fund. Maaari din aniya… Continue reading Rehabilitasyon sa nasunog na National Post Office building, dapat gawing mabilis

PNP Chief, dumistansya sa pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na pinahirapan ito at binantaan para umamin sa krimen

Tumanggi munang magbigay ng kaniyang komento si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. Ito ay kasunod ng pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na si Osmundo Rivero, na pinahirapan siya ng mga pulis at pinagbantaan pa ito para umamin sa krimen. Sa ambush interview kay Acorda sa… Continue reading PNP Chief, dumistansya sa pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na pinahirapan ito at binantaan para umamin sa krimen

2,400 kilometers bike lane, target ng Department of Transportation sa taong 2028

Patuloy na isusulong ng Department of Transportation (DOTr) na mapalawak ang Active Transport Program, upang mapalakas ang sustainable mobility options ng publiko sa gitna ng pandemya. Ayon sa DOTr, target nito na maitatag ang mahigit 2,400 kilometers na protected bicycle lanes sa taong 2028. Mahalagang hakbang anila ito tungo sa mas ligtas at accessible na… Continue reading 2,400 kilometers bike lane, target ng Department of Transportation sa taong 2028

Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., nanumpa na bilang Senior Deputy Speaker

Nanumpa na ngayong araw bilang bagong Senior Deputy Speaker ng Kamara si Pampanga 3rd District Representative Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr. Sa sesyon ngayong hapon, magkasabay na dumating sa plenaryo si House Speaker Martin Romualdez at Gonzales. Magkasama rin ang dalawa na lumapit at nagmano kay Pampanga 2nd district Representative at Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.… Continue reading Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., nanumpa na bilang Senior Deputy Speaker

Nasunog na PhilIDs sa Manila Central Post Office, papalitan ng PSA

Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na lahat ng PhilIDs na naapektuhan ng sunog sa Manila Central Post Office ay kanilang papalitan. Sinabi ni Claire Dennis Map, Undersecretary ng National Statistician at Civil Registrar General, na wala silang sisingiling karagdagang gastos sa mga rehistradong indibidwal, kasunod ng mga protocol na itinakda ng PSA… Continue reading Nasunog na PhilIDs sa Manila Central Post Office, papalitan ng PSA

G7 support sa arbitral ruling, magpapalakas sa claim ng Pilipinas sa disputed islands ayon sa isang mambabatas

Pinuri ni Cagayan De Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang pinakahuling statement ng G7 o grupo ng mga mauunlad na bansa, sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration at pagsasawalang bisa sa maritime claims ng China sa South China Sea. Pinasalamatan ni Rodriguez ang G7 sa pangunguna ng Estados Unidos sa kanilang suporta.… Continue reading G7 support sa arbitral ruling, magpapalakas sa claim ng Pilipinas sa disputed islands ayon sa isang mambabatas

PNP, naghahanda na sa pagdaraos ng Barangay at SK Elections

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan sa nakatakdang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Redrico Maranan, naka-template naman ang latag ng kanilang seguridad sa tuwing may mga gampaning panghalalan tulad ng Barangay at SK. Sa ngayon, mahigpit na binabantayan… Continue reading PNP, naghahanda na sa pagdaraos ng Barangay at SK Elections

Government Arsenal sa Bataan, binisita ni Defense OIC Carlito Galvez Jr.

Binisita ngayong araw ni Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge, Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang Government Arsenal sa Lalawigan ng Bataan. Dito, tiningnan ng Defense Chief ang sitwasyon ng pangunahing pagawaan ng armas at bala ng pamahalaan gayundin ay kinumusta niya ang mga tauhan nito. Kasunod nito, pinapurihan ng Defense Chief ang mga tauhan… Continue reading Government Arsenal sa Bataan, binisita ni Defense OIC Carlito Galvez Jr.

DSWD Field Offices, inalerto na ni Sec. Gatchalian kaugnay sa paparating na bagyo

Inalerto na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga Field Office ng ahensya kaugnay sa pagpasok ng isang bagyo. Inatasan ng kalihim ang mga ito, na maglatag na ng karagdagang family food packs at iba pang relief supplies sa mga lugar na posibleng daanan ng sama ng panahon. Bilang… Continue reading DSWD Field Offices, inalerto na ni Sec. Gatchalian kaugnay sa paparating na bagyo