Ipinataw na suspensyon kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves, maaaring i-apela

Maaaring i-apela ang ipinataw na suspensyon ng Kamara kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. Ayon kay House Sec. General Reginald Velasco ang paghahain ng rekonsiderasyon ay isang pribilehiyo ng mambabatas. At sakaling may maghain ng apela ay ire-refer ito sa House Committee on Ethics na siyang may hurisdiksyon sa isyu. “..privilege yan ng kahit… Continue reading Ipinataw na suspensyon kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves, maaaring i-apela

Gabriela Party-list, may payo kay dating Sen. Ping Lacson hinggil sa komento nito sa ipinapanukalang Menstrual Leave

Dapat munang pakinggan ni dating Sen. Panfilo Lacson ang panig ng kababaihan bago husgahan ang ipinanukalang Menstrual Paid Leave. Ito ang apela ng Gabriela party-list sa dating senador matapos nitong sabihin na posibleng makasama kaysa sa makabuti ang isinusulong na panukala. Sa dami na kasi aniya ng leave para sa mga babae, ay posibleng magdulot… Continue reading Gabriela Party-list, may payo kay dating Sen. Ping Lacson hinggil sa komento nito sa ipinapanukalang Menstrual Leave

Pagtutol ng ilan sa malalaking business group, sapat nang dahilan para di ituloy ang Cha-Cha — isang mambabatas

Mas lalong hindi na dapat ituloy ang pagsusulong ng charter change matapos tutulan ng anim na malalaking business group ang panukalang amyenda sa 1987 Constitution. Ayon kay Albay 1st District Representative Edcel Lagman, kaisa niya sa paniniwala ang business groups na hindi napapanahon ang cha-cha sa gitna ng kinakaharap na problema ng bansa sa kahirapan,… Continue reading Pagtutol ng ilan sa malalaking business group, sapat nang dahilan para di ituloy ang Cha-Cha — isang mambabatas

Benepisyo sa pamilya ng pinaslang na Chief of Police ng San Miguel, Bulacan, tiniyak ng PNP

Tiniyak ni Police Regional Office (PRO) 3 Regional Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. na lahat ng kaukulang benepisyo ay matatanggap ng pamilya ni San Miguel, Bulacan Chief of Police Lieutenant Colonel Marlon Serna, na nasawi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Kasabay nito, inatasan ni Brig. Gen. Hidalgo si Bulacan Provincial Director Police Col.… Continue reading Benepisyo sa pamilya ng pinaslang na Chief of Police ng San Miguel, Bulacan, tiniyak ng PNP

Mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Salaknib Exercise, nagbigay ng dugo

Aktibong nakibahagi ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo na kalahok sa SALAKNIB Joint military exercise sa isang blood-letting activity sa Army Artillery Regiment (AAR) headquarters sa Fort Magsaysay Nueva Ecija. Ang blood-letting Drive na isinagawa ng Philippine Army at GMA Kapuso Foundation ay nakalikom ng 435 blood bags mula sa 687 na donors. Bukod sa… Continue reading Mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Salaknib Exercise, nagbigay ng dugo

Mga residente ng Pola, Oriental Mindoro na apektado ng oil spill, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Speaker’s Office

600 residente ng Pola, Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill ang naabutanng tulong pinansyal. Sa pamamagitan ng AICS payout na ikinasa ng Office of the House Speaker at Tingog Party-list katuwang ang DSWD ay napagkalooban sila ng tig-P3,000 na tulong. Kasabay nito, ay mayroong ding P500,000 na calamity fund na iniabot ang Speaker’s Office… Continue reading Mga residente ng Pola, Oriental Mindoro na apektado ng oil spill, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Speaker’s Office

Plebisito sa paghihiwalay ng Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan, naging generally peaceful

Pangkalahatan na naging mapayapa ang plebisito sa San Jose Del Monte, Bulacan na maghahati sa Brgy. Muzon bilang apat na mga independent barangay. Kinumpirma ni PLtCol. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose Del Monte Police Station, na walang naitalang anumang untoward incident sa kasagsagan ng plebisito. Mababatid na nasa 152 PNP personnel ang nakadeploy mula… Continue reading Plebisito sa paghihiwalay ng Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan, naging generally peaceful

Pabuya sa makakapagturo sa pumatay sa chief of police ng San Miguel, Bulacan, umabot na sa P1.2M

Nag-alok ng pabuya ang PNP, DILG, at si Bulacan Governor Daniel Fernando sa sinuman na makakapagturo sa suspect na pumatay kay PLtCol. Marlon Cerna, hepe ng San Miguel Municipal Police Station sa Bulacan.Nasa isang milyong piso ang alok ng PNP at DILG habang P200,000 ang pabuya mula kay Fernando. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga… Continue reading Pabuya sa makakapagturo sa pumatay sa chief of police ng San Miguel, Bulacan, umabot na sa P1.2M

Mga pamilyang naapaketuhan ng lindol sa Davao de Oro, napaabutan ng tulong

Higit 1,000 pamilya sa Davao de Oro ang napaabutan ng tulong pinansyal matapos maapektuhan ng magnitude 6 na lindol. Sa pamamagitan ng Office of the House Speaker at Tingog Party-list katuwang ang DSWD, 1,653 na pamilya mula Compostela, New Bataan, at Maragusan ang nabigyan ng P3,000 hanggang P5,000 na financial aid sa ilalim ng AICS… Continue reading Mga pamilyang naapaketuhan ng lindol sa Davao de Oro, napaabutan ng tulong

Mga programa para sa pangangalaga sa kalikasan, inilatag ng Quezon City LGU

Inilatag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga programa para sa pagkalinga sa kalikasan.Kabilang rito ang pagkakaroon ng 350km bike lanes na kanyang ipatutupad sa pagtatapos ng ikalawang termino. Bago naman pumatak ang 2030, sinabi ng alkalde na gagamit ng solar energy ang mga public structure gaya ng government buildings, public hospitals, at mga… Continue reading Mga programa para sa pangangalaga sa kalikasan, inilatag ng Quezon City LGU