P680K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Parañaque City

Nasabat ng mga awtoridad mula sa isang high-value individual ang aabot sa P680,000 o katumbas ng 100 gramo ng hinihinalang shabu matapos magsagawa ng buy-bust operation ang Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay San Isidro, Parañaque. Kinilala ang suspect bilang si Nasrudin Ayob Libas alias “Camsa”, 33 taong gulang. Sa operasyon… Continue reading P680K halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa Parañaque City

PNP top-level officials, sumailalim sa on-the-spot drug test sa Camp Crame

Sumailalim sa surprise drug test ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police. Sa ulat ng PNP-Public Information Office, mismong si PNP PGen. Benjamin Acorda Jr. ang nanguna sa on-the-spot drug test. Itinaon ito sa command conference na isinagawa sa multi-purpose hall sa Camp Crame noong Biyernes. Walumput siyam (89) na PNP top level… Continue reading PNP top-level officials, sumailalim sa on-the-spot drug test sa Camp Crame

Bilang ng bar examinees ngayong taon, umabot sa higit 10,400 ayon sa SC

Umabot sa 10,404 sa buong bansa ang bilang ng mga aspiring lawyer na kumuha ng pagsusulit para sa bar examinations ngayong taon ayon sa pinakahuling talang inilabas ng Supreme Court (SC) ngayong araw. Sa bilang na iyan, pinakamarami ang kumuha ng Bar sa San Beda University sa Maynila na umabot sa 1,614, na sinundan ng… Continue reading Bilang ng bar examinees ngayong taon, umabot sa higit 10,400 ayon sa SC

Abra solon, mariing kinondena ang pamamaslang sa human rights lawyer na si Atty. Alzate

Nagpaabot ng pakikiramay si Abra Rep. Ching Bernos sa mga naiwan ni Atty. Ma. Saniata Liwliwa Gonzales Alzate, ang human rights lawyer na pinagbabaril ng riding in tandem. Ayon kay Bernos, kaisa sila sa paghahanap ng hustisya para sa pinaslang na abogado. Kinondena rin ni Bernos ang paggamit ng dahas ng mga hindi pa kilalang… Continue reading Abra solon, mariing kinondena ang pamamaslang sa human rights lawyer na si Atty. Alzate

Sitwasyon sa UST kaugnay ng 2023 Bar Examinations ngayong araw, maayos at payapa

Nanatiling maayos at payapa ang pagsasagawa ng 2023 Bar Examinations dito sa University of Sto. Tomas sa España, Maynila. Bahagi ng naging pagsusulit kaninang umaga ng mga Barista ang Political and Public International Law. Mamayang hapon, ayon sa Korte Suprema, sesentro naman sa Commercial and Taxation Laws ang magiging pagsusulit ng aspiring lawyers na magsisimula… Continue reading Sitwasyon sa UST kaugnay ng 2023 Bar Examinations ngayong araw, maayos at payapa

DILG, ikinatuwa ang pagsuporta ng LGUs sa inilunsad na Barangay at Kalinisan Day (BarKaDa)

Malugod na pinasalamatan ni DILG Secretary Benhur Abalos ang local government units (LGUs) na nakibahagi sa inilunsad na cleanup drive program kahapon. Sa isinagawang Barangay at Kalinisan Day (BarKaDa)sa Metro Manila, sabay-sabay na nilinis ng mga volunteer at kawani ng gobyerno ang 10 estero sa lungsod ng Maynila, ilang sapa sa Quezon City, Las Piñas,… Continue reading DILG, ikinatuwa ang pagsuporta ng LGUs sa inilunsad na Barangay at Kalinisan Day (BarKaDa)

Sako-sakong basura, nakuha sa isinagawang scubasurero at coastal clean-up sa La Union

Sako-sakong basura ang nakuha ng Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLZN) sa isinagawang Coastal Clean-up at Scubasurero sa Brgy. San Agustin at Thunderbird Resort coastal area, San Fernando City, La Union. Ang aktibidad ay bilang pagdiriwang sa Ocean Conservancy’s International Coastal Clean-up (ICC); National Maritime Week 2023; Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo… Continue reading Sako-sakong basura, nakuha sa isinagawang scubasurero at coastal clean-up sa La Union

159th Malasakit Center, at Pang-pito sa Caraga Region, binuksan sa Bislig City

Sa layuning mapabilis at madaling makakuha ng medical assistance ang publiko lalo na sa mga nasa mahirap na antas ng pamumuhay, binuksan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang 159th Malasakit Center sa Bislig District Hospital sa Bislig City, Surigao del Sur. Si Senator Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography ang siyang nagpasimuno… Continue reading 159th Malasakit Center, at Pang-pito sa Caraga Region, binuksan sa Bislig City

Bar Exams sa UP Diliman, nananatiling tahimik at maayos mula nang pasimulan kaninang umaga

Nananatiling tahimik at maayos ang unang araw ng 2023 Bar Examinations sa University of the Philippines (UP) ngayong umaga. Mula nang magsimula ang pagsusulit kanina, nananatili pa ring nakaantabay at nakaalalay sa paligid ng testing centers ang mga tauhan ng QC Department of Public Order and Safety. Nag-deploy ito ng 15 e-trikes na nagsisilbing shuttle… Continue reading Bar Exams sa UP Diliman, nananatiling tahimik at maayos mula nang pasimulan kaninang umaga

House leader, pinarerepaso ang prangkisa ng power companies at electric cooperatives

Panahon na para repasuhin ng Kongreso ang prangkisa na iginawad sa mga power company kasama ang electric cooperatives. Ito ang inihayag ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo bunsod aniya ng palagiang brownout sa buong bansa. Sa isang social media post, idiniin nitong dapat nang rebyuhin ng Kamara at Senado ang… Continue reading House leader, pinarerepaso ang prangkisa ng power companies at electric cooperatives