Pasig City LGU, namahagi ng firetrucks sa mga Barangay sa lungsod

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang seremoniya ng pamamahagi ng mga firetruck para sa kanilang mga barangay. Ito’y para maging kaagapay ng mga Komunidad sa lungsod sa panahon ng sakuna tulad ng sunog gayundin sa iba pang mga programa. Kabilang sa mga dumalo sina Pasig City Representative Roman Romulo, Vice Mayor Dudot Jaworski,… Continue reading Pasig City LGU, namahagi ng firetrucks sa mga Barangay sa lungsod

Pagpapatupad ng mga polisiya, programa, proyekto na may kinalaman sa pagpapalago ng imprastraktura, isinusulong ng NEDA

Naglatag ng kanilang rekomendasyon ang National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito’y para sa pagpapatupad ng mga polisiya, programa, at proyekto na may kinalaman sa pagpapalago ng imprastraktura. Inihayag ito ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan nang pulungin nito bilang chairperson ang Infrastructure Committe o INFRACOM kahapon. Dito, tinalakay ang… Continue reading Pagpapatupad ng mga polisiya, programa, proyekto na may kinalaman sa pagpapalago ng imprastraktura, isinusulong ng NEDA

Pagsusuplay ng murang bigas para sa mga rice retailer sa Marikina City, pinag-aaralan ng LGU

Pinag-aaralan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang direktang pagbili ng mga bigas na siyang ibebenta naman ng mga rice retailer sa kanilang lungsod. Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ito ay bilang isa sa mga hakbang kung paano sila makatutulong sa mga rice retailer upang makasunod pa rin sa Executive Order no. 39 o… Continue reading Pagsusuplay ng murang bigas para sa mga rice retailer sa Marikina City, pinag-aaralan ng LGU

Joint patrols ng AFP at US military sa WPS, magpapatuloy

Magpapatuloy ang joint patrols ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US military sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang inihayag ni US Indo-Pacific Commander John Aquilino sa pulong balitaan pagkatapos ng isinagawang taunang Mutual Defense Board – Security Engagement Board Meeting ng AFP at US military kahapon sa Camp Aguinaldo. Ayon kay Aquilino,… Continue reading Joint patrols ng AFP at US military sa WPS, magpapatuloy

Mga online scam, nanguna sa top 10 cybercrimes na iniulat sa taong ito

Number one ang Online Scams sa top 10 cybercrimes na naitala ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) mula Enero hanggang Agosto sa taong ito. Ayon kay PNP-ACG Director Police Brigadier General Sydney Sultan Hernia, ito ay sinundan ng Illegal Access, Computer Related Identity Theft, ATM/Credit Card Fraud, Threats, Data Interference, Anti-photo and Video Voyeurism, Computer… Continue reading Mga online scam, nanguna sa top 10 cybercrimes na iniulat sa taong ito

DPWH, dapat maging proactive sa pagtitiyak na matibay at ligtas ang mga public infra sa bansa — Sen. Bong Revilla

Nais ni Senate Committee on Public Works Chairperson Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na ipatawag at pagpaliwanagin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa kahandaan ng Pilipinas sa posibilidad ng pagtama ng malakas na lindol sa bansa, lalo na ang pinangangambahan na ‘the big one’ sa Metro Manila. Ito ay kasunod ng… Continue reading DPWH, dapat maging proactive sa pagtitiyak na matibay at ligtas ang mga public infra sa bansa — Sen. Bong Revilla

DBM, tiniyak na hindi nalabag ang appropriations power ng Kamara kaugnay ng P125-M na pondong inilabas para sa OVP

Kinumpirma ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na nagpadala ng liham si DBM Sec. Amenah Pangandaman upang ipaliwanag ang naging paglalabas ng nasa P125 milyong pondo sa Office of the Vice President noong 2022. Ayon kay Co, sa naturang sulat ay nilinaw ng kalihim na hindi nalabag ang power of the purse ng Kongreso sa… Continue reading DBM, tiniyak na hindi nalabag ang appropriations power ng Kamara kaugnay ng P125-M na pondong inilabas para sa OVP

Mga rice retailer sa lungsod ng Valenzuela, bibigyan ng 3 buwang ayuda sa renta ng LGU

Tatlong buwang ayuda sa renta ang handog ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela para sa mga maliliit na rice retailer sa lungsod. Ito ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa isinagawang payout ngayong araw. Bukod pa ito sa natanggap na P15,000 na ayuda ng mga rice retailer mula sa Department of Social Welfare… Continue reading Mga rice retailer sa lungsod ng Valenzuela, bibigyan ng 3 buwang ayuda sa renta ng LGU

Mahigit P1.2-M halaga ng cash assistance, ipinamamahagi sa rice retailers sa Masbate na apektado ng EO 39

Umabot sa P1,245,000 ang kabuuang halaga ng ipinamamahaging rice subsidy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V, para sa 83 micro rice retailers sa lalawigan ng Masbate na apektado ng ipinatupad na Executive Order no. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Social Marketing Officer… Continue reading Mahigit P1.2-M halaga ng cash assistance, ipinamamahagi sa rice retailers sa Masbate na apektado ng EO 39

Rice retailers sa Catanduanes, nakatanggap na ng ayuda

Nagsimula nang makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ang unang batch ng rice retailers sa Catanduanes na tumatalima sa inilabas na Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Isinagawa ang payout ngayong hapon, Setyembre 14 sa Virac Plaza Rizal, sa pangunguna ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)… Continue reading Rice retailers sa Catanduanes, nakatanggap na ng ayuda