QC LGU, tiniyak ang tulong sa kaanak ng mga nasawi sa sunog sa Tandang Sora

Nagpaabot ng pakikiramay ang Quezon City government sa pamilya at kaanak ng mga biktima ng sunog sa isang residential area sa Barangay Tandang Sora kaninang umaga. Sa isang pahayag, sinabi ng LGU na nakikipag-ugnayan na ang Social Services Development Department (SSDD) sa kamag-anak ng mga nasawi para mabigyan ng karampatang tulong. Handa rin aniya ang… Continue reading QC LGU, tiniyak ang tulong sa kaanak ng mga nasawi sa sunog sa Tandang Sora

Ilang LGU at ahensya ng gobyerno, pinarangalan sa Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2023 ng Komisyon sa Wikang Filipino

Ginawaran sa Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2023 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang ilang lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno. Ilan sa nakatanggap ng prestihiyosong Antas 1 ang Kagawaran ng Agrikultura (DA); Kagawaran ng Agham at Teknolohiya – Sanggunian ng Pilipinas para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad ng Industriya, Enerhiya at Bagong… Continue reading Ilang LGU at ahensya ng gobyerno, pinarangalan sa Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2023 ng Komisyon sa Wikang Filipino

Lebel ng tubig sa Laguna Lake, mahigpit na binabantayan dahil sa mga nararanasang pag-ulan

Mahigpit na binabantayan ng Laguna Lake Development Authority o LLDA ang lebel ng tubig sa Lawa ng Laguna o mas kilala bilang Laguna de Bay. Ito’y ayon sa LLDA ay kasunod na rin ng inaasahang mga pag-ulan partikular na sa Metro Manila at Rizal dulot ng hanging habagat na pinaigting ng nakalabas nang bagyong Goring.… Continue reading Lebel ng tubig sa Laguna Lake, mahigpit na binabantayan dahil sa mga nararanasang pag-ulan

2 sasakyan, nalubog sa baha sa tabi ng Marikina River

Tuluyang nalubog sa baha ang 2 sasakyan na naabutang nakarapada sa bahagi ng Marikina Riverpark. Ito’y makaraang umapaw ang tubig sa Ilog Marikina mula pa kaninang umaga matapos ang magdamag na pag-ulan. Kaya naman nanlulumo ang isa sa mga may-ari ng sasakyang nalubog dahil hindi niya naagapang alisin ang kaniyang sasakyan sa kabila ng abiso… Continue reading 2 sasakyan, nalubog sa baha sa tabi ng Marikina River

Ikinakasang imbestigasyong ng Senado sa viral road rage sa QC, suportado ng LTO

Welcome kay Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang nakatakdang pagdinig ng Senado hinggil sa viral road rage incident na kinasasangkutan ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales at isang siklista sa Quezon City. Sa isang pahayag, sinabi ng LTO Chief na tama lang na talakayin na ang naturang road rage… Continue reading Ikinakasang imbestigasyong ng Senado sa viral road rage sa QC, suportado ng LTO

DOJ, iginiit na patuloy ang implementasyon ng mga kasalukuyang immigration procedures

Sa kabila nang pag-anunsyo ng Department of Justice ng suspensyon ng ‘revised guidelines for departure formalities’ ay binigyang diin nito na mayroon pa ring mga batas na dapat iimplementa. Ayon sa DOJ, patuloy pa ring ipatutupad ang ‘existing immmigration procedure’ at mga kasalukuyang batas at regulasyon para sa mga aalis ng bansa. Matatandaang pansamantalang sinuspinde… Continue reading DOJ, iginiit na patuloy ang implementasyon ng mga kasalukuyang immigration procedures

AFP, nagpasalamat sa Commission on Appointments sa pagkumpirma ng 30 matataas na opisyal

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Commission on Appointments sa pagkumpirma ng interim appointment at nominasyon ng 30 matataas na opisyal ng militar. Ang mga nakumpirma kahapon ay pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. Kabilang din sa mga nakapasa sa Commission on Appointments ang isang koronel, 25 commodore… Continue reading AFP, nagpasalamat sa Commission on Appointments sa pagkumpirma ng 30 matataas na opisyal

Pacific Partnership HADR Exercise, matagumpay na nagtapos

Matagumpay na nagtapos ang Pacific Partnership 2023, ang pinakamalaking Humanitarian and Disaster Relief (HADR) Exercise ng Estados Unidos, kasama ang kanyang mga kaalyado na isinagawa sa San Fernando, La Union. Si Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lieutenant General Fernyl Buca ang kumatawan kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner,… Continue reading Pacific Partnership HADR Exercise, matagumpay na nagtapos

PAF, tutulong sa DSWD sa paghahatid ng food packs sa Bacolod

Nakaagapay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Philippine Air Force (PAF) sa Central Visayas para agad na maihatid ang food packs sa mga binahang lugar sa Negros Occidental. Ayon sa DSWD, sa tulong ng PAF choppers, nasa kabuuang 20,000 family food packs (FFPs) mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu… Continue reading PAF, tutulong sa DSWD sa paghahatid ng food packs sa Bacolod

Firearms at communications training, isinagawa ng PH-AU army sa Carabaroo Exercise 2023

Nagpapatuloy ang sabayang pagsasanay ng Philippine Army at Royal Australian Army sa Darwin, Northern Territories, Australia bilang bahagi ng Carabaroo 2023 Exercise. Sa pagsasanay kahapon, nagtatag ang 1st Field Signal Company ng Philippine Army Signal Regiment ng Very High Frequency (VHF) at Ultra High Frequency (UHF) Communications gamit ang Combat Net Radio System (CNRS) para… Continue reading Firearms at communications training, isinagawa ng PH-AU army sa Carabaroo Exercise 2023