Ad interim appointment ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., aprubado na ng Commission on Appointments

Lusot na sa Commission on Appointments (CA) ang pagiging full pledged four-star general ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. Unanimous ang boto ng mga mambabatas na miyembro ng CA sa pagkumpirma kay Brawner. Sa naging committee hearing, kabilang sa mga natanong kay Brawner ang panig nito sa panukalang amyenda sa pension system… Continue reading Ad interim appointment ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., aprubado na ng Commission on Appointments

Mindanao solon, muling humirit para sa pagrepaso ng prangkisa ng Cebu Pacific

Muling kinalampag ni Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang mga kasamahang mambabatas para dinggin ang resolusyong kaniyang inihain na nananawagan sa suspension ng legislative franchise ng Cebu Pacific. Ayon kay Rodriguez marami pa rin siyang natatanggap na reklamo kaugnay sa serbisyo ng airline carrier—ang iba mula mismo sa mga opisyal ng… Continue reading Mindanao solon, muling humirit para sa pagrepaso ng prangkisa ng Cebu Pacific

Mga reporma na ipinatupad ng liderato ng DepEd sa ahensya, pinuri ng mga mambabatas

Pinuri ng dalawang lady solon ang liderato ng Department of Education (DepEd0 sa mga ipinatupad nitong reporma sa kagawaran. Una dito, tinuran ni Appropriations Vice Chair Janette Garin ang mabilis na pagtalima ng DepEd sa rekomendasyon ng Commission on Audit (COA). Sa 205 audit recommendation ng COA, 114 na ang kanilang naayos, at may 91… Continue reading Mga reporma na ipinatupad ng liderato ng DepEd sa ahensya, pinuri ng mga mambabatas

Anakalusugan Party-list, pinuri ang pagsasabatas ng Regional Specialty Centers Act

Pinuri ni Anakalusugan Party-list Representative Rey Reyes ang pagsasabatas ng Republic Act 11959 o ang “Regional Specialry Centers Act,” na naglalayong magtatag ng mga specialty centera sa lahat ng  rehiyon sa bansa. Sa panayam kay Reyes, sinabi nito na indikasyon lamang ito na prayoridad ng administrasyon na magkaroon ng accessible at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para… Continue reading Anakalusugan Party-list, pinuri ang pagsasabatas ng Regional Specialty Centers Act

Office of the Vice President, nagpasalamat sa mabilis na pagkakapasa ng kanilang budget para sa susunod na taon

Nagpasalamat ang Office of the Vice President (OVP) sa mga miyembro ng Appropriations Committee ng House of Representatives sa patuloy na pagsuporta sa mga programa nito. Ito ay matapos na mabilis na lumusot sa komite ang OVP budget sa isinagawang budget deliberations na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte, ngayong araw. Sa isang mensahe, sinabi… Continue reading Office of the Vice President, nagpasalamat sa mabilis na pagkakapasa ng kanilang budget para sa susunod na taon

Information campaign ng ibang mga ahensya ng gobyerno, itinutulak na unahing ipalabas sa government media stations

Hiniling ng Presidential Communications Office (PCO) sa Kamara na magkaroon ng special o general provisions sa 2024 General Appropriations Bill na mag-aatas sa mga ahensya ng pamahalaan na ipalabas ang kanilang information, education at communication campaign sa government media stations. Sa pagtalakay sa P1.7 billion budget ng PCO, sinabi ni Communications Sec. Cheloy Velicaria-Garafil na… Continue reading Information campaign ng ibang mga ahensya ng gobyerno, itinutulak na unahing ipalabas sa government media stations

Pitong kalsada, sarado pa rin sa mga motorista matapos masira dahil sa bagyong Goring

Nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang pitong kalsada sa Region 1, Cordillera Administrative Region, Region 2 at Region 6 dahil sa epekto ng bagyong Goring. Sa report na nakarating kay Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan, may mga kalsada na lubog sa baha, may mga landslide, nagbagsakan na mga bato at… Continue reading Pitong kalsada, sarado pa rin sa mga motorista matapos masira dahil sa bagyong Goring

Pagbabanta ng baril laban sa riders, pinaiimbestigahan ng 1-Rider Party-list sa kongreso

Pinaiimbestigahan nina 1-Rider Party-list Representatives Rodge Gutierrez at Bonifacio Bosita ang mga insidente ng pagbabanta ng baril laban sa mga naka-2 wheels, partikular na iyong piskal at dating pulis na bumunot ng mga baril laban sa isang rider at siklista. Ayon kay Rep. Gutierrez, hindi ito ‘isolated incident’ at hindi ito dapat palagpasin Ayon sa… Continue reading Pagbabanta ng baril laban sa riders, pinaiimbestigahan ng 1-Rider Party-list sa kongreso

Pondo para sa regional specialty hospitals, tiniyak ni Speaker Romualdez

Siniguro ni Speaker Martin Romualdez na hahanapan ng Kamara ng pondo ang specialty centers na itatatag sa mga regional hospital, upang mailapit sa mga Pilipino. Ito ay matapos lagdaan bilang ganap na batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 11959 o Regional Specialty Centers Act. Ani Romualdez, maaaring hindi na naisama ng… Continue reading Pondo para sa regional specialty hospitals, tiniyak ni Speaker Romualdez

DSWD Sec. Gatchalian, iniutos ang pagpapadala ng 55,000 relief packs sa Western Visayas

Dahil sa malawakang pagbaha na nakakaapekto ngayon sa Western Visayas Region, iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang agarang pagpapadala ng 55,000 family food packs (FFPs) sa iba’t ibang warehouses sa Region 6. Partikular na inatasan ng kalihim ang Disaster Response and Management Group (DRMG) na agad tapusin ang… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, iniutos ang pagpapadala ng 55,000 relief packs sa Western Visayas