32,000 pulis, dineploy ng PNP para sa pagbubukas ng klase

Mahigit 32,000 pulis ang dineploy ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw sa pagbubukas ng klase para masiguro ang seguridad sa mga paaralan. Ayon kay PNP Chief Police General Acorda Jr., mayroon inilatag na 6,159 Police Assistance Desks sa mga stratehikong lugar sa bansa na handang tumugon sa pangangailangan ng mga estudyante, magulang, at mga… Continue reading 32,000 pulis, dineploy ng PNP para sa pagbubukas ng klase

Mga nagbalik eskwelang mag-aaral sa Rizal High School, Pasig City, dumagsa na

Dagsa ang mga mag-aaral sa Rizal High School sa Pasig City ngayong unang araw ng klase sa mga pampublikong paaralan. Ayon kay Rizal High School Principal Richard Santos, nasa mahigit 12,000 ang kabuuang bilang ng kanilang enrollees at inaasahan pa aniyang madaragdagan ito dahil sa mga late enrollees. Pero sa kabila nito, iginiit ni Principal… Continue reading Mga nagbalik eskwelang mag-aaral sa Rizal High School, Pasig City, dumagsa na

VP Sara at AFP chief, pinangunahan ang pagpaparangal sa natatanging tauhan ng AFP

Pinangunahan nina Vice President Sara Duterte at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagpaparangal sa mga natatanging tauhan ng AFP. Ito’y sa “Tribute to Soldiers” awarding ceremony sa pagtatguyod ng Manila Times, na isinagawa sa Manila Hotel kahapon kasabay ng paggunita ng National Heroes Day. Kabilang sa… Continue reading VP Sara at AFP chief, pinangunahan ang pagpaparangal sa natatanging tauhan ng AFP

BIR, nahigitan ang target na koleksyon sa buwis para sa buwan ng Hulyo

Muling nalampasan ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang target nitong koleksyon ng buwis para sa buwan ng Hulyo. Ayon sa BIR, umabot sa P273.134 bilyon ang tax collection nitong Hulyo na mas mataas ng 5.09% sa target para sa naturang buwan. Mas mataas rin ito ng 38% kung ikukumpara sa koleksyon noong Hulyo… Continue reading BIR, nahigitan ang target na koleksyon sa buwis para sa buwan ng Hulyo

MIAA, naglabas ng 8 flight cancellation sa ilang domestic flights ngayong araw

Naglabas ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng flight cancellation sa ilang domestic flights sa bansa dahil sa naitatalang sama ng panahon sa magiging destinasyon nito. As of 7:30 kaninang umaga kaselado ang apat na flights ng PAL Express. Ito ang mga flights na:2P 2905/2906 Manila-Antique-Manila2P 2932/2933 Manila-Basco-Manila Sa Cebu Pacific kanselaso ang… Continue reading MIAA, naglabas ng 8 flight cancellation sa ilang domestic flights ngayong araw

Malabon Mayor Sandoval, nanguna sa pagbubukas ng klase sa ilang eskwelahan sa lungsod

Maagang nag-ikot sa ilang paaralan si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval upang silipin ang sitwasyon sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante ngayong araw. Unang nagtungo ang alkalde sa Malabon National High School na may 3,666 na enrollees ngayon taon, pinakamarami sa buong lungsod. Sunod itong bumisita sa Malabon Elementary School na may 3,800 estudyanteng enrolled ngayong… Continue reading Malabon Mayor Sandoval, nanguna sa pagbubukas ng klase sa ilang eskwelahan sa lungsod

Mga estudyante sa Makati City Science High School sa Brgy. Cembo, patuloy ang pagdagsa ng mga estudyante ngayong unang araw ng pasukan

Patuloy ang pagdagsa ng mga mga mag-aaral sa Makati City Science High School ngayong umaga kung saan ito ang unang araw ng balik-eskwela ng mga estudyante ngayong araw. Sa ngayon ay maayos ang pagpapatupad ng daloy ng trapiko at ang maganda pa rito, bagamat ang naturang paaralan ay bahagi na ng Lungsod ng Taguig ay… Continue reading Mga estudyante sa Makati City Science High School sa Brgy. Cembo, patuloy ang pagdagsa ng mga estudyante ngayong unang araw ng pasukan

4th Infantry Division, buong suporta sa PNP at COMELEC sa pagpapatupad ng checkpoint ops

Tiniyak ni Philippine Army 4th Infantry “Diamond” Division Commander MAJ. General Jose Maria R. Cuerpo II ang kanilang buong suporta sa checkpoint operations ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre. Sinamahan ni MGen. Cuerpo si Police Regional Office (PRO) 10 Regional Director… Continue reading 4th Infantry Division, buong suporta sa PNP at COMELEC sa pagpapatupad ng checkpoint ops

Blended learning, patuloy na ipinatutupad sa Batasan Hills Nat’l High School

Hindi pa rin umiiral ang 100% face-to-face classes sa Batasan Hills National High School ngayong pasukan. Paliwanag ni School Principal Dr. Eladio Escolano, nananatili ang blended learning set-up sa ilan nilang mga estudyante dahil sa hamon pa rin ang kakulangan ng classroom sa naturang eskwelahan. Patuloy rin kasi aniyang lumulobo ang enrollment sa Batasan Hills… Continue reading Blended learning, patuloy na ipinatutupad sa Batasan Hills Nat’l High School

Japan, nagpahayag ng suporta sa layunin ng Pilipinas na makamit ang ‘upper middle income status’

Mainit na tinanggap ng bansang Japan ang bumibisitang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ni Finance Secretary Benjamin Diokno. Winelcome ni Japan Prime Minister Kishida Fumio ang gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa Japan – Philippines High Level Joint on Infrastructure Development and Economic Cooperation. Ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Japan, inihayag… Continue reading Japan, nagpahayag ng suporta sa layunin ng Pilipinas na makamit ang ‘upper middle income status’