Panibagong taas sa presyo ng sibuyas, ikinaalarma ni Speaker Romualdez

Muling ipinatawag ni House Speaker Martin Romualdez ang Bureau of Plant Industry matapos makapagtala ng paggalaw sa presyo ng sibuyas sa merkado. Ani Romualdez, tila nagsisimula na namang maging aktibo ang mga hoarder at price manipulator ng sibuyas. Batay aniya sa monitoring ng House Committee on Agriculture and Food nasa P90 hanggang P180 kada kilo… Continue reading Panibagong taas sa presyo ng sibuyas, ikinaalarma ni Speaker Romualdez

23 Dating mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Umabot sa 23 dating mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), na kilala rin sa tawag na Former Violent Extremists (FVEs) sa lalawigan ng Basilan, ang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Ayon sa pahayag ng 101st Infantry Brigade ng Philippine Army, ang 23 mga resipyente ay unang batch ng Enhanced Comprehensive Local integration Program… Continue reading 23 Dating mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na walang anumang kasunduan ang Pilipinas at China, kaugnay sa pag-aalis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Pahayag ito ng pangulo kasunod ng claim ng China na umano’y nangako ang Pilipinas sa kanilang bansa na aalisin ang sumadsad na barko ng Pilipinas doon. Ayon kay Pangulong Marcos Jr., sakaliman na mayroon ngang ganitong ipinangako ang sinumang opisyal ng anumang nakalipas na administrasyon, ngayon pa lamang pinapa-walang bisa na niya ito. “I’m not… Continue reading Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na walang anumang kasunduan ang Pilipinas at China, kaugnay sa pag-aalis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Las Piñas LGU, magsasagawa ng Community Job Fair sa Biyernes

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ng isang Community Job Fair sa darating na Biyernes, August 11 na gaganapin sa TS Cruz Covered Court sa Barangay Almanza Dos. Ang nasabing job fair ay magsisimula mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Aabot sa kabuuang 365 na bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga… Continue reading Las Piñas LGU, magsasagawa ng Community Job Fair sa Biyernes

Mga senador, suportado ang pagsuspinde ng reclamation sa Manila Bay

INFRA PROJECT. A new commercial center will rise at the Pasay City reclamation area as construction works continue on Monday (April 24, 2023). Various groups, however, are concerned about the ill effects of such projects on the environment, like flooding, destruction of mangrove forests and displacement of fishing communities. (PNA photo by Avito Dalan)

Ikinatuwa at suportado ng mga senador ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspendihin ang reclamation sa Manila Bay. Ayon kay Senador Cynthia Villar, isa itong magandang balita sa mga nangangamba sa malawakang pagbaha na maidudulot sa Metro Manila ng reklamasyon. Una nang nagpahayag ng pagtutol si Villar sa reclamation, dahil sa pangambang… Continue reading Mga senador, suportado ang pagsuspinde ng reclamation sa Manila Bay

Mga LGU, hinimok ng DILG na maglagay ng VAW Desks sa mga barangay

Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa provincial, cities at municipalities na tiyakin na magkaroon ng Violence Against Women (VAW) Desk sa bawat barangay. Nilalayon nito na magkaroon ng epektibong pagtugon sa mga kaso ng Violence Against Women sa   grassroots level. Sinabi ni Abalos, kailangang magbigay ng… Continue reading Mga LGU, hinimok ng DILG na maglagay ng VAW Desks sa mga barangay

3 miyembro ng NPA sa Masbate, sumuko sa awtoridad

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang tatlong (3) miyembro ng New People’s Army (NPA) nitong hapon ng Agosto 8, sa Cataingan, Masbate. Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Regional Office 5, ang mga sumuko na ito ay dating kaanib ng ‘NPA in the Barrio’ sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson o mas kilala… Continue reading 3 miyembro ng NPA sa Masbate, sumuko sa awtoridad

Kampanya vs Child Labor, palalakasin pa ng DOLE

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kanila pang paiigtingin ang mga hakbang ng pamahalaan upang masawata ang Child Labor sa bansa. Ito ang inihayag ng DOLE makaraang aprubahan ng National Council Against Child Labor (NCACL) sa pamumuno ng DOLE ang Philippine Program Against Child Labor Strategic Framework. Batay sa inilabas na datos… Continue reading Kampanya vs Child Labor, palalakasin pa ng DOLE

Nangyaring pagbaha sa bahagi ng NLEX, iimbestigahan na rin ng Senado

Bubusisiin na rin ng Senado ang naranasang matinding pagbaha sa North Luzon Expressway (NLEX) sa may bahagi ng San Simon, Pampanga. Sa inihaing Senate Resolution 725 ni Senador Grace Poe, ipinaaalam ng senador kung ang pagbaha ay dahil sa bagyong Egay at habagat. Layunin ng imbestigasyon na maiwasan ang kaparehong insidente sa mga susunod na… Continue reading Nangyaring pagbaha sa bahagi ng NLEX, iimbestigahan na rin ng Senado

Sugatang Serpent Eagle na nasagip sa Zamboanga del Sur, dinala na sa Regional Wildlife Rescue Center ng DENR-9

Dinala na sa Regional Wildlife Rescue Center ng Department of Environment and Natural Resources Region-9 (DENR-9) sa bayan ng Tukuran ang isang sugatang serpent eagle na nasagip ng isang residente sa bayan ng Guipos sa lalawigan ng Zamboanga del Sur. Ayon kay Rosevirico Tan, tagapagsalita ng DENR-9, ang naturang agila ay nasagip kamakailan lamang sa… Continue reading Sugatang Serpent Eagle na nasagip sa Zamboanga del Sur, dinala na sa Regional Wildlife Rescue Center ng DENR-9