Pagkamalikhain ng student artists sa Isabela City, Basilan, tampok sa panibagong tourist attraction ng lungsod na ‘Escalera de Paz’

Tampok ang makukulay na murals na gawa ng mag mag-aaral ng Claret College of Isabela na grupong “L’Artiste Claret” sa panibagong tourist attraction at selfie spot ng lungsod sa probinsya ng Basilan na tinaguriang “Eskalera de Paz y Amor”. Pinasalamatan ni Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga mag-aaral na nag-volunteer para pagandahin at… Continue reading Pagkamalikhain ng student artists sa Isabela City, Basilan, tampok sa panibagong tourist attraction ng lungsod na ‘Escalera de Paz’

Dalawa, patay; Dalawang iba pa, sugatan sa pagsabog sa Basilan

Patay ang dalawang miyembro ng Civilian Armed Forces Geo¬≠graphical Unit (CAFGU) habang sugatan naman ang isa pa nilang kasama at isang sibilyan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa Sumisip, Basilan kaninang alas 12:30 ng hapon. Batay sa inisyal na ulat mula sa Provincial Information Office ng Basilan, nagsasagawa ng military law enforcement operation… Continue reading Dalawa, patay; Dalawang iba pa, sugatan sa pagsabog sa Basilan

Isang barangay kagawad at CAFGU, patay sa pamamaril sa Lamitan City, Basilan

Patay ang isang barangay kagawad at ang suspek sa pamamaril na isang kasapi ng CAFGU sa Barangay Luksumbang, Lamitan sa probinsya ng Basilan kaninang hapon. Dead on the spot ang reelectionist kagawad na kinilala bilang si Antataha Nadjuwal matapos siyang barilin ng isang CAFGU member na kinilala bilang si Euiliano Costodio Enrique na nasawi din… Continue reading Isang barangay kagawad at CAFGU, patay sa pamamaril sa Lamitan City, Basilan

Kumander ng JTF-Basilan, siniyasat ang kahandaan ng mga tropa para sa paparating na BSKE

Siniyasat ni B/Gen. Alvin Luzon, kumandante ng 101st Infantry Brigade ng Philippine Army ang kahandaan ng mga tropa sa kani-kanilang hurisdiksyon para sa paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Binisita ni B/Gen. Luzon, na siya ring kumander ng Joint Task Force (JTF)-Basilan, ang mga tropa na ipinakalat sa iba’t ibang mga lugar sa… Continue reading Kumander ng JTF-Basilan, siniyasat ang kahandaan ng mga tropa para sa paparating na BSKE

23 Dating mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Umabot sa 23 dating mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), na kilala rin sa tawag na Former Violent Extremists (FVEs) sa lalawigan ng Basilan, ang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Ayon sa pahayag ng 101st Infantry Brigade ng Philippine Army, ang 23 mga resipyente ay unang batch ng Enhanced Comprehensive Local integration Program… Continue reading 23 Dating mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Faulty electrical wiring, tinitingnang sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ayon sa BFP

Tinitingnan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Manila Arson Team na faulty electrical wiring ang naging sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ng Aleson Shipping Lines sa karagatan ng Baluk-Baluk Island sa probinsya ng Basilan. Ayon kay Basilan BFP Chief Sr. Supt. Kadil Acalul, bahagya na nilang itinigil ang kanilang imbestigasyon sa… Continue reading Faulty electrical wiring, tinitingnang sanhi ng pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 ayon sa BFP

2 miyembro ng Bangsamoro Parliament, nanawagan ng imbestigasyon hinggil sa pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 sa Basilan na ikinasawi ng 31 katao

Nanawagan ng imbestigasyon ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Parliament hinggil sa pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 sa Basilan nitong nakaraang Marso 29, para alamin ang naging dahilan ng insidente na ikinasawi ng 31 ng mga indibidwal. Sa inilabas na pahayag ni Bangsamoro Member of the Parliament Amir Mawallil, sinabi nitong nag-file sila ng… Continue reading 2 miyembro ng Bangsamoro Parliament, nanawagan ng imbestigasyon hinggil sa pagkasunog ng M/V Lady Mary Joy 3 sa Basilan na ikinasawi ng 31 katao

Sen. Bong Go, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Basilan

Nagpaabot ng pakikidalamhati si Sen. Bong Go sa pamilya ng mga nasawi sa passenger vessel sa Basilan nitong Miyerkules ng gabi. Ayon sa senador, nakakalungkot na matapos ang oil spill incident sa Oriental Mindoro ay isa na namang trahedya ang nangyari sa karagatan. Umaasa itong agad na maihahatid ang tulong sa mga biktima ng trahedya.… Continue reading Sen. Bong Go, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Basilan